Chapter 27

639 16 0
                                    

Ilang araw simula nang mangyari sa talon, hindi ako makapaniwala na nangyari iyon pero hindi ko naman pinag sisihan ang nangyari. I'm happy about it, I want to spend my every first with him. Bumaba ako sa sala para kumain nang makita ko si papa na may kausap sa celphone nito. Napakunot ang noo ko nang makita ko na mukhang galit ito habang nakikipag usap. Nang nasa huling step na ako pababa ng hadgan ay napatingin ito saakin. Dali-dali nitong pinatay ang cellphone nito. 

"Kanina ka pa ba andyan?" takang tanong nito saakin. Ngumiti ako sakanya bago umiling at dumiretso sa kusina para mag hanap ng pag kain. Sa mga lumipas na araw ay madalang nang makapunta dito si Fabian dahil malapit na ang botohan kaya mas lalo silang naging busy sa pangangampanya. Nag pipinta lang ako kapag wala akong magawa at pag katapos kong mag basa ng libro. Hindi naman hihinto sa isang hindi ko pagkatanggap sa art school ang passion ko sa pag pinta. 

"Titania!" napatingin ako sa labas ng gate namin nang marinig ko ang pag tawag saakin ni Acella. Madalas pumunta dito si Acella tuwing hapon. Kung minsan ay pupunta ito dito at sabay kaming mag babasa ng mga libro ko. May mga araw din na hindi ito nakakapunta dahil nasa bahay nila ang papa nito at baka saktan ulit ang mama nya na naiintindihan ko naman dahil magulang nya iyon, hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan saktan ng papa nya ang mama nya. 

Pumasok kami sa loob ng kwarto ko at agad itong umupo sa kama ko. "Nabalitaan mo na ba na may sayawan daw sa susunod na araw?" napatingin ako sakanya nang sabihin nya iyon. Kumunot ang noo ko, mukhang nabasa nito ang nasa isip ko dahilan kung bakit nag salita muli ito. 

"Ang mga EL Salvador ang nag pasimuno noon dahil malinaw na daw na si Don Miguel ang mananalo bilang gobernador." napatango ako dahil sa sinabi nito at muling binalik ang tingin sa canvas na nasa harap ko. 

Sa mga sumunod na araw ay sabay kaming pumunta ni Acella sa eskwelahan para bumuto, malinaw naman kung sino ang bobotohin ko. Habang nakasakay sa tricycle ay napatingin ako kay Ascelle, magaan ang mukha nito at mukhang masaya sya ngayon, napangiti ako dahil doon. Hindi ko alam kung paano nya nagagawang manatili sa bahay nila gayong sinasaktan ng paano nya ang mama nya. 

Nang makarating kami sa labas ng school ay agad kaming nag bayad sa tricycle at pumasok na sa loob. Marami nang tao ang anduon at may mga nauna na ding makaboto. Pag katapos naming mag boto ay sabay ulit kaming lumabas ni Acella. Kumain muna kami ng fishball sa gilid ng eskwelahan. Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko makita ang mga sasakyan ng mga El Salvador. 

Napatingin ako sa daan nang makita ko ang sunod-sunod na mga kotse na pumarada sa parking lot ng school, sa mga kotse palang nito ay malalaman mo na kung sino ang nasa loob. Sa puting van ay lumabas si Donya Asuncion kasama ang tatlo nitong anak na lalaki at ang mga asawa nito. Hindi maipag kakaila na nasa dugo na nila ang pagiging maganda at gwapo, dumagdag na din siguro ang dugo nilang Espanyol. May umalalay na dalawang guard kay Donya Asuncion habang ang isa ay may dalang payong para dito. 

Sa pangalawang itim na kotse ay lumabas doon ang magkakapatid na sina August, Colin at Everleigh, walang lingon-lingon silang dumiretso sa loob ng ekswelahan. 

Sa pangatlong kotse ay ang kotse ni Fabio at lumabas doon sina Hariette, Amelia at Aiden. Nakita ko ang pag tingin sa pwesto namin ni Fabio bago ngumiti kay Ascella, kunot noo akong tumingin kay Ascella na namumula na habang nag iiwas ng tingin. 

Sa pang apat na kotse ay lumabas ang pamilya ni Kuya Flavio, pinagbuksan nito ang asawa nito ng pinto at agad nilagay ang braso sa bewang nito, kasama nila si Marina, at Franco. Sa pang lima at huling kotseng dumating ang lumabas si Fabian, he's wearing a black button down shirt and jeans, naka glasses ito at seryosong bumaba sa kotse nito. Napaawang ang labi ko nang makita kong lumabas sa kotse nito si Makisa na naksuot ng puting sleeveless dress habang nakatakong. 

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon