WO

3.8K 108 11
                                    

After 3 years

Madrid, Spain

"MADZ, KUMUSTA ang booksigning?" her Filipino co-author asked her. Naglagay pa ito ng kilay.

Napangiwi siya at tiningnan ang kanyang mga daliri na nagkaroon ng mga paltos sa sobrang dami ng librong pinermahan niya. She left the Philippines three years ago and she chose to stay here in Spain for a mean time. Ayaw niya munang bumalik.

"Nakakapagod, baks!" Sumalampak siya ng upo sa sofa.

Her co-author is gay. Katulad niya, galing din ito sa JW Publishing House at na-translate sa Spain at Russia ang libro nito. Six months din ang kontrata nito gaya niya and next month, babalik na sa Pilipinas ang bakla.

Six months lang sana ang contract niya at first batch lang na book ang pipermahan niya. Three for Germany and three for Spain pero napagdesisyunan niyang dito na lang muna sa Spain. Ayun, tuloy-tuloy na ang booksigning niya.

"Buti ako tapos na," sabi pa nito at halata ang galak sa boses.

Nagmulat naman siya ng mga mata at napatingin sa ikalawang palapag. Dito muna nakituloy si Jesha, na Josh sana, sa bahay niya rito sa Spain. She insisted kesa sa hotel pa. Dagdag gastos.

Binalingan niya si Jesha. "Punta muna ako sa itaas, baks. Check ko lang si Visa."

Tumango naman ito at pinaandar ang TV. Kinuha niya ang isang plastic bag na may lamang pasalubong para sa anak niya.

Yep, anak nila ni Travis.

Nagbunga ang huling nangyari sa kanila. . . when she sobered up after the party, nakita niyang natulog ito sa tabi niya. She didn't know what was on her mind that time at kinalabit niya ito.

Coping mechanism niya siguro ang pagiging marupok, pero noon lang 'yon! Nagbago na siya!

She was the first one to wake up and when she did, kaagad siyang umalis. Hindi niya alam na buntis pala siya.

Binuksan niya ang pinto ng kwarto nito and there, she saw her daughter sleeping. Nakasuot ito ng onesie na Hello Kitty. Nakayakap pa ang maliit na braso nito sa teddy bear na binigay ni Jesha.

Napangiti siya sa nakita. Her daughter is the greatest blessing that God gave her.

Nilapitan niya ang kanyang anak at humiga sa tabi nito. She really looks like Travis. Ang namana nito sa kanya ay ang kanyang mga labi at kilay. She got Travis' eyes and nose.

She caressed her daughter's soft cheek. Naka-thumbsuck pa ito na ikinangiti niya.

Ah, her Visa Winter.

Her parents know about Visa. Galit na galit pa ito kay Travis at balak sanang sugurin ng kanyang mga magulang pero pinakiusapan niya.

Autumn and Knoxx also knew and thank God Knoxx didn't say a thing. Ani pa nito, kahit kaibigan nito si Travis, nirerespeto naman nito ang desisyon niya kaya hinding-hindi ito magsasabi. Isa pa, alam nitong nagkamali si Travis kaya nga ginagawan nito ng paraan upang hindi sila mahanap.

One month after she left, Autumn informed her that Travis is looking for her. Wala daw silang binanggit and they tried their very best para lang iligaw si Travis.

Wala na siyang pake kung saan ito napadpad.

Nakakapagod palang magmahal ng isang taong kahit kailan ay hindi ka mamahalin pabalik.

Her daughter's eyes opened. Hinanda niya ang kanyang ngiti. She can really see Travis in her daughter.

Kinusot nito ang mga mata gamit ang mga maliliit na daliri nito.

HeavenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon