Chapter 35

834 18 0
                                    

"Hindi ko, na kayo maihahatid sa terminal dahil may pasok ako ngayon. Kamustahin mo nalang ako kay Tita Olivia. " ngumiti ako kay Ate Leah bago tumango.

"Okay lang, Ate. Salamat din sa pag papatuloy saamin ni Meliza. " nakangiting sabi ko sakanya. Pag kaalis nito ay nakaayos na din ang mga gamit na dala namin ni Meliza. Habang nakasakay sa bus ay hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga sinabi ni Fabian.

Hindi ko inaakalang mag kikita muli kami, pero lagi akong umaasa na sana Oo. Napatingin ako kay Meliza na nakatingin sa bintana. Nakabusangot ang mukha nito.

"Ayaw mo pa bang umuwi saatin? " takang tanong ko sakanya. Yumuko ito bago umiling.

"Gusto na po pero wala po akong naging friend noong bumisita tayo sa Manila. " sagot nito.

"May naging friend ka naman, sina Kuya Andre and Ate Leah, may nakilala kang ibang tao." sagot ko. Ngumiti ito saakin bago ibalik ang tingin sa bintana.

Kinabukasan pag dating namin sa bahay ay agad kaming nag almusal. Napag usapan namin ni mama noong araw na pumunta kami sa puntod ni papa at kung paano umiyak si Meliza noon.

"Tsaka... nagkita po kami ni Fabian at ng mga kapatid nito  sa Manila. " sagot ko sakanya. Natigilan ito dahil sa sinabi ko. Napatingin ako kay Meliza na nag lalaro sa labas ng bahay namin kasama ang mga kaibigan nito.

"Talaga? Kamusta sila? Si Fabian nag usap ba kayo? Kailan pa? " sunod-sunod na tanong nito. Huminga ako ng malalim bago isa-isang sagutin ang mga tanong nito.

"Noong huling araw ko po sa school noon ay nalaman ko po na ang mga El Salvador ang mga nag donate ng ibang gamit sat school. Sa tingin ko po ay masaya na sila sa mga buhay nila ngayon." sagot ko sakanya.

"E, kayo ni Fabian? " takang tanong nito. Ngumiti ako sakanya bago umiling. "Mukhang malabo na po. " rinig ko ang lungkot sa sarili kong boses nang sabihin ko iyon. Narinig ko ang pag hinga ni mama ng malalim bago yakapin ako.

Sa mga sumunod na araw ay nag karoon ng charity program ang bayan namin para sa mga batang kapos sa pag-aaral.

"Titania, Mabuti at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko sayo. " ngumiti ako sa mayor namin bago tumango.

"Nag hahanap kasi kami na pwedeng magturo sa mga bata na magpinta para maging parte ng activities nila at may nagsabi saakin na ikaw daw ang kunin ko. Payag ka ba doon? " Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi nito. Hindi ko na ulit nasubuksan na mag pinta sa harap ng ibang bata, pwera nalang sa loob ng school.

"Sige po! " nakangiting sabi ko sakanya. Ngumiti din ito pabalik bago ibigay saakin ang schedule ng charity program.

Maaga akong nagising dahil mag sisimula ngayon ang charity program ng bayan namin. Hindi ko maiwasang hindi maexcite dahil doon. Isang simpleng sky blue skater dress at may design iyon na maliliit na bulaklak na kulay puti ang suot ko.

Nakahanda na din ang mga gagamitin ko para sa pag pinta mamaya. Nag paalam ako kay mama at Meliza na aalis na. Sa dalampasigan ng dagat gaganapin ang program. Nang makarating ako ay agad akong bumaba na tricycle. Tanaw mula sa tinatayuan ko ang kulay puting lighthouse.

May mga tent doon para hindi masyadong mainit. Lumapit ako sa pwesto nila habang may ngiti sa labi.

"Titania, kasali ka din ba? " napatingin ako kay Alex, isa sa mga volunteer. Ngumiti ako sakanya bago tumango. "Mabuti naman. Nabalitaan kong pumunta kayo ng Manila. " sabi nito.

"Oo, binisita namin ang papa ko. " sagot ko dito. May mga kakilala din akong ibang mga nag volunteer sa charity program. Napatingin ako kina Liah at Mari na ngayon ay nag uusap. Sila ang naka assign para sa feeding program bago mag simula ang ibang activities.

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon