Chapter 3

865 24 0
                                    

Sa ilang araw kong nagtuturo ng pagpinta kay Liviti ay mas nasasanay na ito saakin. Mas madalas na din itong mag salita at mag kwento tuwing mag kasama kami. Napatingin ako kay Liviti nang matabig nito ang tubig, she looked at me and I smiled. 

"It's okay, LIviti" nakangiting sabi ko sakanya. Napatingin ako sa pink nitong dress na natapunan pala ng tubig. Tumayo ito sa pag kakaupo at lumapit saakin. Kinuha ko ang tissue na nasa lamesa at pinunas iyon sa basang damit nito. I heard her giggled and I looked at her. 

"What is it?" I asked curiously. She hide her smile and shakes her head. I narrowed my eyes. "Tell me, Liviti" I said. She pouted before pointing my face. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Kinuha ko ang cellphone ko at nag salamin doon. I turned my gaze to Liviti. Kumuha ako ng brush at pinahid iyon sa mukha nito. 

I laughed when I saw how long it was. Napahinto ako sa pag tawa nang lagyan din nito ang ilong ko. Hinabol ko ito hanggang sa naikot na namin ang buong garden ng mga El Salvador. Napaupo kami sa damo nang matapos kaming tumakbo. Napatingin ako kay Liviti na may mga kulay na ang mukha.

"Bihis ka na." nakangiting sabi ko dito bago hawakan ang kamay at alalayan sa pag tayo nito. Ngumiti ito saakin bago abutin ang kamay ko nang marinig ko ang boses ni Donya Asuncion. Napatingin kaming pareho sa likod namin at nakita namin si Donya Asuncion na nakatingin saakin bago ibaba ang tingin sa apo nito. Agad kong inalalayan si Liviti para makatayo ito, agad itong kumapit sa laylayan ng damit ko at mukhang takot sa lola nito.

Bumalik ang tingin ko kay Donya Asuncion at ngumiti dito. "Magandang umaga po, Donya Asuncion. Tinuturuan ko po kasi si Liviti na mag pinta kaya po medyo nadumihan ang damit nito." Donya Asuncion raised her eyebrow at me and I gulped hard.

Sinenyasan ni Donya Asuncion ang isang sa mga kasambahay at lumapit ito kay Liviti at inalalayan ito papasok ng mansyon. Nang hindi ko na matanaw si Liviti ay muling bumalik ang tingin ko kay Donya Asuncion na mukhang kanina pa nakatingin saakin.

"Liviti is an El Salvador, she needs to look pleasant as always and not with colors on her face and dress, understood?" napa-awang ang labi ko dahil sa sinabi nito. Sa tagal kong kaibigan si Fabian ay ngayon ko lang nakitang ganito si Donya Asuncion. Ang alam ko ay strikto ito sa mga anak at apo nito ngayon ay napatunayan ko na iyon.

"Hindi ko nga alam kung bakit pag pipinta ang napili ni Flavio na pag-aralan ng anak, mas mabuti na kung ballet ito  kagaya ni Marina o kaya violin, hindi pa madudumihan ang bata. " striktong sabi nito. 

"Hindi po ba na normal sa isang bata ang madumihan dahil bata nga ito." napatingin ito saakin nang sabihin ko iyon. She narrowed her eyes at me. Tumango ako sakanya bilang sagot at umalis din ito kaagad. Nang hindi ko na ito makita ay bumalik ang tingin ko sa mga ginamit namin sa pag pinta ni Liviti at inayos ito. Palabas na ako ng malaking gate ng mga El Salvador nang may bumusina sa likod ko at bumungad saakin ang itim na sasakyan ni Fabian. Binabi nito ang bintana ng kotse nito at kunot-noong tumingin saakin.

"Where are you going?" he asked me. "Uuwi na." hapon ang schedule namin ni Liviti sa pag pinta tuwing may pasok ito, kapag weekends naman ay umaga para makapag pahinga din ito pag hapon. Nag simula ulit akong mag lakad hanggang sa makalabas ng gate nila. Hindi ko alam kung bakit pinangungunahan ni Donya Asuncion ang mga apo nito. 

Napatingin ako muli sa likod ko nang marinig ko ang muling pag busina ni Fabian. Nasa gilid ko na ito at sinusundan ako habang nakasakay pa din sa kotse nito. Huminto ako sa pag lalakad at hinarap ito. His eyes sparkled and stop the engine of his car.

"Bakit nanaman?" I asked frustratingly. He glared at me before stepping out of his car. I crossed my arms against my chest at looked at him. I don't know but I feel like Donya Asuncion doesn't want me, and this feelings bothers me. " Get in the car." he said seriously but I only looked at him. He closed his eyes tightly.

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon