NAPAHAWAK SI Snow sa kanyang mga labi pagkauwi niya sa sariling bahay. Pinikit niya ang kanyang mga mata at napasandal sa pinto.
In her 27 years of existence in this world, she has never been kissed. Ngayon lang. At hindi niya itatanggi na habang hinahalikan siya ni Travis kanina ay nakaramdam siya ng kakaibang kiliti.
It was like sparks flew the moment they kissed. She felt different emotions at the same time. Hindi niya inaakalang gano'n pala ang pakiramdam mahalikan.
She lets out a sigh and locked the door before going towards the sofa. Humiga siya roon at napahawak sa kanyang sentido, marahan iyong minamasahe.
It's been a long day.
Gusto niya nang matulog pero 'di pa siya kumakain. She decided to order food through GrabFood instead.
"Bakit ba kami nagkita muli jusko," nanghihinang saad niya sa kanyang sarili. Muli niyang naalala ang nangyayari kanina. . . no'ng hinalikan siya ni Travis sa mga labi.
Mariin niyang iniling-iling ang kanyang ulo at tinampal ang kanyang pisngi. Ba't niya ba muling naalala iyon?
Umupo siya at pinaandar ang TV. Nahagip pa ng kanyang mga mata ang wristwatch ni Darren na nasa center table. Panigurado, nagpunta rito 'yong mga moklo kaninang umaga.
Napailing na lang siya. Kasalanan niya rin dahil binigyan niya ang mga ito ng spare key. May kapatid kasi siya, eh. Parehong kambal. Si Darren at Josh.
Marami na ang nagtatanong kung paano niya nakilala ang dalawa gayong sobrang magkamukha nito. She just shrugs. Hindi niya rin alam kung paano.
Sibling insticts, she guessed.
Kinuha niya ang wristwatch ni Darren at nilagay iyon sa isang box. Alam niyang kay Darren iyon base na rin sa kulay. Kulay silver ito samantalang kay Josh naman ay kulay black.
Siya kasi ang nagregalo no'n. Hindi niya alam bakit ang hilig nitong gawing tambayan ang pamamahay niya gayong may sarili naman itong mga condo.
Her siblings are grown up already at kapwa may mga trabaho na pero kung makaakto, parang mga bata pa rin.
Napatingin siya sa pinto no'ng may kumatok doon. Agad siyang napatayo at tiningnan muna ang bintana bago binuksan ang pinto. It's her food!
With a smile, she got it and said her thanks before turning her back and locked the door.
Mabilis siyang nagtungo sa sala at nag-Netflix. Ah, yes. Netflix and chill. Bukas niya na lang gagawin ang kanyang story.
She's writing under JW Publishing House at in-offer-an siya ng kanyang agent na maging exclusive writer doon.
Kapag magiging exclusive writer siya, it only means one thing: tataas ang kanyang sahod at magsusulat siya dapat ng limang libro sa loob ng tatlong taon. Nagdadalawang isip pa siya kung tatanggapin niya ba ang offer o hindi. Five books in three years.
Kaya naman siguro, 'di ba?
She shrugged and got her phone, sending an email to her agent that she accepts the offer pagkatapos ay nanood siya ng Squid Game.
Napangiwi siya nang makita ang mga lalaking puro singkit ang mga mata at naka-bangs. Muli niyang naalala si Travis. Aish! Ano ba 'yan! Ba't niya ba parating naiisip ang gagong 'yon?
But deep inside her heart, may isang tanong na bumabagabag sa isip niya.
Kumusta na kaya si Travis ngayon pagkatapos niyang patiran ang junjun nito?
TRAVIS GROANED once he reached his condo. Sobrang sakit ng pagkalalaki niya! Sinipa na naman ng amazonang babae na iyon!
"Fuck," he muttered and made a cold compress. Hawak niya pa rin ang nasasaktang pagkalalaki. Bakit ba ang hilig ng babaeng iyon na mamatid? Putangina.
BINABASA MO ANG
Heavenly
General FictionThe Club Series #2: Snow Annalise B. Atienza Something heavenly happened between them over and over again. . . until one of them fell in love. ----- Three years ago, Snow Annalise did pole dancing for a night, but she made her customer disappointed...