Chapter 27: General Kamui

564 14 0
                                    


• Alora •

Nagpatuloy lang ang operasyon namin na saklolohan ang Otto Country. Dumating nadin ang reinforcements namin pero hindi parin ito naging madali para saamin. Masyadong magulo ang lahat at kailangan parin naming mag-ingat dahil may iba pang mga mamamayan ang hindi pa namin nae-evacuate. Biruin mo, 358 cities ang nakasalalay sa sa OTG. This is just too much work for us. Sa ngayon, pang limang siyudad na itong pinuntahan namin, district 12. Nakikita ko din kung gaano ka pursigi si General Kamui sa pakikipag laban. Binubuhos na nya ang kanyang lakas dahil halos puro dangerous class na Oni ang nakakasalunbong namin. And because this is a war, hindi talaga maiiwasan na may mga nasasawi kaming comrades during the battle. Si Ate at Shiroin naman ay nagtutulungan. Kahit saan mapadpad si Ate ay nandun siya, of course. He can't lose an eye on my sister. He can't afford to lose her. Just like me. I can't afford to lose Kai from me. Kaya nga eto ako ngayon at patuloy paring umaasa na makikita ko siya.

"Poison Gale!!" Bulalas ni Ate at bigla nalang may bumuhos na napakaraming lason sa ulo ng isang middle class Oni, rank 5. Kung tutuusin ay malakas ito pero kayang kaya naman talunin ng ate ko. Pagkatapos nun ay naglaho na ang Oni at nagcast ng healing spell si Shiroin para kay Ate. Binaling ko na ang atensyon ko at lumipad. Nilibot ko ang tingin ko sa district na'to. Konti nalang at mawa-wipe out na namin ang mga Onies sa lugar na ito. Bukod kay Kai, may isang prisensya pa akong hinahanap. Walang iba kundi ang halimaw sa likod ng digmaang ito.

"Humanda ka sakin, Extreme Class, rank 2 Oni, Death." Sambit ko saaking sarili at bumulusok pababa para muling sumabak sa laban.

"Alora! Stay on the front lines. Your strength is needed there." Rinig kong utos sakin ni General Kamui. Agad namang tinupok ang Oni na nasa harap ko na gimamitan ko ng force magic ko na hinaluan ko ng isang simpleng fire spell. Napatulala ako saglit sa narinig ko. Oo alam kong dapat lang pang front liner ako dahil kami ni Ate ang pinakamalakas sa team na'to. Pero parang lang akong napatigil sa sinabi saakin ni General Kamui.

"Your strength is needed there."

My strength? Do I have such thing? All my life I believed I was weak. Or still, I am. That's why I doubted for a second kung may 'strength' nga ba akong maiaambag sakanila. Nabalik lang ako sa ulirat ng biglang pumitik si general sa harap ko.

"Don't ever space out during battles. That may give an advantage to the enemy to attack you." Sabi nya. Tumalikod na sya pero bago sya nagsimulang maglakad ulit, may pahabol pa syang sinabi. "Don't let your guard down." At pagkatapos nun ay lumipad na sya. Napatingala nalang ako. Tiningnan ang madilim, at mausok na kalangitan. Dahil sa kaguluhang nagaganap dito ay natabunan na ng usok ang kalangitan. Hindi ko maaninag ang mga tala. Nakakalungkot lang. Pero sa likod ng mga ulap na yun, I can see clearly the faint light of the mighty moon. Maya-maya pa ay nahati ang ulap sa gitna at kitang kita ko, buong buo sa paningin ko. The moon was shining its brilliant crimson light. Naikuyom ko nalang ang kamao ko at napahawak ng mahigpit saaking Crystal of Elestra, at lumipad narin papunta sa front line. Natanaw ko ang iba kong mga kasamahan, kasama sila Ate at Shiroin. At sa unahan naman si General Kamui. Hindi sila kumikilos at may tinatanaw. Lahat seryoso ang mukha. Lalo na si Ate na ngayon ko lang ata nakita na ganito ito ka-seryoso. Sinundan ko ang tingin nila. At doon nakita ang mas marami pang mga Oni na papunta sa direksyon namin. Hindi muna ako bumaba. Tinitingnan ko kung anong susunod na gagawin ni General Kamui. Triple ata ang dami nila kesa sa mga nauna naming kalaban. At mas marami ang Dangerous class sa hoard na ito. Ang masama pa dun, marami saamin ang nauubusan na ng lakas. Kaya delikado ang mapasabak pa kami sa ganitong laban. Ang akala kong reinforcement na dumating kanina ay wala ding kwenta. Nalagasan lang kami ng nalagasan. Tila walang katapusan ang numero ng mga Oni na ito. Halos walong oras na kaming nakikipaglaban. Nararamdaman ko nadin ang sakit at pagod sa katawan ko. Masama ito.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon