Chapter 23: Dying to Know, Afraid to Find Out

672 19 0
                                    


• Alora •

"Hindi ko alam kung anong nakain nya at nagbago nalang sya isang araw." I said in a low, weak voice. Na para bang habang sinasabi ko yun ay nanghihina ako sa bawat salita. Nanatili namang tahimik si Noki sa tabi ko. Yeah. Ever since that day nung huli naming pag-uusap ni Kai, si Noki na ang naging sandalan ko. Nandyan sya lagi para makinig sa mga hinanakit ko. Nandyan sya lagi para patahanin ako sa tuwing umiiyak ako. Noki's been a good guy to me. Ang hirap talaga pag yung bestfriend mo na yung nawala. Worst, mahal ko pa. Kasi si Kai yung nandyan sa tabi ko dati e. Sya din yung nagpapatahan sakin. Nagpapatawa. Ngayon? Wala na. Ibang tao na ang gumagawa nun para sakanya. Kasi sya na mismo yung nawala. Ang masakit pa, sabi ny sakin noon dapat hindi na kami magkahiwalay ulit. Yun pala sya din yung mang-iiwan. It fucking hurts you know. Tapos makikita ko nalang, lagi syang nandun sa Erica nya. What's with Erica ba kasi? I'm starting to hate her!

"Alora." Nabalik nalang ako sa ulirat ng tawagin ni Noki ang pangalan ko. Kaya tiningnan ko naman sya ng may pagtatanong.

"Your palm might bleed." Sabi nya, at pinatong ang kamay nya sa nakakuyom kong kamay. Agad ko namang niluwagan ang pagkakuyom nun dahil na-realize kong baon na baon na pala ang mga kuko ko sa palad ko. Tama si Noki, dudugo na ito kapag nagtagal pa iyon. Napabuntong hininga nalang ako. Masisisi nya ba ako kung ganito ang pinagdadaanan ko? Sya nga lang ang pinagsasabihan ko ng problema e. Kasi yung pinagsasabihan ko dati? Ayun, wala na. Kaya sobrang hirap para sakin ang mag-adjust. Lalo na pa't hindi ko alam ng reason nya kung bakit nya nalang nasabi yonㅡo kung may reason nga ba talaga? Nakakatanga lang.

"Alam mo, Alora. Try mong wag muna syang isipin, kahit ilang minuto lang or ilang oras." Wika ni Noki. Nagpapapatawa ba sya? "At pano ko naman magagawa yun, Noki? Imposible yang sinasabi mo." Sagot ko naman.

"Posible." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya. Tinaas ko naman ang dalawa kong kamay na sinasabing suko na ako.

"I'm not in the mood to argue with things, Kai." A moment of silence enveloped us after I said that. Shit. Masyado lang kasi akong nasanay na si Kai lang ang laging nangungulit sakin. Damn it.

"I-I mean, Noki. Pasensya kana. Nasaㅡ" Hindi na pinatapos ni Noki ang sadabihin ko. "No, it's okay. Naiintindihan ko naman. And that's my point, Alora. Everytime he crosses on your mind, it affects you. Please, Alora. Let me help you." Hinawakan ni Noki ang dalawang kamay ko kaya napayuko nalang ako. That feeling when someone is willing to fix those broken pieces of yours. I feel so miserable. Eto ang ayoko. Pero wala akong magagawa. Kailangan kong tanggapin ang katotohanan.  Hindi habangbuhay makakapagpanggap ako na malakas ako.

"Alora, please?" He said once again. Kaya tiningnan ko na sya. And then I sighed in defeat. "Fine." I answered. Nagliwanag naman ang mukha ni Noki sa sagot ko. It feels mesmerizing when someone gets happy with those simple words of yours. Nakakapagpasaya pala ako ng ibang tao? Kahit ganito ako kawasak? He held tighter in my hands at tumayo na sya. Kaya tumayo nadin ako.

"Ikimasho?" Let's go?

Tinanguan ko naman sya ng may kasamang ngiti bago sumagot.

"Hai." Okay. Nagsimula na kaming maglakad. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan kami pupunta at kung anong gagawin namin. Basta ang alam ko, gagawin nya ang lahat mapasaya lang ako kahit konti. Kahit na nasaktan nya ako dati, thankful parin ako kasi nandito sya, ngayong di ko na alam ang gagawin ko. Ngayong gulong gulo na ako. Pero bakit nga ba kay Kai, hindi ko magawang magalit? Kahit na harap harapan nya ng pinaparamdam sakin na wala ng pag-asa ang pagkakaibigan namin at parang pinagpalit nya na ako kay Erica? Bakit nga ba hindi ko magawang magalit matapos nya akong ipagtabuyan? Matapos ng lahat?! Ahh. Oo nga pala. Kasi mahal ko sya. Yun nga pala ang dahilan kaya hindi ko sya magawang kamuhian. Hindi ko kaya. Kahit sobrang sakit na, umaasa padin ako. Kahit sobrang sakit na, mahal ko padin sya. Kaso, para sakanya wala lang 'to. Tinapon nya nalang basta-basta yung mga pangako nya, yung pagkakaibigan namin. Hinihiling ko na sana kahit yung friendship lang namin ang magbalik sa dati, ok na. Kahit wag na yung pesteng pagmamahal ko na'to. Naiinis ako sa sarili ko. Kasi ilang beses nya ng sinabi sakin na ang dahilan ay ayaw nya na makipag kaibigan sakin kaya umiiwas na sya. Pero eto parin ako. Still hopingㅡstill searching for reasons. Kahit mukhang wala talaga.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon