Chapter 8

648 20 0
                                    

"Sabi ko naman sayo diba may klase pa ako kay Liviti. " seryosong sabi ko kay Fabian. Nakasakay ako ngayon sa kotse nya habang papunta kami sa talon nila. Tumingin ito saakin at ngumiti bago ibalik ang tingin sa daan.

Ilang araw matapos ng nangyari sa field party ay hindi na muli namin nakita ang lalaki, hindi na din namin sya napag-usapan ni Fabian.

"Franco and Favio wants you to come." sabi nito. May outing kasi ngayon ang mga kaibigan nina Favio at Franco at niyaya naman ako ni Fabian na pumunta.

"Ikaw lang naman ang may gusto na pumunta ako. " sagot ko sakanya.  I heard his low chuckled. Nanatili akong nakaupo habang nasa byahe kami. Hindi naman sobrang kayo ng talon, ito din ang talon sa pinuntahan namin noon.

Nang makarating kami ay agad akong bumaba sa kotse nito. Isang resort ang harap ng falls at kailangan mo pang mag hike para makapunta sa talon, pero yung dinaanan namin ay short cut doon. Pumasok kami sa loob ng resort at hinanap ang cottage kung nasaan sina Favio.

May halos anim na tao doon sa cottage at kasama na doon sina Favio at Franco. Ngumiti ako sakanila bago umupo sa bakanteng upuan doon.

"Hi, Titania " napatingin ako kay Fare nang batiin nya ako. She's wearing a yellow knitted cover up and under it is a color white metal ring two piece swimsuit. Ngumiti ako sakanya bago tumango. All of Fabian's circle of friends, Fare is the only one who's friendly to me. Tumingin ito mula ulo hanggang paa ko.

"You must wear swimsuit under that dress of yours?" napawang ang labi ko sa sinabi nito. Napatingin ako sa ibang kasama namin sa cottage at lahat din sila ay nakatingin saamin...saakin. Napunta ang mata ko kay Fabian na nakatingin din sa dress na suot ko, agad akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Bumalik ang tingin ko kay Fare, ngumiti ako sakanya bago tumango.

She patted my head before smiling at me. "Great! Punta na tayo sa Nagsipit falls habang hindi pa masyadong mainit, para na din makaligo pa tayo pag balik natin sa pool." yaya ni Fare. Pumunta sa pwesto ko si Fabian at kinuha ang dala kong bag na may laman ng pamalit. Nauna akong mag lakad sakanya, habang nasa unahan ko ang ibang kaibigan nina Favio. 

Nang makarating kami sa falls ay agad nagsihubad ang mga kaibigan nito at agad na lumusong sa tubig. Napangiti ako nang sabuyan ako ng tubig ni Fare, she always know how to make the environment fun. 

"Titania! Halika na. Malamig yung tubig!" sigaw nito saakin. Wala na ang suot nitong cover up at tanging swimsuit nalang ang suot nito. 

Umupo ako sa isang malaking bato doon, habang nasa gilid ko ang mga gamit nila. Nag dadalawang isip pa din ako kung maliligo ba ako o hindi, dahil kung maliligo ako ay kailangan kong hubadin ang dress na suot ko ngayon.

"Maliligo ka ba?" napatingin ako sa isa sa mga kaibigan nina Favio na si Garrett. He has tanned perfect tanned skin, he's a typical country side boy. He's topless while beads of water falls down from hair down to his neck. Bumalik ang tingin ko sa mukha nito bago sumagot.

"Hindi pa ako sigurado." sagot ko. Kumunot ang noo nito. My lips parted as he took my hand pulled me upright from sitting on the rock. He smiled foolishly at me before taking the bag I was holding. Hinila ako nito papunta sa malapit na parte kung saan naabotang tubig ng falls. 

"Let's swim, Titania. Don't be KJ." natatawang sabi nito. Ngumiti ako sakanya bago tumango at hinubad ang suot kong button puff sleeves dress. Isa-isa kong tinggal ang butones noon at nilagay ang dress sa malaking bato na anduon. I looked back at Garret who was staring at my body. I was wearing a wine red two piece. 

"You looked stunned, Garrett" sigaw ng isang kaibigan nilang lalaki. Nahihiyang tumingin saakin si Garrett bago kamutin ang likod ng leeg nito. Sabay kaming lumusong sa tubig. Niyakap ko ang sarili ko nang maramdaman ko ang malamig na tubig ng talon. Hanggang dibdib ko lang naman ang tubig ng talon at marunong naman akong lumangoy.

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon