Chapter 13: Battle Confession

791 18 1
                                    


• The Author •

Tuluyan ng nawalan ng balanse si Alora at bumagsak sa tubig. Mabuti nalang at mabilis ang reflexes nya dahil nahawakan nya agad ang staff nya bago bumagsak sa tubig. Mula sa ilalim ay aninag pa ni Alora ang liwanag na nagmumula sa araw. Tila hindi lumulubog ang araw dahil ang liwanag nito ay ganun parin. Para bang isa itong litrato na nakatigil. Hinanap ni Alora yung taling humila sakanya pero hindi na nya ito nakita. Aahon na sana sya ng biglang may mahigpit na tali ang humila sa isa nyang paa. Napamura nalang ang dalaga sakanyang isip. Humarap sya at nakita nalang ang mga taling mabilis na papunta sa direksyon nya. Sa tingin nya ay gawa sa tubig ang mga yun dahil transparent ito. Hindi na nakaiwas si Alora dahil narin na nasa tubig sya. Pumulupot ito sa mga kamay at paa nya. Pero nakahawak parin sya sa staff nya. Nauubusan na sya ng hininga kaya sinubukan nyang magcast ng spell na makakapagbigay sakanya ng sapat na hangin sa ilalim. Hindi naman sya nabigo dito.

Matapos nyang magcast ay may naaaninagan syang pigura na humuhulma sa tubig. Siguro mga 10 meters lang ang layo nito sakanya. Hanggang sa tila umiikot na ang tubig at mas lalong naging klaro ang hulma nito. Hanggang sa lumitaw ang isang magandang sirena sa harap nya. Maganda nga, pero nanlilisik naman ang mga mata nito sakanya. Mahaba ang matingkad na kulay asul na buntot nito. Mahaba din ang buhok at maraming mga burloloy sa katawan. Umiisip na ng paraan si Alora para makawala ng biglang lumikha ng whirlpool ang sirena. Agad itong nagtungo sa pinaroroonan ni Alora at namilipit sa sakit ang dalaga. Pakiramdam nya nasa loob sya ng isang washing machine at sobrang hilong hilo sya. Parang maduduwal na sya anytime. Kahit na halos mawalan sya ng lakas sa pagkahilo, na-manage nyang magpakawala ng atake. Nagulat nalang ang sirena ng biglang sumabog ang whirlpool na ginawa nya sa tubig. Napaatras pa ng bahagya ang sirena sa lakas ng impact. Sobrang daming bula ang nagsilitawan at naputol na nga ni Alora ang mga tali nito. Dahil hindi sya masyadong makakagalaw sa ilalim ng tubig, aasa nalang muna sya sakanyang staff. Napansin nya namang ikinampay na ng sirena ang maganda nitong buntot at mabilis itong lumangoy papunta sakanya. Inihampas nito ang buntot kay Alora pero naiharang naman ng dalaga ang kanyang staff at hindi natamaan nito. Pagkatapos nun ay agad nyang itinutok ang staff sa tiyan ng sirena at nagpakawala ito ng napakalakas na force. At tulad ng dati, may kulay lilang liwanag din na makikita ng makawala ang force mula sa staff ni Alora. Tumilapon naman ang sirena.

Pero habang tumitilapon pa ang katawan ng sirena ay agad itong naka-balanse. Ng makaayos na ay itinaas nito sa magkabilang gilid ang kamay at humulma ang tubig sa mga kamay nito na parang isang malaki at maluwag na bracelet. Mabilis itong umiikot at bigla nalang may mga strands ng tubig ang kumalat sa lugar. Hindi malaman ni Alora kung anong ginagawa nito. Pero huli na ng malaman nya. Napa-sigaw nalang sya sa sakit ng maramdamang kinukeryente sya. Gumawa sya ng shield gamit ang force nya, at natigil ang pagkuryente sakanya. Na-realize nya nalang na isang malaking jelly fish pala ang kumuryente sakanya.

'Ha. Nagsummon pala sya.'

Sambit ng dalaga sakanyang isip. Hindi na nya pinansin yung jelly fish bagkus itinuon ang atensyon sa sirena. At doon nya namataan ang isang kumikinang na bagay sa buntot nito sa itaas na parte. Nasa gilid ito na humalo din sa kaliskis katulad nung nauna kanina.

'Isa din pala 'tong boss. Ba't ngayon ko lang napansin?'

Muling nagsummon ang sirena pero this time ay nagawa na nitong pigilan ni Alora. Sinabotahe nya ang gagawin sana nito at pinalutang ang mga malalaking bato sa tubig. At dahil narin isang force user si Alora, nagawa nyang pabilisin ang galaw ng mga bato. Tila may hangin pa na kumawala sa tubig dahil sa lakas ng hampas ng mga malalaking bato sa sirena. At doon na tuluyang nawasak ang stone of illusion ni Erica. Mabilis na umahon mula sa tubig si Alora. Napatingala nalang sya sa langit. Hingal na hingal si Alora.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon