"DALIAN NIYO, mga gago!" saad niya kina Josh at Darren.
Nagyaya kasi si Autumn na gumala dahil wala raw si Knoxx, may duty. Ang gaga, na-bored sa bahay. Game rin naman siya gumala.
"Teka lang naman, Ate! Patapos na 'to," ani pa ni Josh habang nakaharap sa salamin at inayos ang buhok nito.
Napasimangot siya. Kanina pa ito sa harap ng salamin! Bwiset!
Dumako ang kanyang tingin kay Darren na ngayon ay nakasandal sa hamba ng pinto at nakatingin lang sa labas na para bang nagmo-moment. Ano naman kaya ang dinadrama nitong kapatid niya?
Biglang bumangon ang pag-alala sa kanyang puso. Kahit naman nag-aaway sila minsan, mahal niya naman ang mga kapatid niya, 'no!
"Hoy!" tawag niya rito. Tumingin naman si Darren sa kanya.
"Problema mo?"
Napanguso lang si Darren at umiling.
"Na-excite lang. Gusto na naming mag-ice rink," ani nito at tiningnan si Josh at saka napasimangot. "Tagal ng kumag," wika nito na ikinabuntonghininga niya.
"Tapos na!"
They both breath out a sigh of relief. Mabilis niyang binigay ang susi ng kanyang kotse kay Josh at saka nauna nang lumabas. Gusto niya munang matulog sa byahe. Inaantok siya.
Pinindot naman ni Josh ang button ng car key kaya bumukas ang pinto. Agad siyang nagtungo sa back seat at pinikit ang kanyang mga mata. Narinig niyang pumalatak si Josh.
"Kaya pala ako ang pinag-drive. Sus." Hindi na lang siya nagsalita pa. This day, gusto niyang mag-focus muna sa gala nila ni Autumn at hindi kay Travis.
Sinandal niya ang ulo sa headrest at umidlip.
NAGISING SIYA nang may sumiko sa kanya.
"Putangina!" mura niya at tiningnan kung sino mang yawa ang nagdisturbo sa kanyang masarap na tulog. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Autumn.
Oo nga pala! Gagala pala sila ngayon!
Kita niya ang pagngiwi nito nang tumulo ang kanyang laway sa seat. Ew! Tumulo pala laway niya?
"Kadiri ka, Ate!" saad ni Darren.
Hinuli niya ang mga mata nito sa salamin at sinamaan ng tingin ang kapatid.
"Mas kadiri bed sheet mo na may tamod, ulol! 'Wag ako, Darren."
Mabilis niyang pinahiran ang kanyang laway at naglagay ng alcohol. Nag-sanitize na rin siya. Hindi niya na pinansin ang gagang kaibigan na tawa nang tawa sa kanyang tabi.
"Si Ate Autumn, oh, halatang 'di pa talaga alam kaibahan nating dalawa," ani ni Josh at pinaandar ang sasakyan. Kita niya ang pagsimangot ni Autumn na ikinahagikhik niya.
"Meron ba? 'Di ba, wala? Ewan ko nga lang kung paano kayo nakilala nitong borikat niyong ate."
Hinampas niya ito at madramang suminghap.
"Anong borikat ka diyan? Graduate na ako d'yan, gaga! Pokpok na ako ngayon!"
Sabay silang nagtawanan.
"Pero alam mo pinagkaibahan niyang dalawa? 'Yong isa, gago. 'Yong isa, sobrang gago!" pagpapatuloy niya na mas lalong ikinatawa ni Autumn.
Napangiwi siya nang makitang parang nagpapa-cute ang mga gago sa kanya. Tangina? 'Di bagay!
"Oh, bakit? Hindi ba?"
"Ate naman," sabay nitong sabi at napakamot pa sa batok.
"Saan ba mga girlfriend niyo ba't kayo sumasama sa gala namin?" Napairap na lang siya.
BINABASA MO ANG
Heavenly
General FictionThe Club Series #2: Snow Annalise B. Atienza Something heavenly happened between them over and over again. . . until one of them fell in love. ----- Three years ago, Snow Annalise did pole dancing for a night, but she made her customer disappointed...