Chapter 40

873 22 0
                                    

Napatayo ako mula sa pag kakaupo sa kama ni Meliza at agad tumakbo papunta sa banyo para mag suka. Agad akong nag mumog at lumabas ng banyo. Bumungad saakin si Meliza na nag aalalang nakatingin saakin.

"Mama, may sakit ka ba? " nag aalalang tanong nito. Ngumiti ako sakanya bago umiling. Binibihisan ko ito dahil ngayon ang araw ng birthday nito. She's wearing a pink dress na hanggang sa ibaba ng tuhod nito.

"Mama, sure ka ba na wala kang sakit?  Pwede naman tayo mag stay dito. " sagot nito. Yumuko ako para mag pantay ang mga mata namin.

"Wala akong sakit, Meliza. Kaya ako nag suka kasi may baby na tummy ko. " nanlaki ang mga mata nito dahil sa sinabi ko sakanya.

"Really? Mag kakaroon na po ako ng kapatid!? " gulat na tanong nito. I smiled at her before nodding my head.

"Pero wag mo munang sasabihin kay papa Fabian mo okay kasi secret lang natin iyon. Isu-surprise natin sya mamaya. " I whispered. She nodded her head eagerly.

Bumukas ang pinto at linuwa si Fabian. He's wearing a grey suit with a white dress shirt. Lumapit ito sa pwesto namin ni Meliza at binigyan kami ng halik sa noo.

"Happy Birthday, Mely! " he greeted Meliza. Ngumiti si Meliza sakanya bago yakapin ito. Hindi ko maiwasang hindi maging masaya nang makita ko silang close.

Inabot ni Fabian ang isang maliit na box kay Meliza. "Open it! " he said. Agad binuksan ni Meliza ang box at isang kwintas ang laman noon. The necklace has a pendant of a minimal butterfly. Tumalikod si Meliza para maisuot iyon ni Fabian sakanya.

Sabay-sabag kaming lumabas ng kwarto ni Meliza at sumakay sa motor ni Fabian. Papunta sa kami ngayon sa burol. Malapit na din lumubog ang araw. Nang makarating kami doon ay anduon na ang ibang bisita. Humalik ako sa pisngi ni mama na kakarating lang kaninang umaga.

Nag simula ang party. Masayang-masaya si Meliza dahil sa regalong natatanggap nito. Nakita ko si Marina na papalapit sa pwesto ko. She's wearing red bodycon dress.

"Are you ready? " nakangiting tanong nito saakin. Ngumiti ako sakanya bago tumango. Tumingin ako sa pwesto ni Fabian na kausap ang mga kasosyo nila sa negosyo. Napatingin ito saakin at bahagyang ngumiti.

Hawak ni Marina ang kamay ko habang pataas kami ng stage. Busy ang mga bisita sa pagkain at pakikipag kamustahan sa mga kilala. Humalik ako sa pisngi ni Meliza.

Hinawakan ni Marina ang microphone dahilan kung bakit napatingin sakanya ang mga bisita.

"Good evening! " she said softly. Hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil sa ganda ng boses ni Marina na microphone. Ngumiti ito sa mga bisita.

"My Ate Titania has something to announce for all of you and especially for my kuya Fabian. Kuya, makinig ka ng mabuti. " natatawang sabi ni Marina. Lumapit ako sa microhpne. Ngumiti ako kay Marina na pababa na ng hagdan. I looked at Fabian's direction. He's now standing infront of the mini stage where I am standing now.

He looks really handsome. I cleared my throat before opening my mouth. My hands are shaking because rod nervousness. This is my first time standing in a stage full of many people and some of them are Fabian's colleagues.

"Good evening. I know this is our daughter's birthday party but I just want to announce something. " tahimik ang lahat ng tao na sa tingin ko ay nag hihintay ng idudugtong ko.

I gulped.

Bumaba ako sa stage at agad pumunta sa pwesto ni Fabian. He smiled while looking at me. He looked at me like I'm the most beautiful woman he have ever seen. Tears are pouring in the side of my eyes.

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon