Chapter 12: Yusuzumia's Magic Quest

981 22 0
                                    


• Alora •

Bahagya nalang akong napalingon ng may maramdaman akong kakaiba sa daloy ng hangin. Nandito kasi ako ngayon sa library, at kakatapos lang ng last subject namin. Ang mga tao naman dito sa loob ay parang walang naramdaman na kahit na ano at patuloy lang sa normal na ginagawa. Nagdududa tuloy ako at napapaisip na para bang may mali dito. Nagpasya akong umalis muna ng library kaya isinarado ko na yung librong binabasa ko at binalik sa bookshelf nito. Lumabas na ako ng library at may kaunti padin akong nararamdaman na kakaibang enerhiya. Tiningnan ko ang mga makakapal na kulay puting ulap. Pakiramdam ko talaga, may mali e. Ginulo ko na lamang ang buhok ko at parang mababaliw na ako kakaisip nito. Hayaan na nga muna. Baka guni-guni ko lang yun. At oo nga pala, nagsimula na kaming magtayo ng registration booths. At nung ina-advertise pa lang namin sa buong school ang upcoming Yusuzumia's Magic Quest ay dinagsa na agad ang mga registration booth namin. Nakakatuwa nga kasi bumenta sa mga estudyante ang pakulo naming ito.

At may iniba nga pala kami ng kaunti sa game. Sa game ay may pagpipiliang types of hunting area. Para fair sa lahat ng levels na nandito sa school. At imbes na isang champion lang sa entire game, gagawin naming 4 champions sa apat na types ng hunting area. Ang Type D ang pinakamababang type na hunting area. Suitable ito para sa lahat ng levels. At mas malawak ang sakop nitong lupain kesa sa mga hunting area na nakalista sa taas. Type C ay pwede pa naman dito ang 1st Levels, dipende sa power ng isang estudyante. Type B ay ang mga 3rd Level pataas. And again, posible paring pumasok ang 1st and 2nd levels kung alam nilang kakayanin nila. And lastly, ang type A. Dito ay ineexpect namin na tanging mga taga 4th level lamang ang mga makakatagal dito. Mas makunat ang mga boss, mas maraming traps na hindi agad mapapansin at mga monsters na nasa paligid lang. At kapag na-clear mo ang isang area ay syempre ikaw ang panalo. Kung mas mataas na type ng area ang na-clear mo, mas magandang prize ang makukuha mo. At hindi namin sinabi ang mga mapapanalunan. Maski ako hindi ko nga alam e. Ang nakakaalam lang nun ay ang President at Vice-President ng SC. Alam ko na yung buong mapping ng area, syempre kasi kami ang nagcheck ni Ate kung may problema pa ba o wala. Pero hindi ko alam kung saan nila itinago ang mga boss, traps at monsters. Wala pa kasi yun ng magcheck kami. Kaya nga nagpa-register ako. Kasi gusto ko talagang sumali. Hehe. Dumaan muna ako saglit sa cafeteria namin para naman mapunan ng laman ang tyan ko na kanina pa nagrereklamo. Naupo naman ako sa isang bench habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng naglalakad. Hay, siguro ay busy talaga yun si Kai ngayon. Ang boring tuloy -.-

"Huy!"

"Ay punyetang Kai!" Napatakip na lamang ako sa bibig ko matapos kong maisigaw ng bahagya yun. Shet talaga. Nakakahiya!

"Kai pala, huh?" Napatingin ako sa likod ko at sinalubong ako ng nakangising si Noki. Asar! Siya pa nakarinig. Napahilamos nalang ako sa aking mukha sa isip ko. Kung bakit naman daw yun ang naibulalas ko? Naramdaman ko namang tumabi na ng upo sakin si Noki. Ako naman eh, di makatingin sakanya kasi hiyang hiya padin ako kanina. Lalo na pa't sinabi kong 'punyeta'. My gosh talaga Alora.

"I never thought that you would say that. Sorry. But what's that again? Punyetang Kai? Pfft." Agad ko naman syang nahampas sa braso nya at sya naman ay nagpipigil lang ng tawa. Well, expected ko na magugulat sya. Kahit nung kami pa eh di nga ako makapagmura sa harap nya. Okay, tama na ang past. Hindi ko nga alam kung bakit kay Kai eh magaan ang loob ko na magmura hanggang sa magsawa ako.

"Tigilan mo ko, Noki." Asar kong wika sakanya.

"Nagbago ka na nga ba talaga? Or sadyang I never saw that side of yours?" Napailing na lamang ako sa sinabi ni Noki. Hindi ko din naman alam ang isasagot e.

"Buti pa si Kai, nakikita ang side mong yan." I heard him say. Kumagat muna ako sa kinakain ko bago magsalita.

"Well, now you know." I replied. And I heard him laugh a little.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon