Chapter 11

607 17 0
                                    

Kumalat sa buong bayan ang nangyari noong isang araw sa kuwadra,sino ba naman ang hindi mag kakainteres na pag-usapan iyon kung tungkol iyon sa dalawang maimpluwensyang pamilya sa bayan namin. Kahit noong namamalengke ako kanina ay yung ang usapan ng mga tindera. 

"Titania!" napahinto ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Elly. Kasama nito ang iba nitong kaibigan. Huminto sila sa harap ko at pinagkrus ang kamay sa dibdib. Tumaas ang kilay nito bago tumingin saakin mula ulo hanggang paa. 

"Balita ko kasama ka ng mga El Salvador noong nag kagulo." mataray na sabi nito. Hindi ko alam kung bakit nila ako ginugulo kung alam naman pala nila na kasama ako ng magkakapatid na El Salvador. 

"Ano naman ngayon sayo, Elly?" nag tatakang tanong ko sakanya. She smirked ehile shaking her head. Lalagpasan ko na sana sila nang hawakan nito ang braso ko at pinabalik ako sa harap nila. Tumaas ang kilay ko sakanya, "Ano nanaman ba ang gusto mo, Elly? Wag ka sakin humingi ng chismis, doon ka sa nanay mo!" naiinis kong sabi. 

"Balita ko din sinuntok mo daw si Amos Lopez." napahalakhak ako nang maalala ko kung paano niluwa ni Amos ang dugo mula sa bibig nito. Kumunot ang noo ni Elly dahil sa pag tawa ko "Puro ka balita, sabihin mo nalang na nakichimis sa sa nanay mo." sagot ko pa. Hihilahin sana nito ang buhok ko nang may humintong puting sasakyan sa gilid namin. Napahinto si Elly sa gagawin nito at napatingin din ito sa puting kotse. 

Biglang uminit ang dugo ko nang makita ko kung sino ang lumabas mula sa kotse. Nanahimik sina Elly nang makita nila iyon. Lumapit ito sa pwesto namin at tumingin kay Elly na ngayon ay nakangiti na. I rolled my eyes. Aalis na sana ako nang tawagin ako ni Amos. 

"What are you doing?" napakunot ang noo ko dahil sa tanong nito. Humigpit ang hawak ko sa basket na dala ko sa pamamalengke. Bumaling ang tingin nito kay Elly na ngayon ay nakangiti pa din kay Amos. 

"Are you harassing her?" nanlaki ang mga mata ni Elly nang itanong iyon ni Amos. Bakas sa mukha nito ang pag kataranta dahil sa tanong ni Amos. "Wala kang pake kung anong ginagawa nila saakin, Amos. Ipapaalala ko lang sayo na may atraso ka pa din saakin." mataray na sabi ko sakanya. Bumalik ang tingin nito saakin at ngumisi. 

"My name sounds really good coming from your mouth, love." napangiwi ako nang tawagin ulit ako nito sa weird nyang tawag saakin. Lumapit ito saakin at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa basket, agad ko iyong iniwas. 

"I'm just being a good guy here. Bumabawi lang ako sa ginawa kong pang mamaliit sayo noong isang araw." umiling ako sakanya. "Kung gusto mong bumawi pwede ka naman mag sabi ng sorry, hindi mo naman kailangan hawakan ang kamay ko." sagot ko sakanya. Napatingin ako sa likod nito nang makita ko na wala na doon sina Elly at malayo na ang agwat mula saamin. Napailing nalang ako.

"I'm sorry, okay? So can I drive you home?" I laughed without humor and looked at him. "Hindi na kailangan." sagot ko at mag lalakad na sana nang hawakan nito ang kamay ko, muli akong tumingin sakanya, nasa ibabaw na ng ulo nito ang mamahalin nitong sunglasses. Kumunot ang noo ko at nag tatanong kung bakit nanaman.

"Malayo pa ang lalakarin mo kaya sumabay ka na saakin." sagot nito. "Hindi kita kilala at wala akong balak kilalahin ka at wala din akong balak na sumakay sa mamahalin mong kotse." sagot ko. 

"I insist, Titania. I promise after this hindi na kita guuluhin maging ang mga El Salvador." napaawang ang labi ko nang sabihin nya ang ampelyido nina Fabian. Huminga ako nang malalim bago maunang sumakay sa kotse niya. Tumaas ang balahibo ko nang maramdaman ko ang malakas na aircon sa loob. Habang nasa byahe ay patuloy akong kinakausap ni Amos at sumasagot naman ako, pero minsan tango at iling lang.

"Matagal na ba kayong mag kaibigan ni Fabian?" hindi ako tumingin sakanya nang itanong nya iyon habang nasa byahe kami papunta sa bahay namin. "Yeah, since college, I think." sagot ko. "So, may alam ka na sa tradisyon ng pamilya nila. You know the arrange marriage things." napatingin ako sakanya dahil doon. Hindi naman sekreto ang tradisyon nilang iyon, pero sa mata ng iba ay sobrang makaluma na iyon.

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon