Chapter 24

583 17 0
                                    

"May motorcade daw ngayon ang mga El Salvador." napatingin ako kay Aling Maring nang sabihin nya iyon. Nasa plaza ako ngayon dahil bibili ako ng ulam namin mamayang tanghali.

"Ah ganun po ba!" sagot ko bago mag paalam na aalis na pag katapos kong bumili ng isda. Napatingin ako sa cellphone ko at nag hihintay ng text message saakin ni Fabian. Ilang araw na simula nang mag date kami, gaya ng sinabi nito ay mas naging busy sila ngayon na palapit na din ang botohan. Usap-usapan na din sa bahay kung sino ang bobotohin nila. 

Nang makarating ako sa bahay ay agad kong nilagay sa ref ang nabili kong isda. Pumunta ako sa sala at tiningnan muli kung may text o tawag na ba saakin si Fabian, huminga ako nang malalim nang makita kong wala pa din. Napatingin ako sa bintana namin nang marinig ko ang pag katok sa gate namin, agad akong lumabas para tingnan kung sino iyon. 

Bumungad saakin ang maamong mukha ni Ascella, ngumiti ito saakin. Hindi naman kami gaanong close kaya pinagtataka ko kung bakit ito nasa labas ng bahay namin.

"Gusto mo bang manood ng motorcade kasama ko? " bakas sa boses nito na nahihiya ito saakin. I pressed my lips together.

"Sige. " sagot ko sakanya bago bumalik sa loob  ng bahay para isara ang pinto. Pumunta kami sa plaza dahil dadaan daw doon  ang motorcade. Hawak ang soft drinks ay napatingin kami sa daan nang marinig namin ang malakas na tugtog mula sa sasakyan ng mga El Salvador. Maraming tao ang nag hihintay sa pag dating nila.

I looked at every car that passing us and searching for Fabian. Nang dumating na ang truck kung saan nakasakay si Don Miguel ay napunta doon ang atensyon ng lahat.

Nasa tabi nito si Donya Asuncion na pinapayungan ng dalawa nitong body guards. Nakahawak ang kamay nito sa kamay ni Don Miguel na kumakaway sa mga supporters nito. Kahit may edad na ito ay malakas pa naman ito.

Nilibot ko ang paningin ko sa truck at una kong nakita ang mga pinsan ni Fabian at ang apat na kapatid nito  suot nila ang t-shirt ng lolo nila. Nang hindi ko makita ng kasama nila si Fabian ay nilibot ko ang paningin ko sa pinaka likod na parte ng truck. Napaawang ang labi ko nang makita ko itong nasa pinaka dulo NH truck kasama si Makisa, hindi naman sila nag-iisa sa parte na iyon ni truck dahil kasama nila ang magulang ni Makisa.

May kirot akong naramdaman sa aking dibdib nang makita ko kung paano  ito hawakan ang bewang ni Makisa nang muntik na iyon ma-out of balance dahil sa humps na nadaanan ng truck. Narinig ko ang hiyawan ng ibang mga babae na nakakita sa ginawa ni Fabian.

Looking at our differences makes me pity myself. Makisa is the perfect match for him because her has everything a man can dream of. She's beautiful and she looks very smart, her skin is white as snow and lastly mayaman ito katulad ni Fabian.

Hanggang sa makalagpas ang truck nila sa pwesto namin at hindi tinanggal ni Fabian ang kamay nito sa bewang ni Makisa. I closed my eyes tightly before opening it again and walking away. Sabi ni Fabian ay wala akong dapat ipagselos kay Makisa. Naramdaman ko ang pag sunod saakin  ni Ascella.

"Okay ka lang ba, Titania? Napasama ba ang tiyan mo sa binili kong pritong manok sa plaza kanina? " napatingin ako kay Ascella nang itanong nya iyon. Ngumiti ako sakanya bago umiling, kanina kasi at halos tanghali na nang dumaan ang truck ng mga El Salvador kaya bumili si Ascella ng pritong manok na tig lilimang piso sa plaza para hindi kami magutom.

"Hindi noh!  Nabusog nga ako. " sagot ko sakanya, ngumiti ito saakin. Habang nag lalakad kami sa gitna ng initan, napatingin ito sa palayan. Walang tao doon dahil mukhang nag tanghalian sila.

"Gusto mo bang mag tanghalian sa bahay namin? " I asked Ascella. Nanlaki ang mga mata nito at sunod-sunod na umiling. Anak ito ng trabahador sa bukid ng mga El Salvador.

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon