Chapter 25: Smoke of Death

529 14 0
                                    


The Author •

And there he was, walking along his servants in the long hallway of his castle. A castle that was in the middle of Arckhelm Forest. The only castle who stood in years of darkness without a king nor queen. A castle who did not exsist in the people's eye. He walked to his throne and sits. And after a while, he was crowned. Finally, the Onies has it's own King. He was now the King of Onies.

"Walang mapaglagyan ang tuwa ko ngayon, Downfall. Tamang tama lang ang pinili mo." Sabi ni Death na ngayo'y nakatayo sa tabi ni Kai.

"Don't talk to me." Kai replied coldly. Napatingin naman si Death dito.

"I guess the only Oni who has a heart just turned into a cold hearted, empty king." Sabi ni Death na nakangiti padin. Hindi naman sya pinansin ni Kai sa halip ay nanatili lamang itong nakatingin sa mga halimaw na nasa harap nya na masayang nagdidiwang. Maya-maya pa ay tumayo si Kai na ikinataka naman ni Death.

"Where are you going, my king?" Kunwari'y magalang na tanong ni Death pero ang totoo ay gusto lamang nyang asarin si Kai. Hindi na naman sya ulit pinansin ni Kai.

"Take me to my chambers." Utos ni Kai sa isa sa mga utusan nyang Oni. Agad naman itong tumango bilang pagtugon. Pero bago pa man makaalis si Kai ay tiningnan nya muna ng mata sa mata si Death. Naglaho na din ang kulay asul na mata ni Kai at napalitan ito ng kulay pulaㅡang kulay ng mga mata ng isang Oni. Tila nagreflect pa ang kulay ng mga mata nya dahil direktang tumatama dito ang liwanag ng buwan. It's like Kai was telling Death that if he ever do something stupid, he will kill him in just a snap. Pagkatapos nun ay tumalikod na si Kai at nagsimula ng maglakad. Napabuga na lamang ng hangin si Death matapos ang matagal na titigan nila ng kanyang hari.

"Geez, he really is damn scary. Oh well, that's the real him anyway." Sabi ni Death sa kanyang sarili. Hindi nagtagal ay nagsimula nading maglakad si Death palabas ng palasyo. May isang pilyong plano na naisip si Death. Pasipol sipol na naglakad si Death. At ng nasa labas na sya ng mismong gate ng palasyo, naging isang itim na usok na lamang si Death.

"I'm really getting bored. I want to have a little game." Sabi ulit ni Death sakanyang sarili.

°°°

• Alora •

"Sige po. Uuwi na po ako." Matamlay kong wika sa harap ng Lolo ni Kai. Tumalikod na ako at akmang lalabas na ng gate ng naramdaman ko ang palad nya sa balikat ko. Kaya naman ay lumingon ako.

"Kaya mo yan, iha." Pilit na pagpapalakas nito ng loob sakin. I just gave him a weak a smile.

"Salamat po." Sabi ko nalang. At tuluyan ng lumabas ng gate. Habang naglalakad ako ay muling sumariwa sa isip ko ang lahat ng nangyari ngayong gabi. Hindi parin ako makapaniwala sa totoo lang. Sobrang bilis ng pangyayari. Para naring may nawalang malaking parte saakin ng magpaalam si Kai. Bakit ba kasi sinasarili nya lahat? Kaya nga magkaibigan kami diba? K-Kaya nga mahal namin ang i-isa't-isa diba? Sobrang lapit lang ng mansyon namin mula sa mansyon nila Kai, pero ang tagal kong nakarating. Iyak lang ako ng iyak habang naglalakad. At habang nasa kalagitnaan ako ng daan, kusa na lamang kumilos ang katawan ko. I turned around and started walking somewhere else. Tuluyan na nga akong nawala sa katinuan. My heart took control over my body. Hindi ko man alam kung saan ako pupunta, basta ang nasa isip ko lang ngayon ay hanapin sya at huwag ng hayaang lumisan pa. Alam ko hindi pa ito ang tamang oras, pero hindi ko talaga kayang pigilan ang sarili ko. Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko, basta nandito ako sa kalagitnaan ng siyudad. Tiningnan ko ang kalangitan. Bright silver moon. At muli na namang pumatak ang luha ko. Kumunot nalang ang noo ko ng may naaninagan akong itim na usok na biglang humarang sa tinitingnan ko. Kaya inalis ko ang tingin ko sa kalangitan at tumingin sa harap ko. Umatras ako dahil agad akong kinutuban ng masama. Wala nadin masyadong tao sa siyudad dahil pasado madaling araw na. Kung bakit ba naman kasi ako nagpadala sa emosyon at napadpad dito? Haay. Ewan ko sayo, Alora.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon