Chapter 29: The Rebellion

598 18 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Alora

"And oh, by the way. Princess Yume Achrid is the second daughter of the moon. You know, the two of you has the worst mission ever. Sa ngayon, hindi pa alam ng prinsesa kung anong kapangyarihan talaga meron sya. Ikinikubli pa ito sakanya dahil masyado pa syang bata." Sabi ng Ate ko.

"Ibig sabihin, sa buwan talaga nanggaling ang pambihirang kapangyarihan nya?"

"Yes. And I guess, the mighty moon gave it's full power to Princess Yume." Gave it's full power? Kaya pala. Kaya pala sinasabi nila na ang batang yon ay higit pa sa isang 'diyos.'

"Kaya 'daughter' ang term sainyo ay dahil ang buhay nyo, ang dahilan kung bakit kayo humihinga ngayon, ay dahil sa buwan." Halos mapanganga nalang ako sa sinabing ito ni Ate sakin. Galing sa buwan talaga ang buhay ko? Pero pinanganak mismo ako ng aking ina.

"Alam kong naguguluhan ka Alora. Pero yun ang totoo. Bale si Mama lang ang nagluwal sayo. Simula't sapul palang, tinataglay mo na ang buhay na pinagkaloob ng buwan sayo. Huwag kanang masyadong magulat. Dahil ang mundo natin ay talagang nababalot ng misteryo." Dahan dahan na lamang akong tumango kay Ate. Another revelation about my life, huh? Great. Mababaliw na talaga ako. Tumingala ulit ako sa makulimlim na kalangitan. Why did you chose me, moon? Bakit ako pa? Bakit ang isang mahinang katulad ko pa ang napili mo? Is it because of my bloodline? I really don't get it. I really don't get the point of all of this. Sadya bang, may mga bagay na kailangan kong kayanin? Napabuntong hininga na lamang ako.

"Ms. Arcania, oras na po para pumasok sa loob ng building ng Silent X. Nakaayos na po ang mga gamit nyo sa inyong sleeping quarters." Wika ng isang OTG member saamin.Tumango nalang ako at sabay naman kaming tumayo ni Ate. Nagsimula na kaming maglakad at nanatili lamang nakasunod sa taong nasa harap namin. Malaki ang building ng Silent X. Kahit na naging 15 members na kami, kasama ang mga baguhan dito. Masyadong malaki ito at malawak para sa labinlimang tao lang. May malaking chandelier ang bubungad sayo pagpasok mo palang. Ang dingding ay emerald in color with golden abstract lining designs. Mala-palasyo ang istilo ng building nila. Sa magkabilang gilid din ng hallway, sa may taas, doon nahahilera ang kulay itim na bandila ng OTG at doon naka imprinta ang isang kulay pulang crescent moon. Iyon ang simbolo ng Oni Termination Group. Umakyat kami sa isang malapad na hagdan at may kulay green na carpet. At pagkatapos isang corridor ang bumungad samin. Nakahilera din sa itaas ang mga maliliit na klase ng chandelier. Talagang pang 'class' lang ang lugar na'to. Puro pinto ang nasa magkabilang side ng corridor. I guess mga kwarto na iyon ng comrades namin. Huminto kami sa isang pinto. Binuksan ito nung OTG member, at tumingin sakin.

"Ito na po ang iyong sleeping quarter, miss Alora." Pormal na wika nito sakin. Ngumiti naman ako. "Sige, salamat." Sagot ko at tumingin muna kay Ate.

"See you later." Sabi ko sakanya.

"Yeah." Yun lang ang naisagot nya sakin bago ako tuluyang pumasok sa silid ko. Napabuntong hininga na lamang ako. Parang hindi sya bagay tawaging sleeping quarter. Parang personal ko na syang kwarto e. May banyo, may balkonahe, aparador, malaking kama, salamin. Basta. Parang nasa bahay lang ako. Pero iba parin talaga pag nakasanayan mo na. Parang si Kai, iba talaga pag nakasanayan mo na. Nasanay ako na laging nandyan si Kai para patawanin at pasayahin ako. Napabuntong hininga na lamang ako. Eto na naman ako at naghuhugot. Kailangan kong magpahinga. Mamaya ay magkakaroon kami ng orientation sa dining hall para makilala ang mga kasama namin. I hope this would be easy. Ayoko na din masyado ma-expose sa mga tao. Well, kahit naman noong nag-aaral pa ako sa Yusuzumia High ay ayoko naman talaga ng exposure. Pero sadyang hindi maiwasan sa kadahilanang isa akong Arcania. Bigla na lamang sumagi sa isip ko sila Erica, Marmee, Noki at yung mga nakilala ko dati. 'Nakilala' hindi kaibigan. Exceptional siguro si Marmee? Haha. Ewan, namimiss ko na ang batang 'yon.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon