Chapter 6

690 18 0
                                    

May klase ulit kaming dalawa ngayon ni Liviti. Dalawang araw matapos ang fiesta ay hindi pa din kami nag kakausap ni Fabian. Ewan ko ba? Hindi pa din ako Naka move on ka ginawa nito sa libro ko.

Umupo ako sa lamesa para mag almusal bago umalis. Pinapanalangin ko nalang na sana marami ang gagawin ni Fabian sa rancho nila nang hindi ko ito makita.

Nilapag ni mama ang bagong luto nitong sinangag at hotdog. Nag simula akong mag sandok ng kanin.

"Titania, mag kaaway pa din na kayo ni Fabian? " napahinto ako sa pag sandok at tumingin sakanya. Bakas sa mukha nito ang pag tatanong kaya tumango ako. Siguro nasabi ni Fabian ang nangyari sa libro ko o baka nakita nito ang sirang libro ko na ngayon ay hindi ko na makita sa bahay.

"Titania, matagal na kayong mag kaibigan ni Fabian. Alam nya na ang pag kagusto mo sa libro at sa tingin ko ay hindi nya sinasadyang mapunit and libro mo. Pareho naman kayong may kasalanan dahil nag agawan kayo ng libro kaysa na may isa sainyong bumitaw. " I pressed my lips together and nodded my head at her. I smiled before continuing my breakfast.

Habang nag lalakad ako papunta sa mansyon ng mga El Salvador ay tumatakbo pa din sa isip ko ang sinabi ni mama. Yeah, we are both at fault. Napakataas and pride ko na aminin iyon sa sarili ko.

Nang makarating ako sa malaking gate ng mansion ng El Salvador ay agad akong pinapasok ng guard at dumiretso ako sa garden area nila. Naabutan ko si Donya Asuncion na kasama ang mga katulong nito.

Nag tama ang mga mata namin at ngumiti ako ng bahagya. Huminto ito sa tapat ko at napahinto din ako.

"Magandang umaga, Donya Asuncion. " I smiled at her. She raised her eyebrows at me.

"Hindi ko alam kung ano ang nakain ng apo ko sa bahay nyo at lagi itong galit simula noong fiesta. " I remained the smile on my face while looking at her even though there's question running to my mind.

"Leche flan po! " nakangiting sabi ko. I prevented myself to sound sarcastic. She raised her eyebrows at me before walking pass me. Ngumiti ako muli dito at kinaway ang isang kamay sakanya.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang malagpasan ko ang isang Donya Asuncion. Umupo ako sa upuan kung saan lagi kaming nag pipinta ni Liviti at hinintay itong dumating. Hindi din naman nag tagal ay dumating na ito dala ang painting materials nito.

Nang matapos ang meeting namin ni Liviti at nag paalam na ito na aalis na habang ako naman ay dumiresto naman ako sa rancho ng mga El Salvador para puntahan si Fabian ay para mag kausap ni kami.

Nang makarating ako ay hindi ko makita si Fabian kaya lumapit ako kay Mang Ben  na isang trabahador doon.

"Mang Ben, nakita nyo po ba si Fabian? " tanong ko dito. Umiling-iling ito bago ibuka ang bibig. " Nautusan si Fabian na pumunta sa bukid para tingnan ang  mga bagong aning palay. " tumango ako sa sinabi nito at nag paalam na aalis na.

Palabas na ako  ng gate ng mga El Salvador nang may bumusina sa likod ko at bumungad saakin ang kulay itim na Mercedes g wagon ni Favio. Binaba nito ang bintana ng kotse nito at tumingin saakin.

He's wweaing a black wayfarer while looking at me. Ito ay ang pangatlo sa anak nina Sir Miguel at Ma'am Liza. Ngumiti ako sakanya. Tinaas nito sa ibabaw ng ulo nito ang salamin at ngumiti saakin.

"Need a ride? " he asked. Gaya ni Fabian ay brown din ang kulay ng mga mata nito at matangos ang ilong. Ngumiti ako sakanya bago umiling-iling.

"Pupuntahan ko lang si Fabian sa bukid. " sagot ko sakanya. Lumabas ito sa kotse nya at pumunta sa harap ko.

"That's great!  Papunta din ako doon. Mag hahatid ako ng mga pag kain para sa mga mag sasaka. " nakangjtonv sabi nito. Tumango ako sakanya bago sumakay sa kotse nito. Hindi naman ganun kalayo ang bukirin, pwede mo naman lakarin o tricycle.

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon