Chapter 6: Soar

1.4K 33 0
                                    


• Alora •

"Ang bagal naman nito eh!" Galit na galit kong sigaw kay Kai. Pano ba naman, late na kami at eto syaㅡang bagal ng kilos! Parang hindi lalake. Badtrip. Agad na kaming sumakay sa Kierah at nagtungo na sa school.

° School

Pinagsabihan kami ng teacher namin sa Skills dahil late na kami. Nakatingin pa samin yung mga estudyante na para bang kriminal kami. Asar talaga e. Pasalamat sya at hindi kami magkatabi at baka kung anong spell na ang nagamit ko sakanya. Hmp.

Nung natapos na yung klase, dire-diretso ako sa paglabas ng classroom. Tinawag nya ako pero di ko sya nilingon. Hanggang sa nasa school grounds na ako, sunod parin sya ng sunod. Naramdaman ko nalang na hinila nya yung braso ko.

"Bakit ba?!" Iritang tanong ko sakanya.

"Eh kasi naman eh. Sorry na. Di ko na uulitin yun. Promise, aagahan ko na talaga next time." Tinaas pa nya yung isa nyang kamay na nagsasabing nagpa-promise sya. Inirapan ko sya at nagcrossed-arms. Di ko alam kung ba' t gustong gusto ko magtaray sakanya ngayon.

"Sorry na kasi, Alora. Please, bati na tayo. Please? please?" Shocks, there he goes again with his eyes. Ugh. I'm melting.

"Oo na! oo na. Basta pag inulit mo pa yun, gagawin kitang palaka!" Pagbabanta ko naman sakanya.

"Ang sweet naman nila. Nakakainggit naman. Sana may ganyan din tayo, girl." Rinig kong sabi nung isang babae sa may di kalayuan.

Gosh, why do people always think that there's something between us with Kai? Gah! It's annoying. Sinabi ko naman kay Kai na daan muna kami sa cafeteria kasi nagugutom na ako. Lalo lang sumasakit ulo ko sa pinagsasasabi nung mga babae kanina. Pagkatapos bumili ni Kai ay dun kami sa may treehouse tumambay.

May klase pa namin kami after 30 minutes kaya di nalang kami lalabas ng school.

"May ipapakita ako sayo." Tumingin naman ako sakanya habang nginunguya yung pagkain sa bibig ko.

"Ge." Tipid kong sagot.

Pinakita nya sakin ang palad nya. Maya-maya ay may mga itim na usok ang lumabas dun. Tiningnan ko itong mabuti. Then may maliit na kulay pulang bilog ang nagsimulang nagliwang doon.

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko sakanya. Mas dumami pa yung mga kulay itim na usok at yung bilog ay may naglalabasang kulay pulang guhit sa hangin.

"Basta." Sagot nya.

Di kalauna'y nawala din ang usok. At namangha ako sa nakita ko. Pinulot ko yung kwintas na may kulay pulang bato. At ginto ang lace nito.

"How did you do that?" Manghang sabi ko sakanya. Di naman kasi agad nakakagawa ng ganitong kwintas gamit lang ang kapangyarihan mo. Lalo na pa't pure power ang ginamit nya, walang spells or mga bagay na kinailangan. Tumawa lang sya.

"Secret." Nagpout naman ako sakanya.

"Daya!" Sabi ko at tiningnan ang kwintas.

"Lapit ka dito. Isusuot ko sayo." Lumapit naman ako sakanya at tumalikod para maisuot nya ng maayos ang kwintas. Tiningnan ko naman yung bato, ginamit ko yung mga inborn ability ko kung anong klaseng bato ito.

Isa itong Ruby, at hindi ito fake. Pati ang golden lace sa neckline. Totoo. Grabe, pano nya ginawa yun?

"San mo ba natutunan ang ganung ability?" Tanong ko sakanya. Nagshrug naman sya. Ah, baka inborn.

"Eh bakit Ruby yung pinili mo?" -Ako.

"Isn't it obvious? Dahil sa second name mong Ruby. And also those brilliant crimson eyes of yours." Nagulat ako sa sinabi nya. Para tuloy akong nagblush na naman! Asar.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon