Chapter 5

744 21 0
                                    

Linggo ngayon at kanina ay sinamahan ko si mama na bumili ng mga lulutuin nya para sa handa namin sa Fiesta. Tatlong putahe lang ang lulutuin namin at ako naman ay gumawa ng letche flan para sa dessert namin.

"Ma, sabi ni Fabian pupunta daw sya dito." sabi ko dito habang nag hihiwa ng mga ingredients sa pag luto ng kaldereta. Tumango ito at nag patuloy sa pag luto ng ibang putaheng lulutuin nito. Hindi ko alam kung sino-sino ang pupunta sa bahay namin, o baka mga amiga lang ni mama. Mamayang nine ay mag kakaroon ng simba para sa patron ng aming bayan.

Nang matapos na akong mag giris ng mga ingredients ay agad akong tumaas sa kwarto ko para mag linis ng katawan at mag handa na din sa simba. Maaga pa naman pero gusto ni mama ay ilang minuto pa bago mag simula ang simba ay anduon na kami. Pag katapos kong maligo ay agad kong nilabas sa cabinet ang naka plantsa na dress na binili para saakin ni Fabian.

Agad ko itong sinuot at pag katapos ay inayos ang buhok at maging ang mukha ko. I put powder on my face a nude shade lipstick on my lips. I like nude colors or like soft color. Nang matapos akong mag-ayos ay tumingin muli ako sa salamin para suriin ang sarili. The white  dress really fits to my body, it's a white ruffle ariel dress. I put my hair into a half ponytail while  leaving the remaining hair out. I am also wearing a low block heel sandal na pinadala pa ni papa.

Bumaba na ako sa sala at nakita ko si mama na hinihintay ako, sainabit ko ang kamay ko sa braso nito at sabay kaming sumakay ng tricycle papunta sa simbahan. 

"Yan ba ang binili para saiyo ni Fabian?" napatingin ako kay mama nang itanong nya iyon. Ngumiti ako sakanya bago tumango. 

Nang makarating kami sa harap ng simbahan ay agad nag bayad si mama at pumasok sa loob ng simbahan. Tumingin ako sa buong simbahan habang nag lalakad kami papasok, napahinto ako sa kabilang side ng simbahan nang makita ko ang pamilya nina Fabian.

Napapalibutan sila ng mga tao, some are Donya Asuncion's amiga, while some are acquaintance of Fabian and his siblings. Napangiti ako nang magtama ang mga mata namin ni Fabian. I simply waved my hand at him and he smiled at nodded his head. Umupo kami ni mama sa may gitnang parte ng simbahan. Bago mag simula ang misa ay muli akong tumingin sa parte nina Fabian na ngayon ay nakaupo na. 

Diretso itong nakatingin sa unahan, nang maramdaman nitong nakatingin ako sakanya at nag tama ang aming mga mata. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil doon, hindi ko alam pero nahihiya akong makita nyang suot ko ang binili nitong damit. Nang mag simula ang misa ay itinuon ko ang buong atensyon ko sa sinasabi ng pari sa harap.

Nang matapos ang isang oras na simba ay hawak ko ulit sa braso si mama habang may mga kausap ito na mga kaibigan nito. 

"Alam mo ba na may napili nanaman ang Donya Asuncion na babae para sa isang apo nito." nabaling doon ang atensyon ko nang sabihin iyon ni Aling Marta. Alam ko na isa na sa tradisyon ng mga El Salvador, lalo na ni Donya Asuncion ang pagkasunduin ang kanilang mga anak at apo sa mga kaamiga nito.

Napatingin ako sa pwesto nina Fabian, he's smiling widely while talking to Natalie, daughter of one of the famous family here in our town just like the family of Fabian. Umiwas ako nang tingin sakanila at muling binalik ang tingin sa mga amiga ni mama.

Halos mapatili ako sa loob ng simbahan nang biglang may umihip sa tenga ko. Napatingin ako sa likod ko nang marinig ko ang pigil na tawa ni Fabian. Agad kong hinila ang damit nito at pasimpleng kinurot ang balikat nito.

"Gago ka!" naiinis kong bulong sakanya. Nanlaki ang mga mata nito at tinaas ang isang daliri na parang nag sasabi na lagot ako. Pumikit ako nang mariin nang maalala ko na nasa loob pala ako ng simbahan. Nag paalam ako kay mama na lalabas muna kami ni Fabian.

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon