Chapter 19: A Vague Fate

547 18 0
                                    


• Alora •

Sinimulan na namin ni Kai ang scene na dapat ia-acting namin. Hinila na nya ang kamay ko at hinapit ang bewang ko ng hindi pinuputol ang tinginan namin sa isa't-isa. At yung mga tingin nya sakin, malakas ang kutob ko na hindi lang ata basta acting ang pinupukol nya sakin. Napaka-seryoso ng mga tingin nyang yun. Ako naman ay isang tinging naguguluhan ang isinagot sakanyaㅡwhich totally fits dahil yun naman talaga ang dapat ang tinging ibibigay ni Yura kay Kemu. Kaya talagang mukhang makatotohanan ang acting namin ngayon. Ewan ko nalang kung hindi pa kami manalo sa lagay na'to.

"Mahal na mahal kita, Yura." Napapikit nalang ako at pagkapikit ko ay may tumulo agad na luha. Nung una, akala ko dito ako mahihirapanㅡsa pagluha. Pero nagkamali ako. Hindi nila alam na ang mga luhang yun ay totoo. Ang sarap sana pakinggan, if what he said was really meant for me. Nakakatawa talaga. Mukhang hanggang dito nya nalang masasabi sakin ang mga katagang yun. Ha. I sound hopeless. Why it has to be this way?

Is this good, or not?

°°°

• The Author •

"Magaling! Alora and Kai. Maraming salamat sainyo. Kung hindi dahil sainyo, hindi tayo matatapos ng ganito kaaga." Masayang wika ng kanilang kaklase na nagsilbing director sa play. Masaya ang buong section nila Alora dahil mas maaga silang natapos sa inaasahan nila. Ngumiti nalang si Alora sa mga ito at nag-ayos na ng mga gamit para makauwi na. Nilapitan naman ni Kai si Alora at tinulungan ang dalagang iligpit ang ibang mga gamit nito na nakakalat.

"Ano ka ba, Kai. Di mo na ako kailangang tulungan. Kaya ko naman." Sabi ni Alora pero patuloy lang si Kai sa ginagawa hanggang sa natapos na sya. Ngumiti naman si Kai kay Alora.

"Okay na. Tara na?" Sabi nito. Napailing na lamang si Alora at isinukbit na ang bag sakanyang balikat. Dire-diretsong naglakad si Alora kaya agad naman itong sinundan ni Kai.

"Ba-bye!"

"Bye!"

"Salamat din sainyo! Maganda ang team work natin." Yan ang mga palitan ng salitang naririnig ni Kai mula kay Alora at sa mga kaklase nila. Nanatili sya sa likod ni Alora na nakasunod lang. At ng makalabas na sila ng eskwelahan, binilisan ni Kai ang lakad nya at tumabi sa paglalakad kay Alora.

"Alora, galit ka ba sakin?" Agad namang napatingin sa gawi ni Kai si Alora. Nagulat sya sa biglaang pagtatanong ng ganito ni Kai. "Hindi ah. Ba't mo naman natanong yan?" Sagot ni Alora na bahagyang nakangiti para masiguro kay Kai na hindi sya galit sa binata. Napakamot naman saglit si Kai sakanyang ulo bago muling nakapagsalita.

"Kasi, why do I feel that you're so distant even though you're always with me?" Parang namang may balang tumama sa dibdib ni Alora ng marinig yun mula kay Kai. Talagang bawat salita, tinamaan sya. Kasi gusto nyang makalimutan na ang nararamdaman para sa binata. Dahil ayaw nya ng mahirapan pa. Gusto nya ng bumalik ang nararamdaman sa dati. Kung saan kaibigan lang ang tingin nya kay Kai.

'Ito ba talaga ang tumatakbo sa isip nya habang ako, abala sa paglimot ng nararamdaman ko para sakanya?'

Yan ang tanong na ngayo'y umiikot sa ulo ni Alora. Si Kai naman ay naghihintay parin sa sagot ng dalaga. Tumawa naman ng bahagya si Aloraㅡisang pekeng tawa para matakpan ang sakit na nararamdaman.

"Pasensya kana kung yun ang naramdaman mo. Marami lang talaga akong iniisip, pina-plano ko lang yung mga gusto kong gawin. Marami kasi akong gustong gawin eh, kaya inaayos ko." Pagkatapos sabihin yun ni Alora ay trying hard naman syang nakangiti kay Kai. Sinungaling. Hindi man kumbinsido si Kai, tumango na lamang sya sa sinabi ni Alora. Imbes na lumuwag ang hininga dahil hindi naman pala galit sakanya si Alora, mas lalo pa syang nabagabag. Pakiramdam nya, nagsisinungaling si Alora.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon