Chapter 15

674 19 0
                                    

Ilang linggo simula nang malaman ko ang dapat kong malaman ng gabing iyon. Andito pa din si papa nakatira saamin dahil hindi ko naman sya pwedeng paalisin dahil bahay nya din naman ito. Lagi kaming nag kakasalubong sa ibang parte ng bahay pero hindi ko ito pinapansin, minsan lang din akong sumabay sa pag kain sakanila. Kapag wala akong gagawin sa ibaba ay nasa kwarto lang ako at binabasa ang mga librong regalo saakin ni Fabian. 

Nang dumating ang tanghali ay niyaya ako ni mama na sumabay sakanya kumain dahil wala daw si papa at nag hanap ng trabaho sa plaza kaya pumayag ako. Tahimik akong nakaupo sa upuan nang makita kong pumasok si papa sa kusina, nakasuot ito ng maayos nyang damit at may hawak na mga papeles. Nag tama ang mga mata namin pero agad akong umiwas at tumingin kay mama na mukhang hindi din inaasahan ang pag dating ni papa. 

Nanatili akong nakatingin sa plato na nasa harap ko. Nag simula kaming kumain. Katahimikan ang namayani sa pagitan namin, tanging tunog lang ng kutsara at tinidor na tumatama sa mababasaging plato ang maririnig. 

"Titania, nabalitaan ko na sumali ka daw sa isang painting contest." napa-angat ako ng tingin nang sabihin iyon ni mama.May ngiti sa labi nito habang sinasabi iyon, hindi ko maintindihan kung bakit nagagawang ngumiti ni mama habang andito pa din si papa. Ganun nya ba ito kamahal? 

"Sasali palang po." sagot ko at nag patuloy sa pag kain. 

"Gusto mo bang bilhin kita ng mga pain-"

"Hindi na po kailangan, may mga luma pa po akong brush at canvas dyan." pag putol ko sa sasabihin ni papa. Narinig ko ang pag tikhim nito pero hindi ko ito tinapunan ng tingin at nag patuloy sa pag kain. Nang matapos kaming kumain ay nag presinta akongmag hugas ng pinggan, pag katapos naman ay bumalik lang din ako sa kwarto ko at nag patuloy sa pag basa. 

Nasa kalagitnaan ako ng pag babasa nang tumunog ang cellphone ko at lumabas ang text message ni Fabian. Agad ko itong kinuha at binuksan ang text message nito. Hindi pa namin muling napag-uusapan ni Fabian ang nangyari sa talon ilang linggo na ang nakalipas, hindi pa din ako makapaniwala sa pinagtapat nito saakin, at mas lalo akong hindi makapaniwala dahil sa ginawa kong ilang bese itong halikan. 

Fabian:

Burol, later?

Ako: 

Sige.

Fabian:

❤️

Namula ang mukha ko sa sunod nitong tinext saakin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil doon. Hindi naman sya nag sesend ng emoji kapag mag katext kami noon. Nilayo ko saakin ang cellphone ko para hindi ko na makita pa ang text message nito. Nag patuloy ako sa pag babasa pero patuloy pa din na pumapasok sa isip ko ang heart emoji na sinend nya saakin. 

Nang dumating ang hapon ay tapos ko na ang binabasa kong libro kaya naisipan ko na ding mag ayos ng susuotin ko mamaya sa burol. Pumili ako sa mga damit na nasa cabinet ko hanggang sa makahanap na ako. Naligo ako at sinuot na ang napili kong damit. Pag baba ko ay si mama lang ang naabutan ko sa sala, nag paalam ako dito na pupunta kami sa burol ni Fabian at agad itong pumayag. 

Pag bukas ko ng gate ay bumungad saakin ang itim na jeep wrangler ni Fabian. Bumukas ang pinto ng diver seat at niluwa sya. Nakasuot ito ng itim na shirt at faded jeans. Lumapit ako sa pwesto ng passenger seat at pinag buksan ako nito ng pinto. Habang nasa byahe ay inaalala ko kung ano ang mga pinag gagawa namin ng mga nakalipas na araw. Simula nang umamin ito sa talon ay lagi ako nitong hatid-sunod kapag pupunta sa mansiyon nila, minsan kapag wala itong gagawin sa rancho ay nakikiupo ito sa art lesson namin ni Liviti at makikinood.

Nang makarating kami sa ibaba ng burol ay agad akong bumaba. Sinundan ko ito ng tingin nang pumunta ito sa trunk ng kotse nya at may kinuhang pinic basket. 

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon