Chapter 32

795 16 0
                                    

"Hindi ka ba talaga sasama saamin, mama la?" takang tanong ni Meliza kay mama habang hinihintay namin dumating ang tricycle na sasakyan namin papuntang terminal ng bus. Yumuko si mama at hinalikan ang noo nito, natutunang mahalin ni mama si Meliza kahit anak ito sa ibang babae ni papa. 

"Hindi e, walang mag babantay ng bahay natin dito," tumango ito bago yakapin si mama at halikan ang pisngi nito. Nang dumating ang tricycle na sasakyan namin ay muli akong yumakap kay mama habang sinasakay ng driver ang mga gamit namin sa tricycle.

"Mag iingat kayo sa Manila. Dalhan nyo ng bulaklak ang papa mo kapag pumunta kayo doon. " sabi nito. Tumango ako sakanya bago pumasok na sa loob. Kumaway ako dito bago umayos ng upo. Nang makarating kami sa terminal ng bus ay agad kaming pumasok sa bus na papunta sa Manila.

Napatingin ako kay Meliza kay ngayon ay nakatingin sa labas ng bintana ng bus habang kumakain. Hinaplos ko ang buhok nito bago tumingin sa harap ng bus. Ilang araw na din simula nang magkita muli kami ng mga El Salvador at lalong-lalo na ni Fabian. Sa mga nag daang araw ay hindi na sila muling bumisita sa school.

Hindi ko makalimutan ang reaksiyon ni Fabian nang sabihin ni Ma'am Grethel na may anak  na ako. Iniisip nya bang nagkaroon na ako ng asawa sa mga nag daang taon na magkahiwalay kami? 

Nawala doon  ang iniisip ko nang tumunog ang cellphone ko at bumungad saakin ang text message ni Ma'am Grethel.

Ma'am Grethel :

Pumunta dito sa school si Sir Fabian, hinahanap ka?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil  sa text message na iyon. Bakit naman ako hahanapin ni Fabian? Kita ko ang galit sa kaniyang mga mata nang mag kita kami sa school noong isang araw. Huminga ako ng malalim bago mag reply.

Ako:

Bakit daw?

Ma'am Grethel :

Aba'y malay ko. Ano bang meron sainyong dalawa?

"Mama, malapit na ba tayo? " nawala ang atensyon ko sa cellphone nang itanong iyon ni Meliza. Ngumiti ako sakanya.

"Malayo pa. Tulog ka na muna, pag gising mo anduon na tayo. " nakangiting ani ko sakanya. Hindi na muli akong nag reply kay Ma'am Grethel dahil wala naman akong matinong maisasagot at baka malito lang ito sa mga pangyayari.

Pinikit ako ang aking mga mata. Bukas na bukas ay makakarating na muli ako sa Manila at wala akong alam kung paano ko sisimulan ang magiging bakasyon namin doon. Makikituloy kami sa bagong apartment ni Ate Leah, nakahanap ito ng magandang trabaho kaya nakalipat ito sa mas maayos na apartment na malapit sa pinagta-trabahuan nya.

Kinaumagahan ay nakarating na kami sa Manila. Bakas sa mukha ni Meliza ang excitement dahil doon. Hawak ko sa right hand ko ang kamay ni Meliza habang sa kabila naman ay ang mga gamit namin. Napatingin ako kay Meliza na tahimik na sinusuri ang buong lugar habang suot ang maliit nitong backpack na Elsa.

Sumakay kami sa jeep papunta sa apartment ni Ate Leah. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa pag kamangha ni Meliza sa buong Manila. Nang makarating kami sa tapat ng apartment ay agad kaming pumasok sa loob.

"Ma, andito na po ba tayo? " inosenteng tanong nito habang nakatingin saakin. Ngumiti ako sakanya bago tumango at mag tanong ka mga tao doon  kung alam ba nila ang apartment ni Ate Leah.

Tinuro nila saamin kung nasaan iyon. Maayos ang buong lugar at malinis din. Nang nasa tapat na kami ng bahay pinto ay agad akong kumatok at hinintay na bumukas iyon.

Napaawang ang labi ko nang bumungad saakin ang isang nakahubad na lalaki. Napaawang ang labi ko nang makita ko iyon.

"Hubad ka! " natatawang sabi ni Meliza. Agad kong tinakpan ang mga mata nito at tumingin muli sa lalaking nasa harap ko.

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon