Chapter 26: Battle Outbreak

507 12 0
                                    


Alora

*Sound of rushing winds*

Tulad ng dati, tulala na naman ako sa kawalan. At tulad ng dati, nasasaktan parin ako. Sadyang mahal ko lang talaga siya kaya hindi ko na magawang ngumiti simula ng umalis sya. Oo nga, nakikita nila Ate, Mama, Papa at iba pang mga tao sa paligid ko na ngumingiti ako. Akala nila okay lang ako. But all of it are just a piece of lie. Kahit kelan, simula ng umalis si Kai hindi na ako ngumiti ng totoo. I can still picture him on my mind, smiling while slowly disappearing right before my eyes. Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mata ko. I have to be strong. I need to be strong. Because I know, somewhere, Kai is waiting. Napahawak naman ako sa ruby necklace na binigay nya saakin noon. I never knew, that a monster like them can also create such magnificent things like these stone. Doon ko natuklasan na gamit ang kapangyarihan nila, kaya nilang gumawa ng ginto, iba't-ibang gems, silver at iba pang bagay na kumikinang.

"Alora, tayo na. Ihanda mo na ang sarili mo dahil matapos ang tatlong linggong pagsasanay, magbubunga narin ang lahat ng pinaghirapan natin." Lumingon ako at nakita ko si Ate na naka-fully geared na. Inayos nya naman saglit ang weapon nya na latigo at ikinabit sakanyang likuran. Tumango na ako at tumalon mula sa batong kinatatayuan ko. Naka-fully geared nadin ako pero secondary weapon ko lang ang bitbit ko, hindi tulad ni Ate na main weapon nya ang bitbit nya ngayon. Kaya ko naman kasing palitawin ang staff ko kahit kailan ko gustuhin. Dimension/portals ang main element ko, kaya natatago ko lang sa isang dimensional space ang staff ko. Apat na linggo na ang nakakalipas simula ng kalunos lunos na sinapit ng Aida City. At nagpulong agad ang Oath for the Blood Moon para maghanap pa ng mas maraming kasapi sa Oni Termination Group dahil nagkaroon na naman ng isang pagsalakay ng mga Oni sa isang siyudad. At isa na ang eskwelahan namin sa pinaghahanapan ng mga bagong kasapi. Agad naman akong sumali kasama nadin si Ate. Ngayon mas mapapadali na ang paghahanap ko kay Kai.

Ayaw man nila Mama at Papa na i-risk ang buhay namin dito, wala parin silang magawa. Dahil kasali ang pamilya namin si clan, it is our fate to step on this kind of path. Ang maging isang knight para sa mundo. Babae man o lalake. Tatlong linggo lang kaming pinagsanay, and I can say that our training was really a torterous one. Kulang nadin kasi kami sa oras, and the Onies are getting out of hand. Hindi ko din ibinigay sa OTG ang mga impormasyong nalalaman ko tungkol sa mga Oni. Wala pa silang alam tungkol sa mga Extreme type Oni maski katiting. At ayokong sabihin. Maaaring ikapahamak ito ni Kai. They don't know that the extreme Onies are indeed the superior ones. Overpowered. Kaya nilang mag-anyong tao at makihalubilo sa mga tao. They don't know that Onies have been decieving us for a quite some time now. Kaka-graduate lang namin as trainee soldiers kapahon. At ngayon, naka-recieve ang General namin ng masamang balita. At lahat ng yun ay narinig namin mula sa radio station ng aming barracks.

"Otto Country, 358 cities including the capital, all wiped out."

Lahat kami ay gulat na gulat sa aming nabalitaan. Napatulala na lang ako samantalang ang iba naman ay nagsimula ng maghysterical at manginig sa takot.

"Kakatapos lang natin ng training, wala tayong experience tapos sasabak agad tayo sa laban?"

Rinig kong sabi ng isa sa mga kasamahan ko.

"What's happening in this world?"

"This is not fair!"

Yan ang mga salitang naririnig ko mula sakanila. Life is unfair. They should've known that.

"Mukhang mapapasabak na tayo sa laban." Rinig kong wika ni Ate na nasa tabi ko na pala ngayon. Hindi ko na sya pinansin at nagsimula ng maglakad papuntang front lines. Ang General na mismo ang naglagay sakinㅡsamin ni Ate as front liners dahil alam naman nyang we got blue blood. Iniisip ko parin kung tama lang ba 'tong tinatago ko sa mga nakakataas ang nalalaman ko tungkol sa mga Oni? Because with this information, we can break the rampage of Onies in one swoop. Pero bahala na. Sasabak na kami sa laban kaya kelangan ko magfocus. Nakakawindang lang talaga ang lahat ng mga pangyayari. Sobrang bilis. Kung pwede lang gumamit ng time stop, siguro nayakap ko ng mas matagal si Kai. I wish I had the princess' power.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon