Chapter 36

901 23 0
                                    

"Minsan lang naman tayo magsama kaya sulitin na natin. " nakangiting sabi ni Mari habang nakasakay ako sa motor nito. May kalakihan ang motor nito kaya mahirap akyatin kanina. Wala akong nagawa nang sunduin ako nito sa bahay para uminom.

Mabuti nalang at pumayag si mama ay sya pa ang pumilit saakin na sumama. Nang makarating kami sa bahay ni Mari agad akong bumaba sa motor nito. Gawa sa kahoy ang bakuran nila habang semento naman ang dingding ng bahay nila. May mga tanim din sa paligid. Pumasok kami sa isang kubo at anduon daw ang kami iinom. Pag dating namin doon ay anduon na ang ibang mga kasama namin sa charity program kanina at si Fabian.

Nang magtama ang mga mata namin ay agad kong iniwas ang tingin ko dahil bumalik sa alaala ko ang paghalik nito kay Cindy kanina. Hindi ko maiwasang hindi mag selos dahil mahal ko pa din ito.

Umupo kami sa upuan na gawa sa kahoy. Nasa tapat ko ito habang nakadikit nanaman sakanya si Cindy. Inabutan ako ni Mari ng baso ng alak
Agad ko iyon nilagay sa buong ko at ininom iyon.

"Mabuti at pinayagan ka ng mama mo na sumama saamin, Titania. " napaangat ako ng tingin nang marinig ko iyon. Ngumiti ako kay Cindy nang sinabi nya iyon.

"Hindi ka kasi lumalabas pwera nalang kapag mamalengke ka kasama ng anak mo o pupunta ka sa eskwelahan." sabi pa nito.

"Hindi naman mahigpit si mama, ako lang talaga ang ayaw lumabas dahil wala naman akong gagawin kapag madalas akong lumabas. " sagot ko sakanya. Napaawang ang labi nito bago dahan-dahan na tumango.

"Hindi ko talaga magets kung bakit may mga taong mas gusto sa loob ng bahay kaysa lumabas. Ikaw ba Fabian? Gusto mo sa labas o sa loob? " napatingin ako kay Fabian nang isali sya ni Cindy sa usapan.

Ininom muna ni Fabian ang alak na hawak nito. I saw him lick his lower lip before answering the question.

"It's depends kung sino ang kasama ko. " seryosong sabi nito. The way he said those words gives shiver down to my body.

Naiba na ulit ang usapan at napunta sa mga bata kanina sa charity program. Palihim kong tiningnan si Fabian at Cindy. Nakasandal na ang ulo ni Cindy said balikat ni Fabian habang hinihimas nito ang braso nito.
"May girlfriend ka na ba? " napatingin kaming lahat nang itanong iyon ni Cindy kay Fabian. Nag tama ang mga mata namin ni Fabian bago nito ibaling ang tingin kay Cindy.

Mukhang nag isip pa ito bago dahan-dahan na umiling. Napahalakhak ako dahil sa sagot nito. Dahan-dahang nawala ang ngiti sa aking labi nang nakatingin na pala saakin sina Fabian.

Nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin saakin. I cleared my throat. "Is there something funny about what I answered, Titania? " the wag he said my name is soft but at the same time taunting.

"I think there is, Fabian. "

"And what is the problem? " he asked.

Binaba ko ang baso na hawak ko bago muling ibaling ang tingin sakanya.

"Hindi porket taga probinsya at taga Manila ka ay agad-aagd mo nang maloloko ang mga babae dito. Isipin mo naman ang mararamdaman ng girlfriend mo kapag nalaman nyang nagloloko ka dito sa probinsya. May pa charity-charity ka pang nalalaman dyan! " Hindi ko alam kung saan ko hinigot ang lakas ng loob ko na iyon para masabi ko sakanya iyon ng harap-harapan.

He smirked at me before shaking his head. Tumayo ako at agad kinuha ang bag na dala ko. Hindi ko kayang makiharap sakanya sa iisang lamesa matapos ko syang sabihan ng mga salitang iyon.

"Aalis na ako! " seryoso kong sabi back tumayo at dire-diretsong nag lakad palabas ng bahay nina Mari. I pressed my lips together before closing my eyes tightly. Baliw ka talaga, Titania. Hindi ka nagiisip bago ka gumawa ng hakbang!

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon