Chapter 29

672 13 0
                                    

Napabangon ako mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang ingay mula sa baba. Bumaling ang tingin ko sa orasan at nakita kong  alas siyete palang ng umaga. Agad akong bumaba sa sala para tingnan kung ano iyon. Napaawang ang labi ko nang makita ko si mama at papa naman kausap ang mga taga baranggay.

"Binigyan na kayo ng palugit para makahanap kayo ng matutuluyan nyo. " narinig kong sabi ng isang baranggay tanod kay papa. Umiling-iling si papa. "Makakahanap din kami ng pera para makuha ang bahay namin, hayaan mo at nakahanap ako ng trabaho sa isang construction site sa kabilang bayan. " sagot nito.

Mukhang naintindihan naman ng mga tao sa baranggay at agad ding umalis. Napatingin sa pwesto ko sina mama at papa nang makalabas na nag gate ang mga baranggay tanod.

Huminga ng malalim si mama bago umupo sa sofa.

"Napakagandang simulan ng umaga. " sarkastikong sabi ni mama. Bumaling ang tingin ko kay papa na mukhang problemado din dahil sa nangyari.

"Kanino nyo po binenta ang bahay? " seryosong tanong ko kay papa. Napaangat ito ng tingin saakin  bago huminga ng malalim.

"Baka po mapakiusapan natin na paunti-unti nating bayaran para makuha ulit ang bahay." sagot ko pa. Umupo si papa si sofa at mariing tumingin saakin.

"Kay Donya Asuncion," nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. Alam ba ni Fabian?

"Matagal nang gustong bilhin ni Donya Asuncion ang lupa natin pero hindi kami pumayag noon." sagot nito. Huminga ako ng malalim. I but my lower lips before looking at my mama who's now looking at me.

"Pupunta po ako sa mansiyon ng mga El Salvador at makikiusap kung pwede natin mabawi muli ang bahay. Kung kailangan natin silang bayaran ng paunti-unti ay gagawin natin hindi lang mawala saatin ang bahay. " huling sinabi ko bago umakyat sa kwarto ko.

Hindi lang naman dahil sa wala kaming matitirhan kaya ayaw kong ipabenta ang bahay, dahil na din ang mga memories ng mga araw na okay ang lahat at hindi gaano mabigat ang problema.

Pag katapos kong mag-ayos ay agad akong nag paalam na aalis na. Habang nasa tricycle ay hindi ko maiwasang hindi isipin kung bakit gustong kunin ni Donya Asuncion ang bahay namin at kung may alam ba si Fabian sa pagbili ng Abuela nito sa bahay namin.

Umiling ako para mawala iyon sa isip ko. Nang makarating ko sa tapat ng malaking gate ay agad akong bumaba at nag door bell sa pinto nito. Napatingin ako sa likod ko nang May bumusina sa likod ko. Agad kong nakita ang magarang sasakyan ni Franco. Binaba nito ang bintana ng kotse nito.

"Papasok ka ba? " seryosong tanong nito saakin. Ngumiti ako sakanya bago tumango. "Sakay na. Hihingalin ka muna bago ka makarating na harap ng bahay. " sagot nito at agad akong pumasok  sa loob  ng bahay nila. Gaya nga ng sinabi ni Franco ay hihingalin nga ako kapag nag lakad lang ako, parang isang village na kasi itong mansiyon nila.

"Wala pa dito si Fabian. " sabi ni Franco habang papasok kami sa loob.

"Hindi sa Fabian ang pinunta ko dito." tumaas ang isang kilay nito saakin. Tumikhim ako bago sumagot sakanya. "Gusto ko sanang makausap so Donya Asuncion. " napahinto ito dahil sa sinabi ko pero agad naman akong sinamahan papunta sa sa tingin ko ay study room.

Nang iwan ako ni Franco ay agad akong kumatok sa pinto at nang marinig ko ang boses sa loob ay agad kong binuksan ang pinto. Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil sa kung ano ang magiging resulta ng pag uusap namin ni Donya Asuncion. Ramdan at alam kong mababa ang tingin nito saakin.

I saw her writing something on a paper while wearing a glasses. Huminga ako nang malalim at matapang na humarap sakanya. Kahit anong maging resulta ng pag uusap namin ay hindi namin susukuan ang bahay namin.

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon