"SISTER SNOW. . ."
Napangiwi si Snow nang marinig ang malamyos na boses ni Sister Honey na tinatawag siya. Pilit niyang huwag ipahalata ang kanyang ngiwi.
Sobrang demonyo niya tapos papasok siya sa kumbento para lang sa gagawin niyang story. Talagang hindi siya nababagay rito! Gulat pa nga siya, eh, at hindi siya nasunog sa dalawang linggo na pamamalagi niya rito. Sa loob ng dalawang linggo na iyon, talagang hindi siya nadatnan ng pagkabanal.
Heto pa rin siya, isang yawa.
She sighed. Napahawak siya sa malaking krus na gawa sa kahoy na nasa kanyang bandang tiyan. Pendant ito ng kanyang necklace at lahat ng mga sisters, kahit 'yong mga under training pa lang kagaya niya, ay may ganito.
Binigyan niya ng ngiti si Sister Honey. "Ano po 'yon, Sister Honey?" malumanay niyang tanong.
Gusto niyang sabunutan ang sarili. This is so not her! Panigurado, kapag ikinikwento niya ito kay Autumn, tutuksuin siya nito. Hindi rin sila dapat nagce-cellphone rito sa kumbento lalo na silang mga trainee kasi baka raw ma-distract.
Ang mga ganap na sister naman ay pwedeng mag-cellphone pero sa labas nga lang. Araw-araw, bibliya at rosaryo ang hawak niya. Goodness! Miss niya nang humawak ng dildo. Dalawang linggo na siyang tuyot.
Char lang! Sorry, Lord.
"Tuwang-tuwa ang mga bata sa ikwinento mo sa program kahapon, Sister Snow," nakangiting ani nito. Ang asul na mga mata nito ay mas lalong kumikinang dahil sa tuwa. May lahi kasing American si Sister Honey, eh. Tantsa niya'y nasa mga 30's pa ito at mas matangkad siya rito ng konti.
Napangiti naman siya sa narinig. "Mabuti naman, Sister. Responsibilidad kong ibahagi ang talento na binigay sa akin ng Panginoong Maykapal."
And she meant that.
Kahit naman may pagka-yawa siya, naniniwala pa rin naman siya sa Diyos. She still prays and attends Sunday masses, 'no, and she never forgets to put God in her acknowledgements.
Mas lalong lumawak ang ngiti ni Sister Honey. Tinapik nito ang kanyang kanang balikat.
"Oh, siya. Alam kong isa ka talagang mabuting bata at kapag nagiging isa ka ng ganap na madre, paniguradong marami ang matutuwa."
Pinigilan niya na huwag mapangiwi sa narinig. Ganap na madre?
Bigla siyang nangilabot sa isipang iyon. Hindi niya nakikita ang kanyang sarili na maging isang madre.
Sinabayan niya na lang si Sister Honey. She faked a laugh, hoping that Sister Honey won't notice that it's fake.
"Sana nga po," ani niya na lang.
Napatingin sila sa entrada ng kombento no'ng pumasok si Sister Polly. Sa pagkakatanda niya, 50 na si Sister Polly at ito pa ang nag-guide sa kanya para sumailalim sa isang training. Kapag naman napagdesisyunan niyang mag-back out, ito rin ang kanyang lalapitan.
Sister Polly's face is always full of peace. May wrinkles na ito sa mga mata at kunot na rin ang morenang balat nito.
"Sister Honey, pinapatawag na tayo ni Father." Binalingan siya nito ng tingin at binigyan ng ngiti. Snow returned her smile. Napasinghap naman si Sister Honey.
"Nako! Ang bibliya ko!" Napahawak ito sa bibig. Kumunot naman ang kanyang noo.
"Ako na lang po ang kukuha, Sister Honey," she offered. Hinawakan naman ni Sister Honey ang kanyang kamay.
"Salamat, Sister Snow. Pakidala na lang sa Prayer Room," ani nito bago nagmamadaling umalis.
Tuwing hapon kasi, may isasagawang prayer ang mga Sisters at dahil hindi kasya ang lahat ng Sisters pati na rin ang mga trainees, may ginawang schedule. Tapos na ang mga trainees na mag-pray no'ng umaga at ang mga ganap na Sisters naman ay ngayong hapon.
BINABASA MO ANG
Heavenly
General FictionThe Club Series #2: Snow Annalise B. Atienza Something heavenly happened between them over and over again. . . until one of them fell in love. ----- Three years ago, Snow Annalise did pole dancing for a night, but she made her customer disappointed...