Chapter 7: Message

1.1K 25 0
                                    


• Alora •

Naging maayos naman ang resulta ng practical exam namin sa skills na levitation nga ang kasalukuyang topic namin. Pero sa tuwing naaalala ko yun, di maiwasang sumagi sa isip ko yung nangyari nung isang araw. Kapag nagfa-flashback yun ay di ko mapigilang pamulahan.

Ugh. Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Hala. Baka may gusto na ako kay Kai sa lagay na'to?

NOOO!! NO. NO. NO. and NO!

Mag bestfriends kami. Magkaibigan kami. Yun lang yun. Period!

Pagkatapos ng klase namin ay kinuha ko na agad yung bag ko, not minding Kai.

"Hey, wait!" Rinig kong sabi nya.

"Bakit? Ang bagal mo e." Sabi ko sakanya. Nabigla naman ako ng hinablot nya nalang yung bag ko. Magsasalita pa sana ako ng inunahan nya ako. Bastusan lang?

"Ako na magbibitbit." Nakangiti nyang sabi sakin.

"Wala naman akong sinabing bitbitin mo ah." -Ako.

"Ang arte mo talaga." Tumawa sya ng mahina at ginulo nya nalang ang buhok ko. Alam kong di dapat, pero namumula ako ngayon! Eh sya palang kasi yung kauna-unahang lalaki na gumawa sakin nun. Well, except kay papa. Pero iba parin yung feeling! Nanahimik nalang ako at hinayaan nalang kung ano ang gusto nyang gawin.

Wala akong sundo ngayon. Ewan ko ba kay mama. Simula nung nalaman nyang magbestfriend kami ni Kai eh, tuwang tuwa sya. Nakiusap pa sya kay Kai na sabay na kaming pumasok at umuwi tutal magkalapit lang naman kami ng bahay.

Nung una pa nga naisip ni mama na may relasyon kami e. Hell no! Kahit magbestfriend kami ay madalas na hindi kami magkasundo sa mga bagay-bagay. Well, yun nga ata yung sinasabi ni Ate na, 'Opposites do attract.' hay.

"Oh, san ka pupunta? Di ba nandun yungㅡ" Naputol na yung sasabihin ko ng bigla syang nagsalita. Bastusan lang talaga eh. -____-++

"May dadaanan muna tayo." Masigla nyang sinabi. Agad nya na akong hinila at hindi na ako nakaangal pa.

°°°

We ended up in a cake shop. Seriously? Kala ko naman kung saan kami pupunta. Hay nako. ito talagang si Kay, hindi ko matantya ang isip. -___-

"Anong meron? Bakit mo naisipang bumili ng cake?" Tanong ko sakanya.

"Trip ko lang." Sabi nya sabay tawa ng mahina. Inirapan ko nalang sya.

"Ewan ko sayo." Sabi ko nalang. At pagkatapos ay nagpasya na nga kaming umuwi. Ng marating na namin yung bahay nyaㅡwhich is katabi lang ng bahay ko ay niyaya nya akong kumain nung cake na binili nya.

"Sigurado ka?" -Ako.

"Oo! Ang dami pang satsat, gusto mo din naman." -Kai.

"Makapagsalita ka naman parang pinipilit kitang bigyan ako!" I said then I pouted. Lumapit naman sya sakin ng nakangiti at ginulo na naman yung buhok ko. O-kay?

"Don't pout." He said at me, looking straight to my eyes.

"B-Bakit?" Oh gosh, bakit ako nauutal?

Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at seryoso akong tiningnan sa mata, and I saw he gazed at my lips. Then napakagat labi nalang sya. Oh my! Tama ba 'tong naiisip ko? Na.. Na naaakit sya sa lips ko? O sadyang assumera lang ako? Gah! I don't wanna blush!!

Tinanggal nya na yung mga kamay nya sa balikat ko and smiled shyly. I even saw his face turned red bago sya naglakad patungo sa gate nila. T-Tama ba yung nakita ko? Namumula sya? Si Kai na bestfriend ko, nagblush?!

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon