Chapter 17: City of Water

805 18 1
                                    


• Alora •

Nandito kaming apat nina Ate, Shiroin at Kai sa sala ng resthouse. Masayang nagk-kwentuhan sila Ate habang ako naman busy sa pagd-drawing dito sa sketch pad ko. Nasa mahabang sofa nakaupo sila Ate at Shiroin. Tapos sa may couch naman nakaupo si Kai which is nasa harapan ko. Hindi din kita nila Ate ang drawing ko mula sa pwesto nila dahil may di kalayuan ang distansya ng sofa at couch na inuupuan ko din. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila, basta focus lang ako sa pagdrawing. Buti nga di sila nawe-weirduhan sakin e. Kanina pa kasi ako nakangiti habang nagd-drawing. Wii~ pangatlong drawing ko na'to. At malapit na syang matapos.

"Ano yang dina-drawing mo?" Halos mabitawan ko na yung lapis na hawak ko ng bigla nalang sumulpot ang mukha ni Kai sa may ibabaw ng sketch pad ko na sinisilip yung drawing ko. Agad ko namang inilayo sakanya ang sketch pad ko.

"Ano ba, Kai! Dun ka na nga." Pagtataboy ko sakanya. Ngumuso naman sya. At sinabing, "Ang sungit mo ah. Parang titingnan lang naman e." Geez. Here his cuteness again. No~

"Di pwede! Mind your own business please." Masungit parin ang tono ng pananalita ko. Hindi nya pwedeng makita 'to! No way!

"Eh, ano ba kasing meron at ayaw mong ipakita?" Pangungulit nya pa. Nakatitig pa sya sa mga mata ko, at pramis. If I looked on his eyes any longer, I might tell him what I draw! And that must not happen. It's justㅡjust. Ugh. Napaiwas nalang ako ng tingin sakanya sabay hawak ng mahigpit sa sketch pad ko.

"Basta. Eh bakit ba ang kulit mo, ha?" Sabi ko. Habang nakataas ang kilay.

"Kasi kanina kapa nakangiti dyan kaya na-curious ako. So, bakit nga ayaw mong ipakita?" Nanlaki nalang ang mga mata ko sa sinabi nya. He really did notice that? But I thought he was busy chatting with the couple? Aish. Ba't ba kasi ang kulit ng lalakeng 'to?

"No. Di pwede. So if you'll excuse me, pupunta na muna ako sa kwarto ko." I said. Napansin ko namang may sarili paring mundo yung dalawang nasa sofa. Tss. Tumayo na ako at sinundan naman ako ng tingin ni Kai. Dire-diretso akong naglakad patungo sa kwarto ko. Palusot ko lang talaga ang pagpunta sa kwarto. Mamaya maisip nya pang hablutin 'tong sketch pad e. Alam kong OA na yun pero hindi malabong gawin nya yun. At wala sila Mama at Papa dito sa resthouse dahil pumunta silang bayan para mamili ng mga babauning pagkain pabalik ng Aida City. Uuwi nadin kami bukas ng gabi e. Pagpasok ko ng kwarto ay agad kong ni-lock ang pintuan at nilapag sa mesa ang sketch pad. Umupo nadin ako sa nakalaang upuan dito at pinagmasdan ang mga drawing ko.

"Hay. Hanggang drawing nalang ba?" Madrama kong wika. Nakakahiya mang sabihin pero yes. I drew Kai and myself. Happily together. Kaya nga di maalis ang mga ngiting naka-plaster sa mukha ko kanina e. Yung unang dinrawing ko, ako at si Kai na nakatalikod. Pero magkatinginan kami sa isa't-isa nun. Kaya nakaside-view ang angle ng mukha namin. Kahit na hindi naman talaga mukha namin ang nakaguhit, para sakin kami yun. With matching holding hands pa para romantic. Iiih~ ano ba 'to. Hindi ko naman ugali ang ganito. I lift the page, at muling pinagmasdan ang pangalawang iginuhit ko.

"Waah. Grabe. Di ko akalaing ma d-drawing ko 'to. Pero ang ganda." Sabi ko ulit sa sarili ko ng nakangiti.

This time, naka side-view talaga kami. Then naka-back hug saakin si Kai. Ako naman ay mukhang gulat na gulat at nagb-blush daw. Habang yung mahaba kong buhok hinahangin. Para mas mukhang romantic ang scene. Then ang pangatlo naman, naka side-view ulit. Pero mukha lang ang dinrawing ko dito. Nakapikit ako, habang hinalikan naman ako ni Kai sa noo. Dali-dali ko nalang naisarado ang sketch pad at napatitig sa sariling reflection ko sa salamin. Halata ang pamumula ko. Tumayo ako at humiga nalang sa kama. Grabe na talaga 'to. Malala kana, Alora. Kaya nga ayoko ipakita sa kumag na yun e. Never! Isipin pa nun napaka-desperada ko na. Pero...

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon