Chapter 33

763 16 1
                                    

Nanatili kami sa apartment ni Ate Leah habang andito pa kami sa Manila. Mukhang hindi naman naging mas masayahin si Meliza nang makita nito ang puntod ni papa.

Nasa sala si Meliza at nakikipaglaro kay Andre na sinusundo si Ate Leah. Pumasok sa kusina si Ate Leah habang dala ang isang folder at ang bag nito. Ngumiti ito saakin bago ilapag ang folder na dala sa lamesa at uminom ng malamig na tubig sa ref.

"Andyan na sa Andre. " nakangiting sabi ko sakanya. Ngumiti ito saamin bago tumango.

"Yeah,  may meeting kami ngayon at secretary nya ako. May kailangan pa akong ipasang folder sa boss ko. " pagod na sabi nito.

"Babe! " narinig kong tawag ni Andre kay Ate Leah. Ngumiti saakin si Ate Leah bago pumunta sa lababo at ilapag ang baso at agad tumakbo palabas ng kusina. Napangiti ako dahil doon. Hindi lang talaga showy si Ate Leah pero mahal naman nito si Andre and they both deserve each other.

And I'm happy for Ate Leah because she found someone who will be with her.

Nag huhugas na ako ng pinagkainan ko nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Pinunasan ko ang kamay ko at agad sinagot ang tawag mula kay Ate Leah.

"Titania! " hinihingal na sabi nito. Kumunot ang noo ko dahil sa boses nito.

"Bakit, ate? " takang tanong ko.

"Pwede bang idala mo sa office ang folder na naiwan ko sa lamesa sa kusina. Kailangan kasi yan ngayon. Pwede mo naman dalhin si Meliza kasi sa labas ko kayo hihintayin. I really need that right now, Titania. " Bakas sa boses nito ang pagsusumamo.

"Sige, Ate. Text mo nalang saakin ang location ng trabaho mo. " sagot ko bago ibaba ang tawag. Habang hinihintay ang text ni Ate Leah ay binihisan ko na si Meliza at ako.

Pag dating namin sa harap ng kompanya kung saan nag t-trabaho si Ate Leah ay anduon na sya naghihintay sa gilid ng glass na entrance ng building. Agad akong lumapit sa pwesto nito habang hawak ang kamay ni Meliza na suot ang Frozen nitong backpack. 

"Thank you talaga, Titania. Mabuti nalang at hindi ka busy." nakangiting sabi nito saakin. Ngumiti ako sakanya at inabot ang folder na may laman na mga papeles. 

"Kung gusto nyo ay pwede naman kayong kumain sa isang cafe dyan sa kabilang kalsada, masarap ang cake dyan baka magustuhan ni Meliza. " ngumiti ako sakanya bago tingnan kung nasaan si Meliza. Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar hanggang sa makita ko si Meliza na anduon na kung saan kami binaba ng taxi at may pinulot doon. 

Tatawagin ko na sana ito nang makita ko ang isang itim na kotse na papalapit kung nasaan ito nakatayo. Nanlamig ang buong katawan ko nang makita kong hindi gumagalaw si Meliza sa kinatatayuan nito. Bumalik sa alaala ko noong nasa ospital si papa at ang huling ngiti nito, at ang mga panahon na nasa clinic ako kasama si Aling Maring, lahat iyon ay sabay-sabay na bumalik saakin habang nakatingin ako kay Meliza.

"Meliza!" tawag ko sakanya. Napatingin ito saakin habang may ngiti s alabi at hawak ang binili kong olaf na keychain kahapon para sakanya. Agad akong tumakbo sa pwesto nito at hinila ito paalis sa dadaanan ng itim na kotse. Yumuko ako at tiningnan kong okay lang ito. Ngumiti ito saakin dahilan kung bakit napangiti din ako. 

"Mama, nahulog po yung keychain ko." sabi nito habang tinaas ang keychain na hawak nya. Hindi maiwasang hindi mangilid ng luha ko dahil sa ngiti nito. Ngumiti ako sakanya at hinalikan ang noo nito. Nawala ang luha sa mga mata ko nang makita ko ang itim na sapatos na huminto sa tapat namin. Dahan-dahan kong inangat ang paningin ko hanggang sa magtama ang mga mata namin. 

Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kulay kayumanggi nitong mga mata, nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa batang yakap ko. Dahil sa kaba ay agad akong napatayo at nilagay si Meliza sa likod ko habang hawak pa din ang kamay nito. 

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon