Chapter 34

766 18 1
                                    

"Titania is working as a teacher in their province. " napatingin saakin si Aprina nang sabihin iyon ni Favio. Ngumiti ako sakanya.

"Oh my God!  Really?!  How about your painting skills? " tanong nito. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti ng mapait dahil sa sinabi nito.

"I...didn't pursue it. " sagot ko. Nakita ko ang awa at pag tataka sa mga mata  nila nang sabihin ko iyon. Ngumiti ako sakanila bago iiwas ang tingin at tumingin nalang kay Meliza na inosenteng nakaupo sa tabi ko.

"Oh! Liviti is very great at painting now. Thanks so you! " nakangiting sabi ni Aprina.

Tumango ako sakanya. "How shout Tita Olivia and Tito Arthur? Kasama ba sila pumunta dito sa Manila? " tanong pa nito. Napaangat ako ng tingin sakanya. I should say that my papa is here in Manila because we buried him in one of the cemetery here but I don't want to see the pity on their eyes.

"Nasa Bagatao si mama at hindi na sumama." sagot ko.

"How about Tito Arthur? " tanong ni Marina.

Napaawang ang labi ko nang itanong nya iyon. Random ko na naghihintay din ang ibang kapatid nito sa isasagot ko. I gulped before answering. I felt a lump on my throat because of her question.

"My father died years ago. " natahimik sila sa sinabi ko. Nanatili akong nakayuko at hindi tinitingnan ang mga mata nila. Natatakot ako sa makikita ko doon, ilang taon na din naman iyon nangyari kaya sanay na ako sa mga magiging reaksiyon ng iba pero pag dating sakanila at pakiramdam ko napakahina ko.

"Condolence! " seryosong sabi ni Franco.

Ngumiti ako bago umangat ng tingin at ngumiti sakanila. I don't want to be weak infront of them.

"Kaya ba umalis kayo dahil kay Tito Arthur? " Favio asked.

"Y-yeah. Siguro naman kumalat sa probinsya noon  ang aksidenteng nangyari kay papa sa construction. " malamig na sabi ko sakanila.

Katahimikan ang namayani sa buong table namin nang sabihin ko iyon. Hindi ko naman pwedeng ikuwento sakanila ang buong nangyari dahil masasama doon  ang pag bili ni Donya Asuncion na bahay namin. Mabuti na wala silang alam.

"Excuse me! " sagot ko bago tumingin kay Meliza at nag paalam na pupunta lang ako sa CR. Habang nag lalakad papunta sa CR ay pinilit kong huwag manginig ang mga paa ko. Nang makarating ako sa banyo ay agad akong pumasok sa isang cubicle doon.

Huminga ako ng malalim bago lumabas sa cubicle at humarap sa salamin. Pinunasan ko ang kamay ko matapos mag hugas. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at niluwa si Fabian na seryosong nakatingin saakin. Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil sa paraan ng pag tingin nito saakin.

Nang magtama ang aming mga mata ay agad itong lumapit at tumapat saakin. Gulat akong napatingin sakanya habang nakasanday sang likod ko sa malamig na lababo.

Galit ang tanging nakikita ko sa mga mata nito. Kung nakakapatay ang mga tingin ng Fabian ay matagal na akong nakahandusay sa sahig.

"F-Fabian!" nauutal kong tawag sa pangalan nito. I saw his jaw clenched while looking at me.

"Why did you left me? " he said seriously. Napalunok ako dahil sa sinabi  ito. I cleared my throat. Ramdam ko ang lapit nito mula sa katawan ko. I touched his chest and push him away from me. Hindi man lang ito gumalaw.

Muli akong napalunok dahil doon. "Hindi mo ba naiintindihan ang tanong ko, Titania? " tumayo ang balahibo ko sa katawan nang sabihin nya ang pangalan ko. Ngayon ko lang ulit narinig na lumabas ang pangalan ko mula sa bibig nito.

"Did you leave me for money?! " he asked. Napatingin ako sakanya dahil sa tanong nito. Sinabi ba sakanya ni Donya Asuncion ang tungkol sa binigay nitong pera?

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon