Chapter 24: Facticity of Everything

602 16 0
                                    


• Alora •

Natulala ako sa mga sinabi sakin ni Kai. Hindi ko alajkm kung ano ang mararamdaman ko. Dapat ba na masaya ako kasi mahalaga naman pala talaga ako sakanya? O malulungkot kasi parang namamaalam na sya? Ang gulo nya e. Ang labo talaga ng lahat. Isn't it called love when you put importance to a certain person? Ano ba talaga ang love para kay Kai?

"Kai, s-sobrang nasasaktan na ako. Bakit mo 'to ginagawa?" Panay ang hikbi ko habang sinasabi ang mga salitang yun. Naramdaman ko namang mas lalong humigpit ang yakap ni Kai sakin. Napapikit na lamang ako at sunod sunod na namang tumulo ang mga luha ko.

"I-Ipaliwanag mo lahat sakin, Kai. Maiintindihan ko naman e." Ng sinabi ko yun ay kumalas na ng yakap si Kai at hinawakan ang magkabila kong mukha. Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng isip nya. Ang daya. Ang daya nya talaga.

"Binabawi ko yung sinabi ko kaninang hindi kita mahal. Mahal talaga kita, Alora. Pasensya kung sobrang gulo ko. Pasensya kung sobrang labo ko. Pasensya kung sobra kang nasaktan sa mga ginawa ko. I'm so sorry, I mean it. Wala na akong ibang choice e. It has to be this way." Mahal nya ako? Does it have to be this way?

"Ano na naman ba 'to, Kai? Pagod na akong intindihin ka. A-ayan ka na naman e. Pa m-mysterious ka na naman." Pa-putol putol na ang pagsasalita ko dahil hindi ko na alam kung alin ang uunahin ko. Ang iyak ba o ang pagsasalita. Ang tagal nyang nakasagot dahil grabe yung iyak nya. Para ngang mas matindi pa sakin yung pag-iyak nya e. Napahawak pa sya sa buhok nya at pagkatapos ay napahilamos sya ng mukha at doon na sya nagsalita.

"Mukhang hindi ko na matutupad yung pangako ko na pangingitiin ka. Sa tuwing nakikita kitang umiiyak ng dahil sakin, parang ilang beses na akong pinatay. Pero atleast, kahit yung protektahan ka nalang. Gagawin ko ang lahat maprotektahan kalang." T-teka, anong protektahan? Saan? Dagdag tanong na naman ba'to sakin? Hinalikan naman ako sa noo ni Kai at tiningnan ako ng nakangiti.

"Paalam, Alora.."

Parang bala kung tumama sakin ang mga huling salita ni Kai bago sya magsimulang maglakad palayo. Ni hindi manlang nya sinagot yung mga tanong ko. Iniwan pa ako ng may bagong palaisipan. Ng maka-recover na ako sa pagkatulala ay agad ko syang hinabol. Nalimutan ko na ngang naka-gown ako dahil sa bilis ng takbo ko.

"KAI! SANDALI! WAG MO KONG IIWAN. PLEASE!" Unti-unti akong may natatanaw na kulay itim na usok sa paligid nya. Hindi ko alam kung anong gagawin nya. Basta ang nasa isip ko lang, ay mahabol sya. Ang huwag syang hayaan na umalis. Ano, pagkatapos nya ako bigyan ng madaming tanong mawawala nalang sya? Hindi ata tama yun.

"KAI, PLEASE!" Pagtawag ko sakanya. Pero tila walang narinig si Kai dahil hindi manlang nya ako nililingon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko sya maabutan. Eh tumatakbo na ako at sya naglalakad lang. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko at ng makalapit ako sakanya ay may lumitaw naman na kulay itim na vines sa harap ko. Na syang pumipigil sakin para makalapit kay Kai.

"KAI, TEKA LANG! SAGUTIN MO MUNA AKO. BAKIT KAILANGAN MO AKONG PROTEKTAHAN? PROTEKTAHAN SAAN? KAYA KO NAMAN ANG SARILI KOㅡ" Naputol saglit ang sinsabi ko dahil pinilit kong makaalpas sa ginawa nyang harang. Ginamit ko na nga ang kapangyarihan ko para wasakin yun pero walang nangyayari. Anong klaseng mahika ba ang tinataglay ni Kai? Bakit hindi ko masira? Naiinis na ako! At yung pesteng luha ko pa sumasagabal sakin.

"Kai, bakit ang dami mong hindi sinasabi sakin?" Napagod na ako kakasira sa harang nya na wala namang nababago. Nakatigil lang sya sa harapan ko. At dahan dahan syang lumingon.

"Please, take care of yourself. You are the most precious gem to me, Ruby."

Naiyak nalang ako lalo and then he disappeared in the darkness.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon