Chapter 31

769 18 0
                                    

5 years later...

"Meliza, simabi ko na saiyo na huwag kang lalapit sa dagat dahil malakas ang akin ngayon. " saway ko sa isang batang babae na ngayon ay nakangiti na saakin. Tumakbo ito palapit sa pwesto ko at niyakap ang bewang ko. Ngumuso ito.

"Nag p-play lang ako sa sand, mama. Hindi naman ako s-swimming e. " nakangusong sabi nito habang yakap pa din ang bewang ko. Umiling-iling ako sakanya bago buhatin ito at halikan ang pisngi nito.

"Nag papalusot ka pa, may nakakita daw sayo na nag tatampisaw sa tubig. " nanlaki ang mga mata nito dahil sa sinabi ko. Pinidol ko ang maliit nitong ilong dahilan kung bakit nyo natawa.

"Kunin mo na ang bucket mo at uuwi na tayo. " sabi ko sakanya bago hawakan ang kamay nito. Bago umuwi ay dumaan muna kami sa palengke para bumili ng panghapunan mamaya.

"Ma, kailan ko po makikita si papa? " napahinto ako dahil sa tanong nito. Limang taon na din simula nang malaman kong nakabuntis si papa ng ibang babae. Nang makarating kami dito sa Bagatao ay ilang buwan ay may dumating na babae sa harap ng gate namin at may dalang sanggol. Nang sabihan nitong sya ang babaeng nabuntis ni mama ay napatingin kami sa sanggol na dala nito.

Iniwan nito saamin si Meliza dahil may sakit ito at iniwan sila ng magulang ng babae dala ang pera na binigay ni papa. Ayaw ni Meliz na mag pagamot dahil masasayang lang daw ang pera. Nang nalaman nitong patay na si papa ay umiyak ito dahil naguilty ito dahil nadamay pa ang pamilya namin sa kawalangyaan ng magulang nito.

Nanatili si Meliz nang ilang araw sa bahay namin, ngunit sang araw ay nawala nalang ito na parang bula at wala na kaming balita sakanya. Simula noon ay kami na ang naging magulang ni Meliza at ako na din ang tinuring nitong ina.

Nang unang beses kong hinawakan si Meliza ay nanlumo ako dahil parang naramdaman ko ang pakiramdam ng pagkakaroon ng isang anak, kaya ako na mismo ang nag palaki dito hanggang sa tinuring ko na syang totoong anak, maybe I'm still feeling guilty and sad about what happened to my unborn child na hanggang ngayon ay hindi pa din nalalaman ni mama. Huminga ako nang malalim bago ibalik ang tingin kay Meliza, mahaba at unat ang itim na itim nitong buhok habang nakuha nito ang mata kay papa na maging ako ay nakuha ko din. Hinaplos ko ang buhok nito habang nag lalakad kami, noong tatlong taon si Meliza ay in-explain ko na sakanya na wala si papa dahil nasa malayo ito, nang mag apat syang taon ay naintidihan nya na hindi ko talaga sya anak. 

Iyak ito nang iyak nang malaman nya iyon pero mabuti nalang at hindi ito nag tampo at mas nalinawan nang sabihin kong mama nya pa rin ako kasi saakin sya binigay ng totoo nyang mama. Habang bata pa ito ay hindi namin tinago ang totoo sakanya dahil baka magrebelde ito kapag lumaki na. Nang makarating kami sa bahay ay agad itong tumakbo papunta kay mama at niyakap ito. 

"Naglaro ka nanaman daw sa dagat, Meliza." nanlaki ulit ang mga mata nito habang nakatingin kay mama. Ngumuso ito bago tumango, hinalikan ni mama ang noo nito bago yayaiin na mag linis ng katawan. Pumunta ako sa kusina at nag luto ng hapunan namin. sabay-sabay ulit kaming nag hapunanng tatlo. Sa mga lumipas na taon ay nakuntento ako kasama silang dalawa, wala na din akong balita sa mga El Salvaodr, ang huling balita ko ay noong tatlong buwan palang kami dito sa Bagatao Island ay tumawag saakin si Ate Leah para mangamusta sakanya ko din nalaman na may kumalat na picture nina Fabian at Makisa na magkasama sa bar, may kirot akong naramdaman dahil doon pero wala naman akong magagawa dahil ako ang nang iwan. 

"Mama, may ipon ka na ba?" napatingin ako kay Meliza nang itanong nya iyon. Nakahiga na kami sa kama at pinapatulog ko na ito ngayon. Ngumiti ako sakanya. "Kaunti nalang, anak, makikita mo na si papa." nakangiting sabi ko sakanya. Sumilay ang ngiti sa labi nito bago tumango at haliakn ang aking pisngi. Hinintay kong makatulog nang tuluyan si Meliza bago ako lumabas ng kwarto namin at puntahan si mama sa sala. Umupo ako sa tabi nito at agad naman itong napatingin saakin. 

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon