Chapter 14: Hue of Akone

908 23 0
                                    


• The Author •

5...

4...

3...

2...

1...

At natapos na nga ang laro. Agad lumitaw sa bawat screens ang mga manlalarong nanalo sa bawat hunting areas. At syempre, sa Type B ay si Alora ang nahirang na champion. Si Shiroin naman ang champion sa Type A. Agad na lumitaw ang apat na nanalo sa game. Nagpalakpakan naman ang mga estudyante. Lahat ng mga estudyante sa iba't-ibang sulok ng school ay nakatingin lang sa mga nakalutang na screens. Si Alora naman ay hindi mapigilang huwag matuwa. Wala naman kasi talaga sa plano nya ang manalo. Agad nya namang hinanap si Kai, pero hindi nya mahagilap ito. Imbes na si Kai ang makita nya ay si Shiroin ang natanaw nya. Tumakbo naman sya palapit dito ng makita ang Ate nyang buhat buhat ni Shiroin.

"Anong nangyari sakanya?" Nag-aalalang tanong ni Alora.

"Nasobrahan lang sya sa paggamit ng mahika. Ok lang sya, wag kang mag-alala. Dadalhin ko na muna sya sa Healing Station." Napatango nalang si Alora at hinayaan na si Shiroin. Nagpasya sya na mamaya nalang puntahan ang Ate nya pag nagkamalay na. Matapos mai-teleport ang apat na champions, sumunod na nai-teleport ang ibang players na nananatili pa sa games. Sa paglalakad ni Alora ay naaninagan nya na ang likod ni Kai.

"Kai!" Tawag nya dito. Agad namang napalingon ang binata at sinalubong si Alora ng may ngiti.

"Congrats." Wika ni Kai sabay pat sa ulo ni Alora.

"Salamat." Reply naman ni Alora. Maya-maya pa ay sabay silang napatingin sa screen dahil lumabas doon si Noki.

"Happy lunch time, Yusuzumian students. I would like to invite the five champions of our quest here on stage. I hope all of you enjoyed our little event. Thank you." At pagkatapos nun ay black nalang ang makikita sa screens.

"Sige na. Lakad na." Sabi ni Kai.

"Oh. Ba't ako lang? Dapat nandun ka para panoorin ako 'no!" At hinila na nga ni Alora sa Kai. And again, wala na namang nagawa ang binata kundi ang magpahila nalang. Pagkarating nila sa main stage ng school, kung saan dun talaga ginaganap ang events ng school ay tumayo lang sa isang tabi si Kai. Nakita nya namang umakyat na ng stage si Alora ng nakangiti. Kumaway pa ito sakanya. Sigurado syang sakanya talaga yun. Si Alora na nga mismo ang humila sakanya dito e. Nakita nya ding kumpleto ang buong SC officers. Lahat ng tao ay nagpapalakpakan para sa mga nanalo.

"At para sa mga napanalunan ng bawat isa." Panimula ni Noki. Unang binigyan ang estudyanteng nanalo sa Type D. Isang pet ang sakanya. Ibon ito na may napakagandang tinig kapag kumakanta. Kulay puti ang balahibo nito. Ayon kay Noki ay nagmula pa ang ibon sa isang floating island ng Moonlight Country. Kaya dapat lang ay alagaan ito dahil hindi mo ito makikita dito sa baba kundi sa mga floating islands lang.

"Isang White Friama." Sambit ni Kai. Nakakita na kasi sya ng ganito. Kaso Black Friama naman iyon. Magkalahi ang dalawang ibon ngunit sa mga kagubatan naman matatagpuan ang Black Friama. At sa gabi lamang ito lumalabas. Nocturnal creature kasi ang Black Friama. Kumikintab ang mga balahibo nito. At may kulay abong mga mata. Sa White Friama naman ay kasing itim ng balahibo ng Black Friama ang kulay ng mga mata nito. Sa Type C winner naman ay limang Paper of Wish. At syempre, pangalan palang alam nyo na kung ano ang kaya nitong gawin. Isulat mo lang kung anong gustong hilingin mo at iga-grant nito ang wish mo. Yun nga lang, mga bagay lamang ang kaya nitong i-grant. Nothing more beyond that. Hindi na nakita ni Kai kung ano ang napanalunan ni Alora at Shiroin. Sobrang dami na kasing estudyante ang nandun at may ibang nakikisiksik pa. Kaya medyo nabadtrip si Kai at umalis nalang doon. Naupo nalang muna saglit si Kai sa isang bench at dun nalang hinintay ang dalaga. Gusto nya ding malaman kung ano ang natanggap nito. Base kasi sa mga unang winners, lahat ng napanalunan nila ay magaganda. Kaya tiyak na mas maganda din ang nakuha ni Alora. Hindi na nya kasi nakita kung anong itsura nito, tanging pangalan lamang ng bagay na yun ang nalaman nya bago sya tuluyang umalis.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon