Chapter 20: He's Bound In The Dark, He's Bound In My Heart

674 17 0
                                    


• Alora •

Sobra akong nag-aalala kay Kai nung dinala ko sya sa Healing Tower. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari kay Kai ngayon. Pero nung makita ko syang nakahandusay, may nakita pa akong itim na usok na naglalaho sa harap ni Kai. Magca-cast na sana ako ng spell nun para mapigilan ang pag-alis ng bagay na yun. Iniisip ko na baka Oni iyon, but I still have doubts kung Oni ba talaga yun. Akala ko, mawawala na si Kai sakin. Bwisit talaga sya, pinag-alala nya ako ng sobra. But I'm glad that he's fine. Sabi nung healer, stable na ang condition nya. At may sasabihin pa dapat yung healer sakin na naudlot lang, kasi dumating yung Lolo ni Kai. Base sa itsura ng Lolo ni Kai, halatang marami na itong karanasan sa buhay at talaga namang kagalang galang itong taong ito. Lumabas pa nga muna sila para makapag-usap which is odd. Hindi ko ba pwedeng marinig kung ano man yun? I mean, it's about Kai's health naman e. And I know to myself that I have rights to know about it. Nung bumalik na sa loob ng silid ang Lolo ni Kai, tinanong ko naman sya kung anong sinabi nung healer. Syempre, nagtanong ako ng may buong paggalang.

"He needs to have bed rest for 1 week to fully recover. Hindi pa tuluyang natatanggal ang lason sa katawan nya, but he will be fine."

Hindi man ako kumbinsido sa sinagot ng Lolo nya, hinayaan ko nalang ito. Napa-praning na naman siguro ako. Ang importante, nasa ayos na kalagayan na si Kai. Humanda lang talaga sya paggising nya. Magtutuos pa kami. Peroㅡ ang totoo nyan, gusto ko lang naman talaga humingi ng tawad kay Kai. Pakiramdam ko kasi, kasalanan ko 'to e. Kasalanan ko kung bakit napahamak si Kai. At yung itim na usok na yun, sigurado ako. There's no mistaking it, na yun ang may gawa nun kay Kai. Aalamin ko at hahanapin ko yun without Kai's knowledge. Marami akong gustong sabihin kay Kai, at marami din akong gustong itanong sakanya.

So many questions.

°°°

Muli akong bumisita kay Kai sa Healing Tower. Pang limang araw na nya dito, at may malay nadin sya. Natatawa pa nga ako pag naaalala ko yung araw na nagkamalay na sya. Atㅡnakatatak parin sa isipan ko ang pag-uusap naming yun.

{ Flashback }

Mahimbing lang akong natutulog sa tabi ni Kai ng maramdaman kong gumalaw ang kamay nya. Agad akong napabalikwas at napatingin kay Kai. Medyo gumagalaw na din ang mga mata nya at dahan dahan itong dumilat. Unti-unti din namang gumuhit ang ngiti sa labi ko.

"A-Alora?"

"Buti naman at gising kana, Kai!" And then the next thing I knew, niyakap ko na naman sya. Sobrang saya ko lang nun kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin sya. Pinag-alala nya kaya ako ng sobra.

"A-Aloraㅡteka lang. Mahihimatay na naman ako sa higpit ng yakap mo." Napadilat ako at nanlaki ang mga mata ko. Agad din naman akong kumalas sa pagkakayakap ng sabihin ni Kai sakin yun. Napayuko ako, at sinigurado kong hindi makikita ni Kai ang mukha ko. Dahil panigurado, namumula na naman yung mukha ko! Aish.

"Oh, ba't ka nakayuko? Wag mong itago sakin yang maganda mong mukha. Hahaha." Napatigil nalang sya sa pagtawa nung tumayo ako. At dahan dahan kong iniangat ang ulo ko. Nanlaki nalang ang ang mga mata nya ng makita na galit na galit ang ekspresyon ng mukha ko. Nabahag ko ata ang buntot ni Gabrielle Grande. Ha!

"Marami ka pang kailangan ipaliwanag sakin, Gabrielle Grande! Get it?!" Bigla nalang nagtago si Kai sa ilalim ng kumot, but half of his face remained uncovered.

"H-Ha?! Teka lang! Ba't ka ba ganyan? Hindi ikaw si Alora! Ibalik mo sya kung sino ka mang sumapi sakanya!" What theㅡpfft. Seriously? Does he really think that someone possesed me? Kung makikita nyo lang ang mukha ni Kai ngayon, siguradong mapapagulong kayo sa tawa. Pinipigilan ko lang ang sarili kong huwag matawa, I need to maintain my tsundere mode. Kaya naman nanatiling seryoso at galit-galitan ang mukha ko. I can't believe na ang katulad ni Kai, nagtatago sa ilalim ng kumot nya at takot na takot sakin. I never thought na ganto ang ire-react nya. Nakipag titigan ako kay Kai for a minute, at kitang kita ko namang nanginginig na sya sa takot. Kaya napa-buntong hininga nalang ako.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon