Chapter 12

617 16 0
                                    

"Sa susunod na buwan ay birthday mo na at uuwi na din ang papa mo. " napangiti ako dahil sa sinabi ni mama. Sa susunod na buwan ay birthday ko na nga ay sabi ni papa at makakauwi na sya sa birthday ko.

"Titania! " napahinto alo sa pag lalakad at napatingin sa likod ko nang marinig kong may tumawag ng pangalan ko. Napaawang ang labi ko nang makita ko sina Garrett, Amos at Fabian na syang tumawag ng pangalan ko.

"Manliligaw mo ba ang mga iyan? " namula ang pisngi ko dahil sa sinabi ni mama. Umiling-iling ako bago ibalik ang tingin sa tatlo na kararating lang na harap ko. Ngumiti ako sakanila isa-isa.

"Tinawag nyo akong... tatlo. " sabi ko.

"Yeah, I just missed you Titania kaya naisipan kong daanan ang bahay nyo. " nag wawalis kasi kami sa bakuran ni mama ngayon.

I  heard Fabian's groan. Ngumiti ako sakanya. "Titania, I really like the sinangag you made last time we had breakfast. " napatingin si Garrett dahil sa sinabi ni Amos. Kunot-noo silang tumingin sa isa't isa. Napaawang ang labi ko nang maramdaman ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Titania, ang ganda ng painting na pinakita mo saakin si kwarto mo, nakakabilib. " Mas diniin ni Fabian ang salitang kwarto dahilan kung bakit napatingin sakanya yung dalawa. Pumulupot ang braso nito sa balikat ko. I laughed awkwardly while laughing. Palihim kong siniko ang tiyan no Fabian dahil doon.

Kay Fabian na napunta ang atesnyon ng dalawa. Tumikhim ako para makuha and atensyon nila.

"Kung wala na kayong ibang sasabihin,  pwede na kaming umalis. " nakangiting sabi ko sakanila. Ngumiti ang dalawa saakin na parang naiintindihan nila ang sinasabi ko. Mukhang nag dadalawang isip pa ito kung aalis na ba talaga sila, perk sat huli ay pumunta pa din sila sa kanya-kanyang kotse nila.

Napatingin ako kay Fabian na kumakaway pa sa dalawa habang may ngiti sa labi nito, mukhang inaasar nito ang dalawa. Umirap ako at winalis ang paa nito gamit ang walis tingting dahilan kung bakit napunta saakin ang atensyon nito.

"Nang liligaw ba sayo yung dalawang 'yon?" napakunot ang noo ko bago umiling-iling. Umupo ito sa isang bato doon at tumingin saakin hanggang sat matapos akong mag walis.

"Umalis ka na, baka may trabaho ka pa sa rancho nyo. " Pag tataboy ko sakanya. Ngumuso hot bago tumango. "Pupunta tayo sa burol mamaya. " pag papaalala nito. Tumango ako sakanya.

"Susunduin kita. " sigaw nito. Tinanaw ito hanggang sat mawala na ito sa paningin ko.

Nang dumating ang hapon ay gaya ng sinabi ni Fabian ay nag hihintay na nga ito saakin si sala. Nag paalam kami kay mama na pupunta lang kami sa burol. Dala ko ang mga gagamitin ko sa pag pinta. Mag iisip lang ako ng ideya at ita-try kung maganda ba iyon. Nang makarating kami sa burol ay agad kaming tumaas sa tuktok noon at umupo sa damo. Nasa unahan ko si Fabian ay may kalayuan din saakin. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nito dahil nakatalikod ito saakin, siguro ay nag bubunot ulit ito ng dahon.


Bumaba ang tingin ko sa sketch pad na nasa lap ko at nilabas ang lapis na gagamitin ko sa pag drawing. Alam nina mama ang passion ko sa pag pipinta. Kaya gusto ko ding manalo sat contest para makapag aral ulit at matuto ng ibang paraan ng pag drawing. Wala kaming arts school sa probinsya namin. Nakapagtapos naman ako pero hindi naman iyon ang gusto kong kurso kaya ako na mismo ang gumagawa ng paraan para maabot ko ang gusto ko.

"Tapos ka na ba? " napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Fabian. Nakatingin na ito saakin, hindi na ako mag tataka kung bakit maraming nag kakagusto kay Fabian sa bayan namin. He has broad arms, his biceps flexed when he moves, he's six feet tall, his face looks really handsome, he has brown eyes, pointed nose and natural pinkish lips.

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon