Chapter 17

595 19 0
                                    

Tonight is Marina's birthday, kahapon ay dinala ni Fabian ang birthday invitation para sa birthday nito. Sigurado ako na madami nanamang kilalang pamilya ang pupunta doon para makihalubilo o mag propose ng business sa mga El Salvador. Nasabi din saakin ni Fabian na dumating na daw ang iba nilang kamag-anak galing sa Manila.

"Nakapili ka na ba ng dadamitin mo?" napatingin ako kay mama na nakatayo sa pinto nang sabihin nya iyon. Ilang oras na akong nag hahanap ng dadamitin ko ay wala pa din akong mapili. Hindi naman ako pwedeng mag jeans dahil palaging formal party ang mga El Salvador.

Pumasok sa loob si mama at umupo sa kama ko habang may dalang isang paper bag ng isang sikat na clothing brand. It's a Jacquemus Saudade ruched mini dress, and it's color black. Napaawang ang labi ko sa laman noon. Lumapit saakin si mama at binigay saakin ang damit.

"Galing kay Fabian, yan daw yung suotin mo. " nanlaki ang mga mata ko nang sabihin nya iyon. Ngumiti ito saakin bago umalis para daw makapag bihis na ako. Ilang segundo pa akong nakatulala sa dress bago ko naisipang maligo na. Pag katapos kong maligo ay agad akong nag patuyo ng buhok at inayos ito, naka messy bun lang ang buhok ko pero mukhang maayos naman. Nag lagay din ako ng make up sa mukha ko.

Napatingin ako sa reflection ko sa salamin, the dress fits perfectly on my body. I wonder kung paano nalaman ni Fabian ang size ng katawan ko. Nang marinig ko ang busina ng sasakyan ay agad akong bumaba dala ang purse ko. Nag paalam ako kina mama na aalis na ako at agad akong lumabas sa gate ng bahay namin. Bumungad saakin ang driver ng mga El Salvador na pinag buksan ako ng pinto sa back seat.

"Hindi ka nasundo ni Fabian dahil anduon na ang mga pinsan at mga tito at tita nito, hija." ngumiti ako kay manong bago tumango. Alam ko naman na lagi silang busy kapag may ganitong okasyon kaya hindi na ako nag taka, tsaka mag kikita naman kami pag dating ko doon. Nang makarating kami sa harap ng malaking gate ng mga El Salvador. May naka engrave doon na Spanish Words: Timendi causa est nescire, that means Ignorance is the cause of fear.

Nang makapasok kami sa loob ng gate ay agad akong pinagbuksan ang driver at inalalayan ako sa pag baba. Napaawang ang labi ko nang makita ko kung gaano kaganda ang buong mansiyon. The whole place is covered with lights. May mga nakapila sa entrance ng mansiyon at pinapakita ang invitation nila. I saw Marina smiling while greeting her guest at the entrance, nasa gilid nito ang dalawa nitong kuya na sina Franci at Favio na nakasuot ng itim na tuxedo na may ngiti din sa labi.

Dalawang tao nalang ang agwat ko at malapit na ako makarating sa pwesto nina Marina. Napangiti ako nang makita ako ni Favio at kumaway saakin, may binulong ito kay Franco dahilan kung bakit napatingin din ito sa pwesto ko at tumango.

"You looks hot!" napangiti ako kay Favio nang sabihin nya iyon.

"Happy birthday, Marina." nakangiting sabi ko at inabot sakanya ang regalong dala ko. "Thank you, ate Titania. Pwede ko na po bang buksan?" naiilang akong tumingin sa likod at nakita ko na halos madami pa din ang papasok sa loob, pero mukhang wala lang iyon kay Marina dahil binuksan na nito ang regalo ko.

Nanlaki ang mga mata nina Franco nang makita iyon. Isang canvas painting lang iyon ng mukha ni Marina, humingi pa ako ng picture nito kay Fabian para maipinta ko. Tumayo si Marina at agad akong niyakap. Nilibot ko ang paningin ko sa buong venue at napahinto iyon sa isang lalaking nag lalakad papunta sa pwesto namin habang nakasuot ng itim na suit. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mag tama ang mga mata namin.

Bumitaw na sa yakap si Marina at binigay sa isang katulong ang regalo ko, sabay din ng pag dating ni Fabian sa pwesto namin. HUmalik ito sa pisngi ni Marina bago humalik sa pisngi ko.

"You looks stunning." bulong nito habang mag kalapit pa din ang mga mukha namin, naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa sinabi nito. Nauna kaming pumasok sa loob ni Fabian dahil mag e-entertain pa sila ng mga bisitang kakadating palang. Fabian intertwined our hands while walking inside their mansion, may mga nakasalubong pa kaming bumabati kay Fabian pero tanging ngiti at tango lang ang sagot nito. Huminto kami sa isang lamesa na puno ng mga inumin.

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon