Chapter 30: Even The Heavens Has an Edge

549 13 0
                                    


• The Author •

Alora continued to cry on Kai's chest. Namayani ang emosyon nya sa mga sandaling iyon. Tila ayaw maubos ng mga luha nya. Mabuti nalang at walang ibang tao doon kundi sila lang. Dahil kung nagkataon na meron, posibleng tugisin si Kai at mapahamak si Alora sa pagtaliwas nya sa grupo. Hindi naman napansin ni Alora ang dahan dahan na pagdilat ng mga mata ni Kai. Wala pa sa sarili ang binata. Masyadong naging matindi ang naging labanan nila ni Death, maging sa buong hukbo ng mga Oni. Kinalaban nya ang lahat ng yon. Makatakas lamang. Ng unti-unti ng narinig ni Kai ang bawat hikbi ni Alora, nabalik na sya sa ulirat. Noong una ay gusto nyang paniwalaan na panaginip lamang na nasa tabi na nya si Alora. Ilang beses syang nagpikit-dilat upang masiguro na hindi lamang gawa-gawa ng kanyang isip ang senaryong itoㅡat napatunayan nyang ang lahat nga ng ito ay totoo. Nanatiling nakatanaw sa makulimlim na kalangitan si Kai. Pagkatapos, isang patak ng luha ang tumulo sakanyang mata at unti-unting sumilay ang mga ngiti sakanyang labi. Habang si Alora naman ay sige parin sa pag-iyak. Ramdam na ramdam na ni Kai ang mga luha ng dalaga sa kanyang dibdib. Saka nya dahan-dahang iginalaw ang kamay at hinaplos ang buhok ni Alora. Dito sandaling natigilan si Alora. At dali-daling umayos ng upo ng nanlalaki ang mga mata.

"Kai!" Pagtawag nya sa pangalan ng binata at napatakip ng bibig. Nagpumilit namang kumilos si Kai para punasan ang mga luha ni Alora sakanyang pisngiㅡat muling ngumiti.

"D-Diba, sabi ko sayo, ayaw kitang m-makitang umiiyak?" Malumanay na wika ng binata.  Gusto na sanang suntukin ni Alora si Kai dahil sa inis nya. Nung iwan sya nito, ang mga desisyon nito at problemang sinarili ng binata. Lahat ng yun, gustong isigaw ni Alora sa mukha ni Kai na napaka-unfair nya. Na hindi manlang inisip ni Kai ang mararamdaman nya. Pero ni isa, walang lumabas sa bibig ni Alora. Tanging ngiti lamang ang nailabas nya sa sobrang tindi ng kanyang emosyon. Parang tila na mental block sya ng nasa harap nya na ngayon si Kai. Hindi pa siguro ito ang tamang oras, ang nasa isip ng dalaga. Ayaw nya na mag-away agad sila gayong ngayon lang ulit sila muling nagkita. Tumingin naman muna sa itaas si Alora at nagpunas ulit ng luha. At pagkatapos, muli nyang tiningnan si Kai.

"H-Hindi parin talaga ako makapaniwala na nasa harap na kita ngayon, Kai. S-Sobrang saya ko lang." Sabi ng dalaga.

"A-Akala ko din...sa panaginip ko nalang mararanasan ang senaryong 'to. P-Pasensya kana, A-Alora. I've been such an idiot. I let Death manipulate me. I-I'm such a fool." Wika ni Kai na punong puno ng pagsisisi. Bahagya namang hinampas ni Alora ang dibdib ni Kai, pero mahina lang.

"Buti naman at alam mo! Napaka-unfair mo, alam mo yun? Hindi mo manlang inisip ang nararamdaman ko kapag ginawa mo ang mga bagay na yun. Gabi-gabi kitang iniyakan, Kai! I was so decieved by own delusions. It's like a part of me was lost when you left. P-Pero okay na ngayon. Ngayong nandito kana, Kai. Please, don't you ever leave me again!" Mahabang wika ni Alora. Pagkatapos nun ay muli nya itong niyakap. Nagsusumamo na huwag syang muling iwan ng lalakeng minamahal. Tila nanikip naman ang lalamunan ni Kai ng marinig ang mga salitang binitawan ng dalaga sakanya. Hindi nya alam kung anong mga salita ang dapat piliin sa sitwasyong ito. Nasasaktan sya sa tuwing nagkakaganito si Alora sakanya. Pero, napag desisyunan nyang kailangan na nilang magising sa katotohanan. Tama na ang pantasya, tama na ang panaginip. Kailangan na nilang tanggapin ㅡlalo na si Kai na wala na talaga syang pag-asa. Wala na syang pag-asang mabuhay pa at patunay ang nangyari sakanya noong nasa palasyo pa lamang sya. Matagal na hindi nakasagot si Kai. Kaya muli syang tiningnan ni Alora ng mata sa mata. Nag-iwas si Kai sa tingin ni Alora. He just can't stand looking at Alora's eyes that is full of sorrow. His heart melts.

"Alora, alam kong alam mo ang kalagayan ko. At pareho nating alam, na... na hindi na ako mabubuhay pa ng matagal." At doon bumuhos ang luha ni Kai. Hindi na nya iyon napigilan sa pagkakataong ito. Kapansin pansin ang labis na paghihirap sa mata ng dalawa. At sa mga nakaraang araw na lumipas, malaki na agad ang pinagbago ng pisikal na itsura ni Kai. Humaba ng hanggang bewang ang buhok nya at ang dating yellowish-brown nyang buhok ay naging dark brown. Malayong malayo sa Kai nung huli silang nagkita ng dalagang si Alora. Naikuyom na lamang ni Alora ang kanyang dalawang kamao.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon