Chapter 15: Hints of Struggle

808 23 0
                                    


• Alora •

Nakauwi ako sa bahay na gulong gulo ang isip. Nakaupo lang ako sa kama ko habang naka-bend naman ang mga tuhod ko na parang yakap yakap ko na. Hawak ko kasi yung Hue of Akone. Tinititigan ko ito ng nakakunot ang noo. Iniisip ko na baka may sira ito ano. Pero alam ko namang imposible yun. Ang sabi ni Noki ay very accurate ito at never pang nagkamali. Nalaman ko din kanina na lumiliwanag ito kapag sobrang lakas ng emotion ang lumalabas sa isang tao. Or in short, pag malakas ang aura na nasasagap nito. Yep. Yun ang nagagawa ng Hue of Akone. To literally show a person's true colors. Buti at walang alam si Kai dito. Kaya ayoko sabihin sakanya ang nagagawa at ibig sabihin nung liwanag. Baka mamaya pag dala-dala ko 'to masagap pa pati aura ko. Mabubuking nya agad 'tong pesteng nararamdaman ko.

Pero ano naman kung mabuking?

Sakanya nga, alam ko na e. Pero parang ayoko maniwala na oo. Aish. Ang gulo ko talaga. Nilapag ko nalang sa side table ko yung Hue of Akone. Ang word na 'Akone' kasi ay isang old Rihonjin language. Kumbaga, ito ay isang sinaunang wika samin. At ang ibig sabihin ng 'Akone' ay Aura. Para mas maintindihan, 'Color of Aura' ang ibig sabihin ng Hue of Akone. Ang alam ko, ginagamit ito dati ng mga Heneral para malaman kung may traydor ba sa mga sundalong hinahawakan nila. Nag-aaway away pa kasi ang mga Hari ng apat na crescents sa mga lupain. Pero napigilan naman ng Hari ng center crescent. Kaya hindi na natuloy ang digmaang magaganap sana. Nagulat nga ako ng malaman kong ito yung napanalunan ko. Akala ko kasi wala na ito. Pero sabi ni Noki ay ito na ang last Hue of Akone. Pinagkatiwala nya ito sakin dahil alam nyang pangangalagaan ko ito. Kaya ng malaman ko na salungat sa sinasabi ni Kai ang nararamdaman nya, dun na ako nagtaka.

*Tok*Tok*Tok*

"Pasok!" Sabi ko matapos kumatok ng kung sino man yun. Hindi nadin ako nag-abalang tumayo kasi hindi naman naka-lock yung pinto. Pagkatapos kung sabihin yun ay niluwa doon ang butihin kong kapatid. Umupo ito sa harap koㅡsa may paahan banda.

"Seryoso mo naman ata dyan. Ano bang ginagawa mo dito at halos maghapon kanang nagkukulong sa kwarto mo?" Wika ng kapatid ko kahit na medyo lumilipad ang isip ko.

"Wala. May iniisip lang." Wala sa sarili kong sagot.

"Ows. May iniisip? Maybe that is really an important matter para mapaisip ka ng maghapon." Tiningnan ko naman syaㅡisang tinging nakakairita. Kinuha ko naman yung maliit na unan sa tabi ko at hinagis sa may mukha nya.

"Ang dami mong sinasabi." Iritang wika ko sabay tayo.

"Oh! San ka pupunta?"

"Sa kusina!" Kahit magkalapit lang kami ay akala mo nasa palengke kami kung magsigawan. Wala eh, ganyan talaga kami pag wala sina Mama at Papa. Kasi kapag nalaman nilang ganito ang inaasta namin, tiyak mala-nobelang sermon na naman ang aabutin namin. Gaya nga ng sinabi ko, nagtungo na akong kusina at binuksan ang ref. Kumuha nalang ako ng pagkain. Kung ano nalang ang mahablot, basta pagkain ayos na yun. Napansin ko namang bumaba na si Ate.

"Nasan nga pala yung ibang katulong natin?" Tanong ko sakanya. Pansin ko kasing tatlo lang ang nandito kaya hindi nako napansin ng iba para ipaghanda ng pagkain.

"Nasa kani-kanilang pamilya pa. Ewan ko nga kung bakit ang tagal nila e." Sagot ng Ate ko. Mabuti naman at matinong kausap 'to ngayon. Dahil kung hindi, baka kanina ko pa pinatalsik 'to sa labas. Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na yung pinagkainan ko at bumalik na sa kwarto ko. Pagkapasok ko naman ay dumapo agad ang mga tingin ko sa nakabukas na glass door sa kwarto ni Kai. Pansin ko ang kulay puting kurtina dito na nililipad ng hangin. Tiningnan ko kung nasa kwarto ba sya, pero hindi ko nahagilap. Kaya nagshrug nalang ako at muling umupo sa kama.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon