Chapter 34: Rubia

627 19 1
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.











Alora⚫

Hindi ko halos matingnan ang mukha ng mga magulang ko. Nanginginig ang buong katawan ko. Nanginginig ang buong pagkatao ko. As if I was an old building ready to collapse. Naging pabaya ako. I feel so stupid. Napakatanga ko. I was so focused at one thing. Nakalimutan kong may pamilya pa ako. I was so focused at the situation of Kai. Sunod sunod talaga. Grabe. Di ko naman yata kaya 'to.

"Alora, Alora, Alora." Napatingala ako ng marinig kong may nagbanggit ng pangalan ko. Ng makita ko ang lalakeng yon, ng makita ko ang halimaw na yun ay agad bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang galit. Agad ko namang itinabi ng maayos ang katawan ng mga magulang ko at pilit na kinaya ang lahat ng sakit. Pinunasan ko ang luha ko at tiningnan si Death ng puno ng galit. Pero ang ang sorpresang naghihintay sakin ay hindi pa pala tapos. Ngumisi si Death saakin. At ilang beses ko na siyang pinatay sa isipan ko.

"Look at you. The so-called daughter of the moon." He said, mocking me then laughed.

"So, what made up your mind and came all the way here? To be the heroine of this world? Hahaha." Nanatili akong tahimik at tinitingnan siya. Hindi niya alam na sa mga sandaling ito pinaplano ko na kung paano siya papatayin.

"Sabi ko naman sayo e. Pagsisisihan mo ang lahat. And now, saan ka dinala ng pag-ibig na yan?" At pagkatapos nun ay bigla nalang may sumulpot na katawan mula sa harap niya. And in a split of seconds, I realized it was my sister's body. Muling umagos ang luha mula sa mga mata kong sobrang pagod na pagod na sa kakaiyak. Nanikip ang dibdib ko dahil halos hindi ko na makaya ang nakikita ko. Wala ng buhay ang kapatid ko at balot na balot ng dugo ang katawan nito. Basta nalang iyon inihagis ni Death papunta sa kung saan itinabi ko ang katawan ng mga magulang ko. Kitang kita ko pa ang pag gulong ng katawan ng Ate ko at tila unti-unting lumalala ang galit sa puso ko.

"Ang kahangalang iyon ang nagdala sa huling hantungan ng pamilya mo." Tumatak sa isipan ko ang sinabi niyang iyon. Nanggagalaiti ako. Wala siyang karapata na sabihin yan. Pero ang mas lalong kinaiinis ko, sinasampal niya sa akin ang katotohanang iyon. I never wanted to be the world's heroine. I never dreamed of it. Never. And now, I can't take it anymore. I don't even want to think how my parents died. How they died. And that is because of me. Sila ang nagbayad sa mga kasalanan ko. At para akong dinudurog sa sakit. Sa konsensiya. Sa pagsisisi. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pamilya ko o si Kai?

Pinili ko si Kai. At hindi ko inisip na mangyayari 'to. Hindi ko inakala na mawawala agad ang pamilya ko sakin. Ni hindi ko man lang sila nakasama sa huling sandali. At magka-away pa kami ng ate ko. Sana.. Sana pala noon palang hindi ko na inaway ang ate ko. Ngayon, luha nalang ang maisusukli ko sakanila. I've been so selfish. Gulong gulo ako. Sirang sira na ako.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon