Chapter 25

678 15 0
                                    

Kagaya nga ng sinabi ni Fabian ay pumunta nga ito sa bahay namin. Sabay kaming nag almusal dahil pag katapos ng trabaho nito sa rancho ay pumunta agad ito sa bahay namin.

"Mukhang mananalo ang lolo mo ngayong eleksyon. " sabi ko sakanya habang nag didilig ako ng halaman ni mama. Narandaman ko ang pagtapon nito ng ting saakin.

"Hmmm" sagot nito.

Hawak ko ang host na ginagamit ko sa pag dilig ng halaman. Humawak sa bewang ko si Fabian at kinuha saakin  ang host. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa nito. Napaawang ang labi ko nang itutok saakin ang host.

"Wag! Fabian! " Malakas kong sigaw nang buksan nito ang gripo at bumuhos sa katawan ko ang tubig mula sa gripo. Tumawa si Fabian dahil sa ginawa nito saakin. Kinuha ko ang isang baldeng puno ng tubig ay tabo at binuhos sakanya.

Nag simula ang gantihan namin ni Fabian sa pagbasa hanggang sat pareho na kaming basang-basa. I looked at Fabian and his hair are now messy. Lumapit ito saakin at kinuha ang tabo at tinapon iyon sa gilid. Hindi ko na nakita kung saan iyon napunta nang buhatin ako ni Fabian at nilagay sa balikat nito.

Ginawa ako nitong isang sakong bigas dahil sa paraan ng pag buhat nito saakin. I screamed when I felt him touch my butt. Namula ang mukha ko dahil doon, agad din naman nya iyong tinanggal doon. Binaba ako nito at pinulupot saakin  ang puti kong tuwalya.

Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa nito. He looked down at my breast before looking away. Napatingin ako sa basa kong damit at nang init ang mukha ko dahil bakat ang itim kong bra sa puti kong damit.

"Tsansing ka lang kaya mo ako binasa e. " pag bibiro ko sakanya. Bumaling ang ting nito saakin, ngumuso ito na mukhang pinipigilan ang ngitit

"I can do more than staring, Titania. " tumayo ang balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi nito. Agad kong pinulupot ang towel sa katawan ko. Agad akong tumalikod at nag simulang mag lakad palayo sakanya, I heard him laughed dahilan kung bakit mas lalong nang-init ang mukha ko.

Pag katapos kong mag palit ng damit ay dumiretso ako sa sala para tingnan kung anduon pa ba si Fabian, naabutan ko itong nanonood ng race.Nag lakad ako papunta sa sofa at tumabi dito. Napansin ni Fabian ang pag tabi ko sakanya kaya agad nitong pinulupot ang kamay sa bewang ko habang ang isang kamay nito ay wala sa sariling pinag lalaruan ang mga daliri ko. 

Sumali din saamin sina mama at papa manood ng race. May kanya-kanya silang boto kung sino ang mag t-top ngayon. Napatingin ako kay Fabian na seryosong nakatingin sa tv habang pinaglalaruan ang buhok ko. 

"Fabian anak, dito ka na kumain ng tanghalian." sabi ni mama na nasa kusina. Sa ilang buwan namin ni Fabian ay nasanay na si mama na tawaging anak si Fabian, maging si Fabian din ay nasanay na sa tawag sakanya ni mama. 

Nang dumating ang tanghalian ay agad sabay-sabay kaming kumain sa niluto ni mama na adobo. Nag presinta akong mag hugas pag katapos naming kumain habang si Fabian naman ay nakatanaw lang sa ginagawa ko habang nakaupo. Kumuha ito ng tubig at pag katapos nilagay sa lababo ang ginamit nitong baso at hinugasan ito. Paminsan-minsan ay hahawakan nito ang bewang ko. 

Nang dumating ang hapon ay naisipan naming pumunta sa burol dala ang mga painting materials ko. Hawak ni Fabian ang tote bag na may laman na mga canvas at ibang gamit sa pag pinta. Pumuwesto kami sa tutok ng burol. Nakaupo kami sa damuhan habang nasa kandungan namin ang canvas namin. Fabian told me that he wants to paint too kaya may canvas din itong dala. 

Nag simula akong mag pinta, pininta ko ang papalubog na araw at puno na madalas naming silungan kapag andito kami, maging ang mga bulaklak ay pininta ko na din. May inayos akong ibang parte sa painting bago ako tumingin kay Fabian na nakaharap na pala saakin. Ngumiti ako sakanya bago ilayo ang canvas mula sakanya. 

"Sabay tayo, okay?' sabi nito habang hawak patalikod ang canvas nito. Napag usapan namin na sabay naming ipapakita ang napinta namin. Ngumiti ako sakanya bago tumango. Nag bilang kami hanggang tatlo at sabay naming pinakita ang pininta namin. Napaawang ang labi ko nang makita ko kung ano ang pininta nito. Isa iyon silhouette painting, naghahalo ang kulay kahel at dilaw na kulay ng langit dahil sa pag lubog ng araw habang may nakatayong babae doon na nakasuot ng dress, nakalugay ang mahaba nitong buhok at mukhang hinahangin. 

"This is you!" he said. napangiti ako dahil sa sinabi nito, hindi ko maipa kakaila na magaling ding magpinta si Fabian. Nag palitan kami ng canvas at binigay namin ang aming canvas sa isa't isa. Watching the sun goes down becomes more memorable while watching it with Fabian.

Nang mga sumunod na araw ay mas naging busy si Fabian at ang pamilya nito, minsan nalang it tumawag saakin at kung mag t-text man ito ay good morning nalang. Kapag hindi pumupunta si Fabian ay nag babasa ako ng libro at nag hahanap ng magiging trabaho. Napag isipan ko na mag turo nalang ng pag pinta kaso mukha mayayamang tao lamang ang mag kakainteres doon. 

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon at niluwa si mama, may ngiti ito sa labi nito dahilan kung bakit kumunot ang noo ko. "May nag hihintay sayo sa labas." nakangiting sabi nito. Biglang bumilis ang puso ko at mukhang may ideya na ako kung sino iyon. Agad akong tumayo mulasa pag kakahiga ko at agad tumakbo pababa ng hagdan. Nakita ko si Fabian na nakangiti saakin. 

"Be careful, Titania!" bakas sa boses nito ang pag alala pero agad akong tumalon sa isang hakbang ng hagdan at agad akong nitong sinalubong. Agad kong pinulupot ang legs ko sa bewang nito. Binaon nito ang mukha sa buhok ko. Ngumiti ako nang binaba na ako nito, muntik ko nang makalimutan na pinapanood pala kami ni mama mula sa itaas ng hagdan. 

"Miss mo ako!" nakangiting sabi nito saakin. I nodded my head, there's no need to lie, halata naman sa reaction ko na namiss ko nga ito. "I missed you too!" halos isang linggo kasi kaming hindi nag kita dahil nag libot sila sakbilang bayan para mangampanya. 

"I have a surprise for you!" nakangiting sabi nito saakin. My heart jumped because of excitement. Nag paalam ito kay mama na pupunta muna kami sa burol at agad naman itong pumayag. Hindi na ako nag bihis dahil okay naman ang suot ko papunta ng burol. Nang makarating kami sa burol ay agad nitong hinawakan ang kamay ko at tumakbo papunta sa itaas ng burol. Tinakpan nito ang mata ko at inalalayan ako hanggang sa makarating kami sa pinaka tuktok. 

"Are you ready?" he whispered against my ear. I nodded my head eagerly. Naramdaman ko ang pag kalas nito sa pag kakatali ng panyo sa mata ko pero nanatili akong nakapikit hanggang sa narinig ko na pwede ko nang buksan ang mata ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang swing na nakakabit sa puno. Napatingin ako kay Fabian na nasa tabi ko. 

"Did you like it?" takang tanong nito saakin.Agad akong tumango at pumunta sa harap ng swing. Gawa iyon sa kahoy at mukhang matibay, nakasabit iyon sa matabang sanga ng kahoy. Agad akong umupo doon habang si Fabian naman ay pumunta sa likod ko at nag simulang iduyan. 

"Matibay ba 'to?" takang tanong ko habang nakatingin sa kung saan nakasabit ang magkabilang tali ng swing. Fabian's handsome face blocked the branch where I was staring.I stare at him up side down. 

"Matibay 'to parang tayo!" napaawang ang labi ko dahil sa sinabi nito. Kung hindi katulad ni Fabian ang magiging asawa ko ay huwag nalang. I only want him. Nasa harap ko na ito at naka squat para mag pantay kami, nakaupo pa din ako sa swing. Hinawakan nito ang kamay ko at dinala iyon sa labi nya at marahan iyon hinalikan. 

"Ilaw lang nag nag-iisang babaeng mamahalin ko ng ganito, Titania. Kung hindi ikaw ay huwag nalang." mahinang bulong nito saakin. I felt a hot liquid pooled on the side of my eyes because of what he said. 

"When the time comes, I will marry you." he whispered before crashing his lips to mine. I closed my eyes and hot tears rolled down to my cheeks. Those tears are tears of joy and excitement because in my whole existence, the only joy and excitement I felt is when my father bought me a painting materials but now it's very different because this kind of feeling doesn't need material things, I only need Fabian. 

Little did I know he lied to me.

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon