Chapter 39

796 17 0
                                    

Halos isang buwan na simula nang bumalik kami dito sa bayan ng Rosa Maria. Maraming nangyari at marami din akong nalaman. Fabian family welcomed us with open arms. They really like Meliza and I'm happy because of it. Nawala doon ang isip ko nang hawakan ni Fabian ang hita ko dahilan kung bakit napatingin ako sakanya.

"What? " I asked him. He smiled at me. "Saan mo gustong ganapin ang birthday ni Meliza? " ngumiti ako dahil sa sinabi nito. Naghahanda kami ngayon para sa birthday ni Meliza sa susunod na araw.

"Sa burol sana. Nagustuhan din doon ni Meliza noong huling punta natin doon. " I answered.

He nodded his head. "Yeah, malawak naman ang place na iyon. " sagot nito.

Matapos ang pag hahanda sa mga pagkain at iba pang importanteng pag uusapan ay umakyat muna ako sa kwarto namin ni Fabian dahil medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Nanatiling kasama ni Fabian ang mga kapatid nito na bumisita ngayon.

Matapos kong uminom ng gamot ay biglang tumunog ang cellphone ko at bumunagd ang pangalan ni mama. Agad ko iyong sinagot.

"Hello, anak. Kamusta kayo dyan? " pambungad nito.

"Okay lang po kami dito. Kayo po? Pupunta naman kayo sa birthday ni Meliza sa susunod na araw diba? "

"Okay lang ako dito. Syempre hindi ko naman ako papayag na hindi ako nandyan sa birthday ni Meliza. " napangiti ako dahil sa sinabi nito.

"Kamusta naman ang turing sayo ng mga tao dyan? " napanguso ako dahil sa tono ng boses nito na parang hindi pa din naniniwala saakin na maayos ang lagay namin dito.

"Okay lang nga po. Maayos po ang lagay namin  dito at mababait sina Tita Aliza at Tito Miguel. " sagot ko sakanya. Sinandal ko ang likod ko  sa pader ng banyo dahil sa paglala ng pagkahilo ko.

"Si Donya Asuncion. Kamusta? " simula nang pag uusap namin na iyon  sa garden ni Donya Asuncion ay naging maayos ang pakikitungo nito saakin lalo na kay Meliza, madalas ko silang makitang mag kausap ni Meliza, minsan lang kasi bumisita dito sina Kuya Flavio at ang mga anak nito kaya madalas mag isa si Meliza.

Napahawak ako bibig ko nang maramdaman ko na parang maduduwal ako.

"Titania, okay ka lang ba? " nag aalalang tanong ni mama. Nilagay ko ang cellphone sa lababo at agad sumuko sa sink. Matapos kong magsuka ay agad akong nag toothbrush ulit. Napatingin ako sa salamin at kinuha ang cellphone ko.

"Okay ka lang ba? Sumuka ka ba? " nag aalalang tanong ni mama saakin. I cleared my those before answering her question.

"Opo. Baka sa kinain ko lang kanina. " sagot ko para hindi ito mag alala pa. Lumabas ako sa banyo ng kwarto namin ni Fabian at umupo sa ibabaw ng kama.

"Mag sabi ka nga saakin. Yung totoo,huh!" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni mama.

"Buntis ka ba? " maging ako ay nagulat din dahil sa tanong nito. Halos mabulunan ako  sa sarili kong laway dahil doon.

"Ma!  Ano bang pinag sasabi mo? " gulat kong tanong sakanya. Aaminin ko na madalas mayroong mangyari saamin ni Fabian sa mga nag daang araw simula nang dumating kami dito. Bumilis ang tibok ng puso ko nang pumasok sa isip ko na hindi pa ako dinadatnan.

"Mag PT ka. Tapos tawagan mo ako kung ano  ang resulta. Mag ingat ka sa mga kinakain mo. " Pag papaalala nito. Siguro ay nag aalala din ito sa pag bubuntis ko dahil sa nangyari noon. Kahit hindi ko pa sigurado kung tama nga si mama ay sumang-ayon pa din ako.

Pababa ko ay naabutan ko ang mag kakapatid na El Salvador, nasa gitna ng mga lalaki ang nag iisang babae na si Marina. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa lakas ng pagsasama nilang limang mag kakapatid. Fabian is smiling widely while laughing at Favio's joke. Nang makita ako ni Fabian ay agad itong tumayo at lumapit sa pwesto ko.

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon