Chapter 19

630 19 0
                                    

We're now finally official. Hindi pa din ako makapaniwala na magiging boyfriend ko sya. It feels like a dream come true. Napatingin ako sa nakasarado kong bintana nang makita kong pumasok ang ibang siang ng araw doon. I stretch my body before cleaning my room. May klase ulit ako ngayong umaga kay Liviti, malapit na din naman kasing matapos ang mag tu-tutor ko sakanya dahil mag b-ballet lesson naman daw ito dahil iyon ang gusto ni Donya Asuncion. 

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay agad akong bumaba sa kusina para kumain ng almusal. Naabutan ko sina mama at papa na nag sisimula nang kumain. Hindi pa namin napag-uusapan ni Fabian kung kailan namin sasabihin kina mama pero may plano naman kaming sabihin. Umupo ako sa upuan kaharap ni mama habanag nasa kabisera naman si papa. 

"Kamusta ang party kagabi? Hinatid ka ba ni Fabian pauwi?' tanong ni mama habang sumasandok ako ng fried rice. Pumasok nanaman sa isip ko ang nangyari kagabi sa talon. Pinagdikit ko ang kabi ko para maiwasang lumabas ang ngiti sa labi ko. Tumikhim ako bago ibuka ang bibig para sumagot. 

"Opo, hinatid nya po ako kagabi." sagot ko at nag simula nang kumain. Mabuti nalang at hindi na ulit ako tinanong ni mama kung ano ang nangyari kagabi. Nang matapos kaming kumain ay nag paalam na din ako na aalis na. Habang nag lalakad ako papunta sa mansiyon ng mga El Salvador ay napatingin ako sa likod ko nang may marinig akong bumusina sa likod ko. I saw a white Mercedes benz c-class c180 cabriolet, huminto ito sa gilid at bumaba ang bintana nito. I peeked inside the car and I saw Garrett smiling widely while wearing a sunglasses. 

"Hey, Titania! Long time no see!" nakangiting sabi nito habang nag lalakad sa pwesto ko. Ngumiti ako sakanya bago tumango. "Hindi kita nakita sa party ni Marina kagabi, hindi ka ba pumunta?" tanong nito. "Pumunta ako, kasama ko si Fabian at ang ibang pinsan nito." hindi ko na sinabi kung saan kami pumunta dahil baka makaabot kay Donya Asuncion kung saan tumatago ang mga apo nito. 

Tanging tango lang ang sagot nito saakin. "Papunta ka na ba sa mga El Salvador?" tanong nito at tumango ako sakanya bilang sagot. "Hatid na kita." sabi nito. Tatanggi na sana ako nang hawakan nito ang kamay ko at pag buksan ako ng pinto ng kotse nito. Nang makapasok na ito sa sasakyan nito ay may pinindot ito at bumukas ang bubong ng kotse nito. He smiled at me before starting the engine. Habang nasa byahe kami ay nakatingin lang ako sa mga puno na dinadaanan namin. 

Nang makarating kami sa tapat ng malaking gate ng mga El Salvador ay agad akong bumaba. "Salamat sa pag hatid,Garrett." nakangiting sabi ko sakanya. Ngumiti ito saakin. "I'll walk you inside, may sasabihin din ako kay Fabian." sagot nito. Side by side we walked inside the gate. Pinapasok kami ng isang maid doon papunta sa garden dahila anduon daw sina Fabian. 

I saw Fabian wearing a simple black shirt while laughing with Liviti. Nang umangat ang tingin nito saakin ay mas lumawak ang ngiti nito sa labi. Tumayo ito at yayakapin sana ako nang marinig nito ang boses ni Garrett sa likod ko. Sinalubong ito ni Garrett at ito na mismo ay yumakap kay Fabian. Nakita ko ang pagawang ng labi nito Fabians dahil sa pagyakap ni Garrett. Pinigilan ko ang pag tawa ko dahil doon. 

Iniwan ko sila ni Garrett na mag kausap at nag lakad papunta sa pwesto ni Liviti. Nilabas ko na ang mga pang pinta ko at nag simula na kaming mag pinta. "I saw the gift you gave to Tita Marina and it's really amazing po. I want to create artwork like that." she said while we're painting. 

I smiled. 

"You can make that too. You just need to practice a lot and never give up." I said while looking at her. The whole El Salvador are very beautiful and handsome. Napatingin ako kay Fabian na kausap pa din si Garrett, hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero nakangiti silang dalawa habang nag-uusap. Nagtama ang tingin namin ni Fabisn at palihim itong kumindat saakin nang nakatalikod si Garrett at may kausap sa cellphone nito. Namula naman ang mukha ko dahil doon. 

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon