The Beginning

1.3K 30 2
                                    

[BGM: The Beginning by One Ok Rock acoustic version]

Epilogue

Napaupo na lamang si Yume habang tuloy tuloy ang pag-agos ng luha niya. Napatakip siya ng bibig habang inaalala ang lahat ng mga nakita niya sa kwintas na iyon.

"I n-never thought her life was like that.." Sabi ni Yume sakanyang sarili habang humihikbi sa iyak. Para siyang nanonood ng isang pelikula ng mahawakan niya ang kwintas ni Lady Rubia. Ang totoo niyan ay nagpunta sila ni Haru dito dahil may kailangan lang silang kunin mula kay Lady Rubia. At dahil medyo nainip si Yume sa tagal ng pag-uusap ng dalawa ay napagpasyahan niyang maglakad lakad sa mansyon. Hanggang sa mapadpad siya sa kwartong ito.

Nanatili parin siyang nakatitig sa kwintas na nasa loob ng kahon. Na-curious siya dito dahil napaka-espesyal siguro nito at may nakalaan pang isang silid para sa isang kwintas. Lalo na ng makita niyang isang ruby necklace ito na may halong kulay itim. Tumayo na si Yume at pinunasan ang mga luha niya at dali-daling lumabas ng silid.

"Alam kong may dahilan kung bakit ako napadpad doon at makita ang lahat ng yon. And I know I need to do something about it." Tumakbo si Yume at bumalik sa silid kung saan nag-uusap si Rubia at si Haru.

"Haru, nasaan si Lady Rubia?" tanong niya dito ng makarating siya pero wala na doon ang Dimensional Witch.

"Hindi mo ba nakasalubong? Lumabas lang siya saglit para magpahangin. Mamaya makukuha na natin ang kailangan natin dito. Bakit mo natanong?"

"Basta! Nasa hardin ba siya?" Sabi ni Yume at nagtataka man ang itsura ni Haru ay sinagot niya parin ito.

"Oo-" hindi pa nakakatapos magsalita si Haru ng kumaripas na ng takbo si Yume.

🌙🌙🌙

Nakita ni Yume si Lady Rubia na nakatayo sa ilalim ng ulan. Nakasuot ito ng kulay pulang kimono at naka-bun ang buhok.

"Bahala na." Nasabi na lamang ni Yume sa kanyang sarili dahil hindi naman talaga niya alam ang gagawin. Pero meron siyang kailangang gawin. Nanatili siyang nakatitig sa likod ni Rubia, at muling nag flashback sa isip niya ang mga nakita niya doon sa kwintas. Hanggang sa bigla na lamang umilaw ang katawan ni Yume, naging kulay pula ang mga mata at buhok. Itinapat ang palad sa direksyon ni Rubia at nagliwanag sa kulay pula ang katawan nito. Hindi naman namamalayan ni Rubia ang mga nangyayari dahil nakakulong na naman ito sa mga alaalang parang kahapon lang nangyari.

Unti-unti, habang nakayuko si Rubia ay natatanggal ang kulay ng mata niyang itim. Tila lumalabas ito sakanyang mata bilang isang kulay itim na usok. At doon niya na napansing may kakaibang nangyayari.

The black smokes are visible in her eyes, at alam niyang galing ito sa kulay itim niyang mga mata.

"Anong..?" hindi na naituloy ni Rubia ang kanyang sasabihin. Napunta lang sa itaas ang lahat ng usok at naglaho. Naglakad papuntang fountain si Rubia at tiningnan ang reflection nito. Naging pula na ulit ang mga mata niya.

🌙🌙🌙

Hindi ko alam kung anong hiwaga ang nangyari. Sa pagkakaalam ko, nakulong ako. Nakulong ako ng matagal sa loob niya. Tanggap ko nang habambuhay na akong mamumuhay sa madilim na lugar na ito. Sa tagal ng panahon hindi ko na alam kung gaano na ako katagal dito. Basta madilim, at palutang lutang lang ako. Pero panatag naman ako.

Dahil alam kong nandito lang ako sa kaloob-looban niya.

Naninirahan sakanyang emosyon. Panatag ako dahil alam kong na kay Alora parin ako. Laking gulat ko nalang ng biglang may sumilaw na liwanag. Na sa sobrang tagal kong hindi nakakita ng liwanag ay nanibago ako ng sobra. At dahil wala akong alam kung ano ang nangyayari, sinubukan kong pumunta sa liwanag na yon.

And that's when it happened.

Nakapikit ang mga mata ko. Unti-unti, nakakramdam na ako. Nakakaramdam na ulit ako ng mga bagay bagay. Ano itong malamig na bagay na dumadampi sa akin? Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Ano nga ulit ang tawag dito?

Ah, ulan.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nakaramdam ako ng kaba. Kaba na baka di na ako makabalik kay Alora. Panatag na nga ako kasi alam kong nandoon lang ako sakanya. Pero kinakabahan ako kasi ibang lugar na'to.

Naglakad pa ako ng naglakad. Hanggang sa may natanaw akong taong nakatalikod. Nakasuot ng kulay--teka. Ah, ayun. Kulay pulang damit. Dahan dahan akong nagtungo papunta sa taong ito, at parang naramdaman niya ang prisensya ko kaya tumigil ako. Unti-unti siyang lumingon saakin.

Ng nakita ko palang ang kalahati ng mukha niya, I felt like my heart melted. This.. This can't be. Is this one of my hallucinations again?

"Kai?"

That.. That voice. Hinding hindi ko makakalimutan. Kung hallucination lang ito, bakit sobrang totoo?

"Totoo ba'to?" In her eyes, I saw eternity.

Napaluha na lamang siya habang nakatingin saakin at saka hinaplos ang mukha ko. Nagitla pa ako nung una. Nanibago talaga ako. Matagal tagal narin kasi simula ng may humawak saakin.

"Hindi ako nananaginip?" Yun dapat ang sasabihin ko. Pareho pala kami ng iniisip. Hindi muna ako gumalaw. Baka kasi.. Mawala nalang siya sa harap ko.

Bigla niya akong niyakap at napapikit ako. Alam ko mawawala na siya at babalik ulit ako sa madilim na lugar ma 'yon. Pero pag dilat ko, nandun parin siya. Damang dama ang init ng yakap niya. Totoo nga. Totoo ang lahat ng 'to at hindi guni-guni ko lang.

Kaya diko na pinigilan ang sarili ko at niyakap siya pabalik ng sobrang higpit. At may naramdaman na akong mainit na bagay na nagmumula sa mata ko.

Luha.

Matagal tagal narin.

Napaluha din ako at talagang niyakap siya.

"Hindi nga ito isang p-panaginip." Humikbi ako ng humikbi at binaon ang mukha ko sa leeg niya.

"Sobrang tagal akong nagbabakasakali, na babalik ka. At.. At ngayon, hindi ako makapaniwala. Totoo na ito." garalgal nadin ang boses niya katulad nung akin.

"Hindi ko din akalaing mangyayari 'to. Sobrang tagal kong nagpaikot-ikot sa kadiliman. Siguro naman dito, wala ng hahadlang satin?" Sabi ko. Hindi nakasagot si Alora dahil iyak lang siya ng iyak. At ganun din ako. Matagal kaming nanatiling magkayakap.

"Kaya pala ilang beses kong magtangkang magpakamatay walang nangyayari. Yun pala dahil nasa loob ko ang enerhiya ng isang Oni. Ang akala ko talaga.. W-wala kana." sabi niya ng kumalas na siya sa pagkakayakap.

"Ewan ko. Ang alam ko yun ang nakatakdang mangyari sa tulad ko. Basta ang mahalaga, makakasama na ulit kita." I kissed her in her lips, binuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa simpleng halik na yun. I missed her, very very much. I really can't explain what happened. I guess this is some silly thing the moon planned on us.

Muli kong naalala ang sinabi saakin ni Lolo noon.

"Maybe in different time, in different world, we are meant to be." Nakangiti kong wika sakanya. Nanlaki naman ang mata niya sa gulat.

"S-Sinabi din saakin yan ni Mr. Gariole noon.". Sabi niya. "At tama nga ang sinabi niya." dagdag niya pa.
With that, the rain stopped. The sun shines brightly, and the surroundings was put into life now.

Because that's what her heart feels.

"The feelings I felt for you I never felt it with anyone else." Nagpunas siya ng luha matapos nun at ngumiti sakin.

"From now on, no more rules. Enough for the heartaches."

🌙 ~ The End ~ 🌙

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon