Chapter 21: Deal With The Changes

613 15 0
                                    


• Alora •

Kinakabahan ako sa kalalabasan ng presentation namin sa Film Showing. Lahat ng cast at tumulong sa paggawa ng short film ay nandito. Nasa tabi ko lang din si Kai. Sa pinakaunahan kami nakaupo kasi kami naman yung main casts. Tiningnan ko din ang mga mukha ng ibang main casts sa ibang section. Parang di naman sila kinakabahan e. *Sighs* Mukhang ako nga lang ang kabado dito. Hindi padin dumadating yung adviser namin. Mukhang marami pa yung inaasikaso. Andami ding Yusuzumian students ang nandito. Ang ganda din ng pagkaka-decorate nila sa school auditorium. Parang nahiya tuloy akong makita nila ang pagmumukha ko sa projector. Nagulat nalang ako ng maramdaman ang ang mainit na palad ni Kai sa kamay ko. Kaya napatingin ako sa kamay namin at pagkatapos binaling ang tingin sakanya.

"Bakit?" Tanong ko sakanya. Hindi pa man sya nakakasagot ay narinig ko ang mga sinasabi ng iba na nakakakita samin.

"Ang sweet naman nila."

"True to life couple pala sila?"

"Sayang naman. Ang gwapo pa naman ni Gabrielle."

"Ang cute, bagay sila!"

"A-Ano, Kai kasiㅡ" Hindi na nya pinatapos ang sasabihin ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko bago sya muling nagsalita.

"Napansin ko kasing kanina kapa hindi mapakali. Kanina ka pa din palinga-linga sa paligid." Napakagat labi nalang ako ng sabihin nya yun. Mas lalo akong hindi mapapakali nito ngayong hawak nya ang mga kamay ko! Ano ba naman 'to. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng hawakan nya ang kamay. Parang yung kuryenteng dumaloy nung sumasayaw kami ni Kai sa ilalim ng tubig. Ng maalala ko yun, a smile curved on my lips in an instant. That was a beautiful memory worth remembering. Hindi ako mapakali ngayong hawak ni Kai ang kamay ko, pero kumportable ako. Effective nga. Nawawala ang kaba ko.

"Pero kasi madaming tao ang nakakakita." Palusot ko naman.

"Sus. Ano bang pake nila? Ikaw ang iniisip ko at hindi sila." Ng sabihin nya yun ay hindi ko na nagawang takpan ang mukha ko dahil agad itong namula. Ramdam ko ang pang-iinit ng pisngi ko. Kai's words has this weird effect on me. Ginulo nya naman ng bahagya ang buhok ko gamit ang isa nyang kamay habang yung isa naman ay nanatiling nakahawak sa kamay ko.

"You're really cute when you're blushing." Natatawang wika ni Kai. Napanguso nalang ako sa sinabi nya. "Psh." Yun nalang ang na-react ko dahil pinatay na nila ang ilaw sa loob ng auditorium at naka-on na ang projector.

"I can't wait to see the both of us." Excited na wika ni Kai. Tiningnan ko naman si Kai, nanatili lang syang nakatingin sa harap. Ang ganda ng ngiti nya ngayon. It's good to see him like this. Binalik ko na ang atensyon ko sa Film Showing. Gusto ko nading mapanood ang lahat ng pinaghirapan namin nitong mga nakaraang araw. At dahil kami ang highest section sa 2nd Level, ang film namin ang inuna nilang ipalabas. Napalunok nalang ako. Wala lang 'to, Alora. Inhale, exhale. Muli na naman akong napatingin kay Kai ng bigla nyang higpitan ulit ang paghawak sa kamay ko. Agad namang sinalubong ang tingin ko ng mga ngiti nya.

"Wag kana kasing kabahan. Nandito naman ako." Sabi nya. At ibinalik na ang tingin sa projector.

"Nandito naman ako."

Why does that sentence felt to me so sour? Parangㅡang hirap paniwalaan? Eto talaga ang ayaw ko sa sarili ko e. Ang bilis kong ma-bother sa isang bagay. Ganito na talaga ako simula pa nung bata ako. At ang pinaka-ayaw ko, lahat ng masamang kutob ko ay tumatama. Pilit ko mang binabalewala 'to, nagri-ring parin sa isipan ko. Hindi ko tuloy magawang ngumiti. Buti nalang at madilim dito at tanging liwanag lang ng projector ang nandito. Malamang, napansin na naman ni Kai ang bothered face ko. Sana this time, mali ang kutob ko.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon