"YOU CAN leave now, Trav." Narinig niyang nilagay na nito ang tasa sa sink. Nandito siya sa sofa at nakapikit ang mga mata. Inaantok siya.
"Later."
Naramdaman niya ang pagtabi nito sa kanya. He put his head on her lap.
Kaagad siyang nagmulat ng mga mata at bumaba ang kanyang tingin dito. Nakapikit ang mga mata nito.
She poked his forehead, kaya muli nitong binuksan ang mga mata.
"Don't tell me na matutulog ka muna rito?" Tinaasan niya ito ng kilay.
'Pag naabutan sila nina Josh at Darren lagot talaga ito sa kanya! But on the second thought, alam niyang duty ang mga ito. Bigla siyang napanatag sa isipang iyon.
"Yep. I'm so damn tired," saad nito sa inaantok na boses. Muli nitong pinikit ang mga mata. Napairap na lang siya at napailing-iling.
"Punta ka na lang kaya sa kwarto ko, 'no? You can sleep there," she informed him. Dito na lang siya sa sofa matutulog.
Umayos naman ito ng upo at nag-angat ng tingin sa kanya.
"Where's your room?"
Tumayo siya at naglakad paakyat. Naramdaman niya naman ang pagsunod nito sa kanya.
She opened her bedroom door and gestured for him to go inside. Kaagad naman itong sumampa sa kama. Feel na feel at home talaga ang gago! Eh, 'di pagbigyan!
Aalis na sana siya nang bigla itong magsalita, "Where are you going?" tanong nito habang kunot ang noo na sinusundan siya ng tingin.
Nagkasalubong ang kanyang mga kilay. Ano na naman ang trip nito?
"Bababa na, malamang. Matutulog ka, 'di ba?" She rolled her eyes heavenward. Ano na naman kayang iniisip nitong boang?
"Why don't you join me? Let's sleep, Snow. I know you're also tired," he said in a sleepy voice.
Kinusot niya ang kanyang mata nang maramdamam ang pamimigat ng kanyang talukap. His voice is so inviting pero hindi siya magpapadala.
"Baka kung ano pang gawin mo sa akin. Sa sofa na lang ako. Just sleep, Trav." Napahikab siya at tinalikuran ito.
Lalabas na sana siya nang may biglang bumuhat sa kanya. Malakas siyang napatili at nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. Using his left foot, he closed the door.
Aangal na sana siya pero mabilis itong naglakad pabalik sa kama at inihiga siya. Hindi pa niya tuluyang na-process ang mga pangyayari nang bigla itong tumabi sa kanya at pinalibot ang braso sa kanyang bewang.
Nahigit niya ang kanyang hininga nang maramdaman ang init ng katawan nito kahit kapwa sila may suot. What the fuck is Travis thinking?
Hinampas niya ang braso nito pero parang wala lang ang yawa! He groaned and nuzzled his face on her neck. Ang hininga nito ay tumatama sa kanyang tenga na nagbigay ng kilabot sa kanya.
"Sleep, Annalise," he sleepily said. Hindi niya alam kung anong meron sa boses nito at mas lalo siyang hinila ng kanyang antok.
She chose to lay still and just feel his body against her back. Hindi na siya muling naglikot pa.
She closed her eyes and let Travis hug her, never expecting to feel comfort inside his arms.
NAGISING SI Snow na wala na si Travis sa kanyang tabi. Kumunot ang kanyang noo. Did he leave already? Mabuti naman kung gano'n.
Napanguso siya. She should be happy, right? But why does she feel otherwise? Her heart suddenly feels heavy. Ewan. Maybe, nasanay na siguro siya na araw-araw kasama ang lalaki sa isang linggong pamamalagi niya sa bahay nito.
BINABASA MO ANG
Heavenly
General FictionThe Club Series #2: Snow Annalise B. Atienza Something heavenly happened between them over and over again. . . until one of them fell in love. ----- Three years ago, Snow Annalise did pole dancing for a night, but she made her customer disappointed...