Chapter 10

722 17 0
                                    

Ngayon araw ay may klase ulit ako kay Liviti. Nag painting ulit kami ngayon,  napapansin ko na gumagaling na ito sa pag paint. Ilang ulit nalang na lesson ay makakaya nya nang mag pinta mag-isa. Pag katapos ng pag tutor ko kay Liviti ay agad akong pumunta sa kuwadra ng mga kabayo dahil nag text saakin si Fabian na anduon daw sya.

Pag karating ko doon  ay naabutan ko itong hinihimas si Poncho. Lumapit ako sa pwesto nito at umupo sa isang kahoy na upuan doon.

"Saan ka pupunta? " I asked him. Tumingin ito sa pwesto ko. "I'm gonna practice Poncho for the equesterain tomorrow. " he said.

All the El Salvador siblings knows how to ride a horse and they are all joining equestrian. I think it's their hobby being this rich. Tumayo ako at hinaplos din si Poncho.

"Really? "

"You want to come with me? " he asked me and I immediately nodded my head.  Binigyan ako nito ng isang puting kabayo, ito ang madalas kong gamitin kapag andito ako sakanila. It's a Stallion like Poncho but Pola is color white while Poncho is color black. 

We  both start riding the horse. Sa likod kami dumaan, dahil kung sa highway ay agad pansin kami. The road we are talking is like a forest path.  Papunta kami ngayon sa burol kung saan nag p-practice si Fabian. Nang makarating kami doon ay pinahinto ko si Pola. I rubbed Pola's back. Bumaba ako dito at tinali ito sa isang malaking puno doon. Napatingin ako kay Fabian na pinapatakbo pa din si Poncho. He's wearing a black long sleeves moisture wicking shirt, ventilated riding helmet,and black breeches. 

Umupo ito sa tabi ko habang nakatali na din sa isang puno si Poncho. He has bead of sweat on his forehead. "Kailan ang laban nyo?" I asked him. He looked at me after drinking water. "Tomorrow ." sagot nito. "Sino kalaban nyo?" I asked him again. "The Lopez." Lopez is also known here in our province but they don't really stay here that much, but the older son of the Lopez is the one Fabian is always competing with. 

"But they said they have new player for their family." sunod na sabi nito. "How about your other siblings?" tanong ko. Every year ay may ganito talagang laban ang mga kilalang pamilya dito sa probinsya namin and the price is also big and I don't know where they used that. 

"Lopez' youngest son will be Favio's opponent, while Franco will be up against the Rodriguez' second son. I don't think Marina will join this year." tumango ako sa sinabi nito. Nang maisipan na naming umuwi ay sakay ulit kami ng kabayo.

***

Ngayon ang araw ng laban nina Fabian. Nag paalam ako kanina kay mama na manonood ako. Sa isang outdoor riding arena gaganapin ang laban. Hindi ko maiwasang hindi kabahan kapag naiisip ko na baka maaksidente si Fabian o ang ibang players. Nang makarating ako sa arena ay may mga bleachers na nakapalibot doon, mabuti nalang at nakatago ang araw at hindi masyadong mainit ngayon. 

"Titania, you're here!" nakangiting sabi ni Fare nang makita ako nito. Kasama nito ang ibang kaibigan nina Franco at Favio, ngumiti sila saakin at ganun din naman ang ginawa ko. Niyaya nila akong umupo sa pinakaunahan row ng mga bleachers kung saan nasa harap namin ang mga manlalaro.

"Sasali ngayong taon si Garrett sa equestrian, you're going to support him, right? By the way, how was your date pala?" sunod-sunod na tanong ni Fare. Hindi nasabi saakin ni Fabian na sasali pala si Garrett, ang madalas lang kasi nilang kalaban ay ang mga Lopez at ang mga Rodriguez na maga may impluwensya din sa bayan namin. 

Bumalik ang tingin ko kay Fare bago ngumiti. "Susuportahan ko si Garrett katulad ng pag suporta ko kay Fabian." nakangiting sagot ko bago igala ang tingin sa buong arena. Hindi ko pa din makita ang mag kakapatid na El Salvador.

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon