Chapter 28: A Daughter of the Moon

624 17 0
                                    


• Alora •

"Alora Ruby Arcania, you are now officially a member of Silent X. The best individuals in Oni Termination Group. Congratulations." Humugot ako ng malalim na hininga, at saka umakyat ng entablado para isabit saakin ang badge na nagpapatunay na isa na nga akong miyembro ng pinakamalakas na grupo sa buong OTG, ang Silent X. Ng maisabit na saakin ang badge ay tiningnan ko ang mga taga OTG. Pumapalakpak at binigyan ako ng isang mainit na pagtanggap bilang bagong miyembro sa grupo. Nakita ko naman si Ate sa di kalayuan, pumapalakpak din. Wearing a smirk on her face. Alam kong proud na proud si Ate sakin, lalo na ang mga magulang ko. Pero hindi ko parin magawang ngumiti dahil sa wakas natupad na ang matagal ko ng pinapangarap. Oo matagal ko ng gusto maging miyembro ng Silent X kahit noong hindi ko pa nakikilala sa Kai. But Kai meant so much to me. So much than Silent X. Seriously? Nagawa pa nilang makangiti kahit hindi pa tapos ang problemang kinakaharap ng mundo namin. Maybe, because they doesn't really care at all. But, who are the ones who really care? Because even me, myself ay wala talagang pakialam sa mundo kung magpapakatotoo ako sa sarili ko. I've lost my sanity already. Gabrielle is the only thing holding me together right now. And if I lose hope,

What will I be, then?

°°°

16 hours before ●

"Argh!! I can't hold it anymore!" Rinig kong sigaw ni Ate habang tinali nya gamit ang kanyang latigo ang isang Oni na mukhang buwaya. Sobrang laki nito at kayang tumakbo sa lupa. Kasama ang ibang taga OTG ang pilit na nire-restrain ang Oni na ito. Masyado kasi itong malikot at kung saan saan nagpapakawala ng mga atake. Kakaiba ito dahil tila wala sa kaisipan ang isang 'to. Pati ang kapwa nya Oni ay inaatake nya. Wala syang pinipiling kalaban, basta atake lang ng atake. Patay kung patay. Dangerous class, rank 1. Ayon kay General Kamui. Nakawala na nga ang Oni at tumalsik si Ate ng ilang metro kasama ang ibang OTG member na pumipigil dito.

"Attack! Gamitin nyo na ang pinakamalalakas nyong atake!" Si General Kamui naman ang sumigaw. Sumugod na nga kami, kasama ako. Lumipad ako at may iginuhit sa hangin gamit ang crystal of elestra. Doon ay isa-isang lumitaw ang kulay violet crystals sa paligid ko. Parang mga clone ng Crystal of Elestra ko. Umuusok ito, tanda na nababalot ang loob nito ng yelo. Ikinumpas ko ang kamay ko patungo sa direksyon ng halimaw at sunod sunod na nag assault ang mga crystals. Sunod sunod na pagsabog ang maririnig at bawat baon ng crystal ay may yelong kumakalat sa katawan ng Oni. Resulta para mabalot ang katawan nito ng yelo at hindi makagalaw. Pero hindi pa ito sapat para mapatay siya. Masyado syang malikot kaya yung ibang yelo ay nawawasak. Inikot nya ang kanyang buntot sa lupa at nahawi ang mga OTG members na nandoon. Sabay sabay silang tumalsik lahat. I greeted my teeth. Kasing tigas ng metal ang balat nito. Kaya hirap na hirap kaming pataubin ito. Tiningnan ko si General Kamui, at hingal na hingal nadin sya. Naaasar na talaga ako. Pinalakas ko ang enerhiya na nasa loob ng katawan ko, at naramdaman ko ngang umiinit na ang katawan ko.

"You don't know what I can do." Bulong ko sa aking sarili at magkabila kong itinaas ang dalawa kong kamay sa chest level, ramdam ko ang pag sway ng buhok ko dahil sa enerhiyang dumadaloy sa katawan ko. Dahan dahan kong binitawan ang Crystal of Elestra at naglaho ito sa ere, sumama sa liwanag na bumabalot saakin. Ang kulay lilang liwanag ay unti-unting naging kulay pula. At mula sa likod, may vines ng liwanag ang lumitaw, malalaki at mahaba na kayang kayang itali ang Oni na ito. Agad itong bumulusok sa kinatatayuan ng halimaw at pumulupot. Ang vines na ito ay may tinik tinik pa at talagang bumaon na ito sa mala-bakal na balat ng Oni. Sa mga sandaling ito ay hindi na nagawang makagalaw pa ng Oni. Inihanda ko ang kaliwa kong kamay, itinaas ng bahagya habang naka-curve, at nabalot ng ruby crystals ang buo kong braso. Ikinumpas ko ito sa ere at sabay sabay na nahulog ang mga ruby. Kitang kita ko ang pagiging itim ng mga ruby, tanda na nahihigop na nito ang negative energies mula sa Oni. At may parang kulay pulang ugat na naman ang unti-unting lumilitaw sa mala-aninong katawan ng Oni. Parang mga lamok na sumisipsip ng dugo ang mga ruby kong ito. Bumaba ako at pinagsisipa ang Oni, bawat salpok ng sipa ko sa katawan ay may mga ruby na tumutubo. At ginagawa ang mga trabaho nila. Pumatong ako sa likod nito at tumakbo, tumalon muli sa ere at bahagyang umikot bago buong lakas kong sinuntok ang leeg nito. Bawat steps na dinaanan ko ay tinubuan ng mga ruby crystals. At ang suntok, it created enormous pieces of ruby crystals. Na halos kasing taas na ng isang building. Humangin pa ng malakas dahil sa lakas ng suntok ko. At dahil dito, naputol na nga ng tuluyan ang ulo ng Oni. Lahat ng ruby ay naging kulay itim. Except sa mga malalaking ruby dahil ang dulo nito ay nanatiling pula. Wala na kasing maabsorb na negative energy ang crystal kaya hindi ito naging kulay itim ng tuluyan. Para bang lalagyan ng negative energies ang mga ito. Bumaba na ako at sa isang pitik lang ng daliri ko, nasunog ang lahat ng crystal pati ang buong katawan ng Oni. Kahit na mapunta sa ere ang energies dahil sa usok, it is now harmless. Na neutralize na ito sa loob ng mga ruby crystals. And the red moon turned to silver again, for now.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon