Chapter 26

641 17 0
                                    

Nang mga nakaraang araw ay minsan nalang pumunta si Fabian sa bahay namin, hindi ko alam kung bakit dahil gabi na ito kung mag text saakin. Hindi ko maiwasang hindi mag alala tuwing hindi ito nakakapag text saakin. 

"Pwede na ito, di ba?" napatingin ako kay Ascella nang itanong nya iyon saakin. Nang mga araw na wala si Fabian ay naging mas close kami ni Ascella. Ngumiti ako sakanya bago tumango, sinamahan ako nitong mamalengke para sa tanghalian namin. Bukas sa kaarawan na ni Fabian at handa na din ang regalong ibibigay ko sakanya. 

Nang makarating kami ni Ascella sa bahay ay nilagay na namin ang mga pinamalengke namin sa ref. Kausap ito ni mama kaya agad umalis muna ako sa kusina at luamabas sa balkonahe ng bahay namin. Nilabas ko ang cellphone ko sa bulsa ko at muling tiningnan kung may text o tawag pa doon si Fabian. Huminga ako nang malalim bago ibaba ang cellphone sa center table. 

"Titania, okay ka lang ba?' mahinahong sabi ni Ascella saakin. Ngumiti ako sakanya bago tumango. Umupo ito sa katapat kong upuan at nilapag ang merienda na sa tingin ko ay hinanda ni mama. 

Napatingin ako sa regalo ko kay Fabian na maayos ang pag kakabalot. Binaba ko iyon at muling tumingin sa salamin sa harap ko. I am wearing a white sleeveless dress na hanggang tuhod. Nakatirintas ang buhok ko, nag lagay ako ng unting make up sa mukha ko para mag mukha akong presentable. Nang makita kong ayos na ang mukha ko ay agad akong nag paalam na aalis na. Sumakay ako ng tricycle papunta sa mansiyon ng mga El Salvador. Bukas ang malaking gate nila dahil may pumapasok na bisita. 

Maraming nakaparadang sasakyan sa loob ng mansiyon nila. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid nag hahanap ng mga taong kakilala. Napahinto ang tingin ko kay Marina na nakatayo sa isang gilid, agad akong luampit sakanya para tanungin kung nasaan ang kuya nito. 

"Ate Titania!" nakangiting sabi nito nang makita ako. Ngumiti ako sakanya. "Nasaan ang kuya mo?" takang tanong ko. Ngumiti ito saakin bago ilibot ang tingin sa buong paligid. "Nasa kwarto pa nito, nag aayos ata." nakangiting sabi nito. Hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako papunta sa likod ng mansiyon nila, pumasok kami sa isang pinto doon at nakarating kami sa loob ng mansiyon ay agad ako nitong hinila pataas ng hagdan, marami kaming nadaanan na mga bisita. Huminto kami sa harap ng isang kulay brown na pinto. 

Ngumiti saakin si Marina. "Andyan si kuya." nakangiting sabi nito saakin. Umalis na ito at iniwan akong nakatayo sa harap ng pinto. sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil ito ang unang beses na makikita ko ang kwarto ni Fabian. Huminga ako ng malalim bago iangat ang kamay bago kumatok.

"I said I'm coming! You don't have to come here." bakas sa boses ni Fabian ang iritasyon. Napangiti ako nang marinig ko ang boses nito, hinawakan ko ang door knob at dahan-dahan iyon inikot para mabuksan. Nang mabuksan ko iyon ay agad kong nilibot ang tingin ko sa buong kwarto nito, bumungad saakin ang malamig na aircon ni Fabian, malinis ang pag kakaayos ng kama nito malinis ang buong paligid. 

Pumasok ako sa loob at dahan-dahan sinarado ang pinto. Napatingin ako sa isang pinto doon na sa tingin ko ay banyo nito at mukhang anduon si Fabian dahil bukas ang ilaw doon. Lumabas sa pinto na iyon si Fabian at mukhang inaayos ang cuff ng damit nito. Napaawang ang labi nito nang makita ako nito. Ngumiti ako sakany bago lumapit sa pwesto nito at halikan ang labi nito. 

"Oh my God! You're here!" bakas sa boses nito ang saya nang makita ako nito. Hinapit nito ang bewang ko palapit sa katawan nito at pinaglapit ang mga noo namin. Hinaplos ko ang maayos na pag kakasuklay ng buhok nito. Nakaupo ako sa kama nito habang pinapanood itong mag ayos. 

"Is that for me?" he asked, nakatingin ito sa regalo kong nasa lamesa nito. Ngumiti ako sakanya bago tumango. Lumapit ito sa mesa at agad hinawakan ang regalo ko. "Pwede ko na bang buksan?" tanong nito. "Sige, sayo naman iyan." sagot ko sakanya. Lumapit ito sa pwesto ko at tumabi saakin. 

Like Strangers DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon