Chapter 33: You're Not Awake Yet

621 13 0
                                    


• Gabrielle •

Hinaplos ko ang napakalambot na buhok ni Alora. Ang ganda nya parin talaga, walang pinagbago. Mahimbing na natutulog si Alora sa mga bisig ko. Pinagmamasdan ko lang siya kanina pa. Natatakot kasi ako. I'm so damn scared that this would be the last time I can see her this close. Sa totoo lang ay kanina pa natutulog si Alora. After that kiss, she just wanted to lay in my arms until she wakes up. Napabuntong hininga ako at binaling ang tingin sa kalangitan. Kita ko na ang unti-unting pagsikat ng araw. At unti-unti ko na ring nararamdaman na mawawala na ako. I'm turning into a complete Oni soon. Hindi ko na sinabi pa kay Alora na ganito na pala ako kalala. Ayokong paasahin siya. Alam ko naman sa simula't sapul, ito talaga and tadhana ko. Na wala ng ibang paraan para maiwasan ito. Hindi na mababago. Ayoko narin umasa. Masyado ng masakit ang lahat. Napapikit ako ng mariin at muling naramdaman ang mainit na luhang tumutulo papunta sa pisngi ko. Ilang gabi na ba akong umiyak? Gaano karaming luha na ba ang nailuha ko? Si Alora? Hindi ko alam. Dobleng sakit at kirot ang nararamdaman ko. As I watch Alora sleeps peacefully, hinihiling ko na sana hindi na siya lumuha ng dahil sakin. Damn, how lucky I am to have her. Sobrang swerte ko sakanya. Sobrang swerte namin sa isa't-isa. Kung normal lang sana ang takbo ng buhay namin. I didn't expect that she would become so important to me. Hindi siya umalis. Ako yung umalis eh, at ako na naman sa pagkakataong 'to.

Nung sandaling hiniling ko sakanya na manatali muna, nung binigay ko sakanya ang damit na gustong gusto kong makita na suotin niya, ramdam na ramdam ko kasi na nalalapit na ang araw ko. Hindi ko alam kung anong oras, kaya mas lalo akong nangangamba. Gusto ko kasi makapagpaalam ng maayos. Tangina, kapag iniisip ko na magpapaalam na sakanya mas lalong tumitindi ang agos ng luha ko. Hindi ko mapigilan. Ganun talaga e. Baka mamaya, bukas o sa sususnod na araw, hindi na kayanin ng katawan ko at kusa na itong bumigay. Kaya inagahan ko na. Masyado bang nagmamadali? Wala na kasi akong sapat na oras para iplano ang mga araw kung ano ang gagawin namin at kung kelan namin gagawin ito. Kahit na hindi kasanga-sang ayon ang pagsasama namin, we still managed to stay together. Or maybe, this would be the last time we're gonna be like this. Niyakap ko ng mahigpit si Alora habang nakapikit at patuloy paring umiiyak. Ito na talaga, nararamdaman ko na. Malapit na. It's coming for me. Habang nakapikit ako ay may mga imahe akong nakikita na hindi kaaya-aya. And for creatures like me, ang mga katulad ko lang ang nakakakita nito. Para bang hindi ka isang Oni kung wala kang ganito. Normal sakanila, sakin ang bagay na ito. Na kahit idilat ko ang mga mata ko, nakikita ko padin. Wala akong takas. Kahit anong pilit kong bura ito sa isip ko, nandun at nandun parin.

I can see a pool of blood.

With everything that crashes, every single thing is being destroyed.

And seeing numerous thousands of death.

Na para bang niyayaya ako nito. Na parang sinsabing dapat kong gawin ito. Na ito ang tama. I pity myself. I felt like I wanted to do it. Damn. This isn't good. None of the things happening is doing good. I opened my eyes, but I can still see those awful things. Nakaramdam ako ng matinding takot, and I closed my eyes and opened it again. I was relieved that I saw the sky once again. Not those things anymore. Malalalim na hininga ang pinakawalan ko. Sobrang lala ko na. Ano na ang gagawin ko sa susunod na pagkikita namin ni Alora?

O magkikita pa nga ba?

°°°

• Alora •

Itinali ko ng isang ponytail ang buhok ko. Inayos ko narin yung sarili ko dahil babalik na ako sa HQ ng OTG ngayon. Tatanggapin ko nalang ang kahit na anong sermon nila, isang beses lang naman then tapos na. Hinatid naman ako ni Kai pabalik sa cabin para makapagbihis na ako ng damit. Pero siya, ganun parin ang suot niya. Lumabas na ako ng cabin then I gave him a back hug. I really don't want to leave by his side, pero kailangan e. I still have a sister waiting for me. At pinangako ko rin kay Kai na hahanap ako ng lunas para sakanya. Bigla namang humarap sakin si Kai at niyakap ako ng sobrang higpit. Then kissed me and he cried, again. Ngumiti naman ako at pinunasan ang mga luha niya.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon