Chapter 13

568 16 0
                                    

Napatingin ako sa mga prutas na nasa basket habang namamalengke, tiningnan ko kung maayos pa ba ito at kung matamis na. Gusto kasi ni papa ang kahit anong prutas, isa na din ata iyon sa dahilan kung bakit madalang lang ito mag kasakit. Napahinto ako sa pag lalakad nang tawagin ako ni Aling Maring, isa sya sa tindera ng mga isda sa plaza at katrabaho n papa ang asawa nito. Lumapit ako sakaya habang may ngiti sa labi.

"Kamusta po, Aling Maring?" nakangiting bati ko sakanya. Ngumiti ito saakin habang pinapaypayan ang paninda nitong isda. "Ako nga dapat ang mag tanong niyan sa iyo, Titania, pero bago iyon bili ka muna ng isda." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito pero tumingin pa din ako sa mga isda nito.

"Kamusta naman ang nanay mo? Nakakalungkot naman talaga ang nangyari, kung ako ang nanay mo hindi ko na papauwiin iyon." mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. 

"T-teka po, hindi ko po magets ang sinasabi nyo." sagot ko sakanya. Mag sasalita pa sana ito nang may tumawag ng pangalan ko. Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Fabian na papalapit saakin, ngumiti ito kay Aling Maring. 

"Kanina pa kita hinahanap, andyan na si Tito." narinig ko ang malakas na singhap ni Aling MAring pero pinasawalang bahala ko lang iyon dahil sa kagustuhang makita na si papa. Si Fabian na ang nag dala ng mga pinamili ko at agad kaming pumasok sa loob ng kotse nito. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang hindi kabahan sa muli naming pag kikita ni papa.

"Excited?" ngumiti ako kay Fabian bago tumango. Nnag makarating kami sa tapat ng bahay ay sabay kaming pumasok sa loob. Tahimik ang buong bahay na aakalain mong wala tao. Pumunta kaming kusina nang makarinig kami ng pag kabasag. Napatingin ako kay mama na nakatalikod mula saamin habang si papa naman ay nakatingin lang kay mama. Nang makita ako nito ay agad itong ngumiti saakin. 

Lumapit ako sakanya at agad itong niyakap. "Papa!" nakangiting sabi ko na parang bata. Niyakap ako nito at umikot-ikot pa. Humiwalay ako sakanya habang nakangiti. Napatingin ako kay mama na ngayon ay may tipid na ngiri sa labi habang namumula naman ang mga mata nito.

"Ma, okay lang po ba kayo?" tanong ko sakanya, ngumiti ito saakin. "OO naman, anak. Napuling lang." tumango ako sakanya bago muling ngumiti kay papa. Nang tanghali din na iyon ay sabay-sabay kaming kumain, hindi ko maiwasang hindi maging masaya dahil nakikita kong nasa kabisera nakaupo si papa.

"Napakalaki mo na Fabian maging ang katawan mo ay lumaki na din." nakangiting sabi ni papa habang nasa sala kami at nanonood ng tv. Napatingin ako kay Fabian na may ngiti din sa labi. "Mabuti naman at lagi mo itong kasama si Titania, alam mo naman ang mga kabataan ngayon mapupusok. May nangliligaw na ba sa dalaga ko?" namula ang mukha ko dahil sa sunod nitong sinabi. Napatingin ako kay Fabian na ngayon ay nakatingin na din saakin.

"Wala po, Tito. Saakin lang po yan." biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nito. Maging si papa ay natigilan din dahil sa sinabi nito, tumikhim si fabian bago muling ibuka ang bibig. "Saakin lang po sya komportable." pag dudugtong nito, agad tumango si papa at muling bumalik ang ngiti sa labi.

"Bukas ko na ibibigay ang regalo ko para saiyo, Titania. " ngumiti ako kay papa dahil doon. 

***

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko, agad ko iyong sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ba ang tumawag. 

"Hello?" I answered. 

"Happy Birthday, Titania!" napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Fabian. He's voice is husky and it sound really sleepy. 

"Salamat." napatingin ako sa relo sa kwarto ko at nakita kong 12 palang ng gabi. 

"Nagising ba kita?" takang tanong nito. "Yeah, but thank you for greeting me at exactly 12." sagot ko sakanya. I heard his chuckle on the other line. 

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon